≡5

97 2 0
                                    

≡ ≡ ≡ ≡ ≡

Pagdating ko sa room ay naupo na ako.Later on dumating na rin si Elle at naupo na sa tabi ko. Kakausapin n'ya pa sana ako kaso pumasok na ang aming teacher.At nagtuloy-tuloy na ang klase.

Nang nag-recess na ay hindi na ko pumunta ng canteen dahil busog naman ako at ayoko rin muna i-risk na makita si Chael. Hindi ko kasi alam kung anong problema ko kaya mas minabuti ko nalang munang isipin ang naging reaksyon ko kanina.Naguguluhan na 'ko sa sarili ko lalo na kanina noong inantay n'ya ako sa labas ng bahay.Pagkakita ko sa kan'ya ay parang gusto ko s'yang yakapin na parang namiss ko s'ya. Iba rin ang sayang naramdaman ko nang makita sya.Naputol lang ang pag-iisip ko ng padabog na nilagay ni Elle ang tatlong strawberry flavored oreo biscuit sa harap ko at isang bottled water.

"Ano 'to 'di naman ako nagpabili sa'yo ha?" taka kong tanong.

"Pinapabigay ng bassist ng the Juans sa'yo. Ginagawa pa akong tulay. Alam mo ba lagi akong ginugulo nun noong wala ka? Laging tinatanong kung okay ka na ba at kailan ka ulit papasok"

"Huh? What are you saying? Sinong bassist ng the Juans? Anong the Juans?" tanong ko kay Elle dahil naguguluhan ako sa pinagsasabi n'ya.

"Hays. Oo nga pala hindi mo sila kilala dahil puro ka lang naman aral para sa dream school mo."

"Yung the Juans ay ang sikat na banda dito sa school okay. Meron silang 5 members. Si Carl yung senior (4th year h.s) na ngayon na tumatayong leader sa kanila.S'ya rin ang vocalist at keyboard sa group. Pangalawa si Japs yung mukhang tahimik sa grupo pero isa rin sa pinakamakulit kapag makakasama sila, vocalist din s'ya at lead guitarist as far as I know. Basta gitara sa kaniya and he's on his 3rd year like us.Then si Chael the boy who bumped into you is their bassist and 3rd year na rin s'ya.Actually 1 room away lang yung room n'ya sa atin.Tapos si Josh naman 2nd year yung drummer nila.Yung bunso nila sa group is si Rj acoustic guitarist naman s'ya and he's first yr. Last year lang din sumikat ang group nila rito sa school dahil sumali sila sa battle of the band last year's event at nanalo. Pero matagal na rin pala ang group nila at sa church daw nila sila nagkakilala." mahabang paliwanag sa akin ni Elle.

"Anong sabi n'ya nung inabot n'ya to sa'yo?"

"Bigay ko raw sa'yo baka magutom ka. Matagal yata s'yang nag-iintay sa'yo sa labas.Paglabas ko kanina andon na s'ya e, hanggang pag balik ko.Baka nahihiyang tawagin ka" kwento ni Elle habang kumakain s'ya. Kaya napatingin ako sa labas kung ando'n pa ba di Chael.

"Wala na s'ya d'yan bumalik na sa room nila." sabi ni Elle ng makita akong palinga linga sa labas. Na sad naman ako na wala na s'ya roon.

Napatingin ako sa pinabigay ni Chael at napangiti ako. He's so thoughtful. Napatingin ako sa relo ko at 5 mins nalang ay tapos na ang recess pero tumayo pa rin ako sa upuan ko at dali daling lumabas ng kwarto.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Elle ngunit hindi ko na siya nasagot dahil sa pagmamadali. Hindi ko rin alam kasi parang nagkusa na yung mga paa maglakad. Mula sa room ay nadaanan ko ang faculty dahil katabi ito ng room namin.Then I found my self standing at the front of the door where on the top of it says Third Year Section 2.

Nang nandoon na ako ay tsaka ako tinamaan ng hiya. Ano bang pumasok sa utak ko at bigla akong nagpunta rito. Kakatok ba ako o ano? Pagkakatok at sasabihing kung pwede ba kay Chael ay ano namang sasabihin ko kay Chael? Pumunta pa talaga ako rito kahit pwede naman mamaya or kung kelan ko ulit s'ya makita.

Dahil na rin naisip ko na magmumukha akong tanga dahil dito ay naisipan ko na lang na bumalik sa room. Aalis na sana ako sa harap ng pinto nila nang biglang bumukas ang ito at lumabas si Chael. Nagulat s'ya ng makita ako at mas lalong nagulat ako. Nakita kong may hawak siyang piraso ng basura.Itatapon n'ya yata iyon kasi yung mga basurahan ay nasa labas ng mga classrooms dahil pag sa loob ay baka mangamoy ito dahil air-conditioned ang mga classrooms dito. Napatingin s'ya sa hawak ko dahil dala-dala ko rin pala yung pinabigay n'ya kay Elle. He flashed his wide smile when he saw it. Napahawak ako ng mahigpit dito. Hiyang hiya na.

"Hindi mo pa rin pala nakakain. Durog na 'yan mamaya dahil sa pagkakahawak mo.May galit ka ba sa biscuit? Kawawa naman 'yan" Sabay tawa nito at turo sa hawak ko. Napahiya ako roon. Kitang kita na natetense ako. Bakit ba ako natetense e si Chael lang naman to. At nandito lang naman ako para mag pasalamat dahil doon.Oo ayon lang. Hindi naman siguro dahil gusto ko s'yang makita. Magpapasalamat lang talaga 'ko.

"Ah may kailangan ka ba sa loob?" Napayuko ako sa hiya.Hindi ako masasagot dahil s'ya lang naman yung sinadya ko rito. Sasabihin ko ba na s'ya yung sinadya ko? I'm so stupid. I act impulsively as ever.

"Ah a-a-ano w-wala naman.N-napadaan lang ako mag t-thankyou na lang din sana ako s-sa'yo dahil dito" shit ang tanga ng palusot ko. Dapat sinabi ko nalang ang totoo. Baka ano ang isipin n'ya dahil dito.

"Ah napadaan ka lang kahit pinaka dulo na 'to at doon ang kwarto mo? Lumulusot ka ba sa pader?" tinuro nito kung saan ang room ko sabay tawa. Hiyang hiya na talaga ako. Wala na akong nasabi.

"De joke lang" dugtong pa nito. Ang hilig n'ya talaga akong asarin kahit ilang beses pa lang kaming nagkakasama.

S-s-sige alis na ako." Sabi ko at daling daling tumalikod at lakad takbo papunta sa room. Shit that was so embarrassing.

"Saan ka pumunta?Hingal na hingal tas pulang pula ka pa.Siguro hmm" Usisa ni Elle

"Wala nag cr lang"

"Nag cr pero doon papunta sa section 2? Iba na talaga pag may bebe ayaw na rin mag open sa akin" asar pa ni Elle. I know ang stupid ng reason ko lalo na at paglabas sa room ay sa kanan nito yung faculty at kasunod naman ng faculty ay ang dulo na kung saan ang section 2. Sa left side kasi ay ang iba pang sections bago ang cr at ang hagdanan.Ayoko lang muna kasi mag kwento kay Elle lalo pa at hindi pa talaga ako sure kung ano ba 'tong nararamdaman ko.Kilala naman ako ni Elle at alam n'yang nagkekwento naman ako kapag handa na.Mabuti na lang at nag bell kaya hindi n'ya na ako makulit pa. Nakinig na kami ni Elle sa discussion. Hindi pala ako nakinig dahil may naisip akong iba. Ang unusual nito sa'kin. Dati siniset aside ko lahat dahil acads first pero ngayon kahit discussion ay lumilipad ang isip ko sa ibang bagay.

I am always sure of what I do. What I'm doing and what I wanted to do. Pero simula nang nakilala ko si Chael bigla na lang ako nakakagawa ng mga bagay kahit 'di ko pa pinag-iisipan at wala sa plano ko.


ps. yung about sa pagkakasunod sunod kung sino pinaka matanda sa members 'di ko alam so gawa gawa ko nalang:)) basta alam ko so RJ bunso hehe.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

:))

Hatid (The Juans Series #1)Where stories live. Discover now