Chapter 37

71 3 0
                                    

Nang makarating kami sa hacienda nila Dashiel ay mabilis na akong bumaba sa sasakyan pag kahinto pa lamang. Libo libong kaba na ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, natatakot akong kunin nya sakin si Zari! Pleaseee hindi ko kaya.

"Dahan dahan Vien!" Hindi ko sinunod si Dash sa halip ay binilisan ko pa ang lakad ko ata tumakbo na. Hinayaan ko syang sundan ako.

Nang tuluyan na kaming nakapasok, napahinto ako nang maabutan ko sila na nasa malaking sala. Agad dumapo ang mata ko sa isang pamilyar na bulto na nakayuko. Nakapatong ang baba sa kamay.

Naramdaman ko ang bilis ng takbo ng puso ko, ang laki ng pinagbago nya. God! I want to hug him, sobrang namiss ko sya pero alam ko sa sarili ko na hindi pwede.

"Ate Vien..." tumayo si Vien kaya naman saakin na napunta ang atensyon ng lahat maging ang lolo nila Dash.

Sa sandaling umangat ang mukha nya ay agad tumama sakin ang mga mata nya, katulad ng una ko syang nakita doon sa park namin. Wala parin emosyon ang mga mata nya, sobrang lamig at nagtitiim ang bagang nya pero pinipigilan nta lamang ang sarili nya.

Tumayo si Stacy at nilapitan ako, katabi ni Paris si Zarius.

Naramdaman ko ang pag hawak ni Dash sa braso ko, hindi nakatakas sakin ang pagdako ng tingin doon ni Zar at nagawa pang suminghap.

Hindi ko na nga magawang maikalma ang sarili ko. Pag si Zari talaga ang pinag uusapan hindi ko alam ang gagawin ko.

Biglang tumayo si Zar at malamig akong tiningnan.

"Kukunin ko ang anak ko." Agad ako nanigas sa kinatatayuan ko. Inalis ko ang pag kakahawak sakin ni Dash at nanginginig na lumapit kay Zarius.

"W-wag please... Maawa ka Zarius!" Agad akong sinundan ni Dash.

"Vien!"

"Please Zarius parang awa mo na, hindi pa ready si Zari mabibigla sya..." matatalim ang tingin sakin ni Zar, wala na akong paki kung umiiyak na ako sa harapan nya. Kaya kong lumuhod wag lang nyang kunin ang anak ko.

"Maawa? Sakin ba naawa ka, Ysla?" Naramdaman ko ang pait sa boses nya. Tumawa sya ng pagak.

"Tangina, five years! Putang ina limang taon mo akong pinagkaitan sa anak ko! Tapos sasabihin mo sakin maawa ako?" Galit na galit sya, kita ko narin ang ugat sa leeg nya. Pilit syang hinahawakan ni Paris ngunit iniigkas nya ang braso nya.

"Zarius apo, kumalma muna tayo." Lumapit ni si Lolo Patricio.

"Im sorry..." yumuko ako, dahil alam ko sa sarili kong tama sya. Wala akong magawa, pinagkaitan ko sya tapos ako pa ang nagsasabing maawa?

"Hindi ko alam kung saan ako nag kulang sayo Ysla, hindi ko mahanap ang tama sa mga putangina mong dahilan para hindi sabihin sakin!" Hindi ko magawang tumingin sa mga mata nya, ramdam na ramdam ko ang galit sa bawat salitang binibitawan nya.

"Minahal naman kita ng higit pa sa sobra diba? I told you that you were my dream and all pero ano iniwan mo nalang ako bigla? Nang walang paalam at magandang rason? Ysla, b-bakit mo ba ako pinaparusahan ng ganito? Tell me ano bang nagawa ko sayo para ganituhin mo ako? Sumobra ba ako, nagkulang o nawalan ng time?" Humina ang boses nya, ni hindi ko na nga alintana ang mga taong nasa paligid namin.

"H-hindi Zar, w-wala kang kasalanan... Ako."

"Pero bakit?! Ha?! B-bakit mo ba ako palaging sinasaktan?! Ysla tangina, andami mong pagkakataon para sabihin sakin na may anak tayo, pero sa iba ko pa nalaman! At tangina mag lilimang taon na ang anak ko!"

"Zar, calm down..."

"Sasabihin ko naman---"

"Putang ina kailan?! Ha?! Pag dalaga na ang anak natin?! Hindi ko na alam Ysla. Napaka makasarili mo?" Umiiling sya, nakita ko na naman ang pag tulo ng mga luha nya.

The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon