"Jadie, ano'ng ipapangalan mo sa anak mo?"
Hindi ko alam. As in, hindi ko talaga alam. Sa dinami-rami ba naman ng gusto kong pangalan, paano ako makakapili niyan? Lalo na't biglaan tong isang to.
"Ano na? Huy! Jadie, dali na. Wala pa rin kasi akong maisip."
"Teka lang..." 'yan lang ang naisagot ko. Paano ba naman ako makakaisip ng pangalan para sa anak ko, eh hindi ko man lang alam ang pangalan ng tatay niya. Mas madali kasi 'pag combination na lang.
"Ano na? Ang bagal naman! Mauubos ang oras natin, oy!" Reklamo ng katabi kong si Ianne. Oo, 'Iyan' ang basa dyan, at tama kayo, babae 'tong kausap ko.
"Pwede bang Baby na lang? Wala talaga kasi akong maisip eh."
Kumunot yung noo niya.
"Baby? Eew, Jadie! Ang pangit, hindi pwede!"
Aba, ang arte. Para ba siyang may naisip na.
"Ikaw ba, may naisip ka na?" tanong ko sa kanya.
"Wala pa nga. Kaya nga ikaw 'tong tinatanong ko, baka sakaling makakuha ako ng idea sa pangalang naisip mo."
Ano ba naman kasing klase ng activity ito? Gagawa kami ng letter para sa future anak namin, lalagyan talaga namin ng pangalan at ng kung anu-ano pa na gusto naming sabihin sa kanila. Ano bang alam namin? Eh 3rd year high school pa lang kami. Kung ano man ang iniisip niyo kanina, pwes mali kayo! Hindi totoong anak to, imaginary lang. Values Ed. ang subject namin ngayon, at wala pa kaming nasusulat nitong seatmate ko.
"Princess na lang kaya?" kitang-kita sa mukha niya ang pagiging desperada. Gusto kong sabihing nakakasuka yung pangalan at parang katumbas lang din ng Baby ang pinili niya. (Sorry bitter, no offense sa mga Princess dyan!) Pero, syempre hindi ko to close eh baka upakan pa ako nito pag di pa ako sumang-ayon.
"Okay lang. Ikaw bahala." nakangiti kong saad.
Sa huli, naging Isabelle din ang pangalan ng anak niya at Lorraine Jill naman yung akin. Dinalawa ko na para sunod sa pangalan ko, Audrey Jade. Nag-pass na kami ng papers tutal time na rin lang. Lumapit naman samin si Hannah, kaibigan nitong seatmate ko.
"Hi, girls! Uy, girl anong name ng anak mo?" pagtatanong niya kay Ianne. Ay, talagang di maka-move on?! Joke!
"Ah. Isabelle, ikaw ba?"
"Bakit Isabelle lang? Di ba, Ianne Liezl ka?" nagtatakang tanong ni Hannah.
"Kailangan bang isunod ko talaga sakin yung pangalan ng magiging anak ko??"
Napalingon ako sa sinabi ni Ianne. Oo nga noh, kailangan bang ganon?
"Oh, bakit?" tiningnan ako ni Ianne.
"Wala naman." nginitian ko na lang sila at iiwas na sana ako ng tingin nang kausapin ako ni Hannah.
"Ikaw, Jadie? Ano'ng pangalan ang binigay mo sa iyong future baby?" ngiting-ngiti pa siya niyan ah.
"Ahh... Lorraine. Lorraine Jill, actually."
"Wow, cute!" Cute?!
"Eh, ikaw ba? Ano'ng pangalan ng baby mo?" medyo iritang tanong ni Ianne.
"Ah, yung akin?" panay ngisi lang si Hannah, kaya feeling ko any moment ay mananapak na si Ianne. Pero, syempre di niya gagawin yun dahil nga daw 'civilized' siya.
"Hindi! Yung baby niya! Sa kanya ata!" sabay turo ni Ianne sa lalaking nakaupo sa harapan ko, si Jarren. Natawa akong onti. Wala lang, masama na bang tumawa?
BINABASA MO ANG
I Almost Had You
Teen FictionWhen everything that's right just suddenly went wrong.