Chapter 9
Everything has changed
"Hoy seryoso?!" bulalas ni Yllana matapos kong i-kwento sa kanilang dalawa ni Joyce ang nangyari. "Baka naman ginu-good time mo lang kami, Chan."
Napangisi na lang ako't nagbuklat ng notes. "Bahala kayo kung ayaw niyong maniwala."
"Ayieee!" sabi ni Joyce habang niyugyog pa ang balikat ko. "So anong ibig-sabihin nito, may step-up na ba? Ano?"
Napakunot ang aking noo at isinara ang notebook na hawak. "Anong step-up?"
"Alam mo 'yon. Iyong road to char-char na kayo. So ano na? Papunta na ba do'n?"
Umiling ako. "Hindi. Hindi rin ako sure kung friends ba kami o ano. Basta masaya ako," sabi ko habang may sinusupil na ngiti sa aking labi.
"Gaga ka. Sinayang mo 'yong chance mo," si Yllana na tinampal pa ang balikat ko. "Dapat nag-confess ka na agad do'n. Alam mo 'yon. Perfect place, perfect ambiance, perfect time kasi Valentine's. At saka perfect person kasi si Salih naman."
Umismid ako. "Bakit naman ako mag-co-confess? Ayoko nga. Masakit ma-reject. Mas masakit pa raw kaysa hindi makapasa sa periodic test."
Napatawa si Joyce. "Teh, hindi naman masakit bumagsak sa periodic. Ikaw lang naman 'tong OA."
Sumang-ayon naman si Yllana sa kaniya. "Yes, kumare. Ganito na tayo ka-manhid. Minsan kasi, gaano pa natin ka-gusto ang isang bagay, kung hindi para sa atin; hindi para sa atin. Kahit pa kumayod ako at mag-aral nang sobra, kung hindi ako nakapasa, edi hindi. Better luck next time na lang."
Nag-apir naman ang dalawang babae habang napayuko na lamang ako. Hindi kasi nila ako naiintindihan. Palibhasa, may kaya silang dalawa. Kayang-kaya nilang mag-aral sa magagandang unibersidad sa siyudad. Ako, kailangan ko pang kumayod. Kailangan ko pang panatilihing matataas ang grades ko para maka-avail ako ng scholarship. Iyon naman talaga ang plano ko. Mag-aral nang mag-aral hanggang makatapos ng high school na may matataas na grades at mabigyan ng scholarship sa isang unibersidad sa siyudad.
Mahirap lang kami. Maaaring hindi makaya nila mama na akuin lahat ng pambayad sa matrikula kung sa siyudad ako mag-aaral ng kolehiyo. Kaya pinagbubuti ko talaga. Ayos lang din naman sa akin kung sa aming State College lang ako mag-aaral. Kaso pangarap ko din namang makatapak sa siyudad. Ni hindi pa nga ako nakakasakay sa barko o nakakatawid sa kabilang isla.
Bumalik na sa normal ang takbo ng klase. Parang hindi nangyari ang Valentine's dahil talagang malinis na malinis na ang paligid. Ang natitira na lang sa field ay ang tent na hindi pa nila naliligpit. May tent so nangyari talaga iyong Biyernes at hindi isang panaginip ko lang.
Nang dumating ang recess, magkahawak-kamay kaming tatlo na pumunta sa canteen. Nakakapanibago dahil walang masyadong tao rito sa canteen ngayon. Busy yata ang karamihan sa mga studyante kaya ganoon.
Fishball at juice lang ang binili ko. Sinigurado ko talaga na wala na akong maaabala pang iba dahil sa angkin kong katangahan. Ang dami ko nang nape-perwisyo dahil sa katangahan kong 'to. Hindi na 'to pwede.
"Hi Chan!"
Gulat akong napaigtad bago siya hinarap. Sobrang pamilyar na sa tainga ko ang boses niya kaya alam kong siya iyan. Nararamdaman ko rin ang mahihinang pagkurot ni Yllana sa braso ko.
"H-hi k-kuya," nauutal kong bati. Napokus ang tingin ko sa taong katabi niya. Nakaarko ang kilay nito sa akin at parang tinatarayan ako. Wala naman akong kasalanan sa lalaking 'to, ah. Bakit siya ganyan makatingin sa akin?
Tumawa siya't may dinukot na namang Potchi sa bulsa niya at binigay sa akin na alanganin ko namang tinanggap sapagkat parang gusto na akong sabunutan ng katabi niya. "'Di ba sinabi kong huwag mo na akong tawaging kuya?"
BINABASA MO ANG
Field of Promises (SPSHS Series #1)
Teen FictionSa isang grand high school reunion, muling nagkatagpo ang landas ng dalawang taong minsang naging tahanan ang isa't isa. Sabi nila, first love never dies. Sabi naman ni Chandelier, first love doesn't have to be forever. Will love really be sweeter...