Chapter 33

92.3K 1.6K 23
                                    

Chapter 33

Bernard's (Caloy) POV

"Inday?"
Para akong napatda at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.

Umiiyak ang asawa ko na tumingin sa akin bago sa nakangising si Angela.

"Babe you came, kanina pa kita iniintay.I miss you so much." Lumapit sa akin si Angela na naka lingerie lang at yumakap.

"What the fvck Angela?" Kinalas ko ang braso nitong nakapulupot sa akin at lumapit sa asawa ko.

"Mahal ko, kung anuman ang sinabi ng babaeng ito please wag kang maniniwala. You promised na ako lang ang paniniwalaan mo hindi ba." Lumuhod ako dito at pinahid ng likod ng palad ko ang luha sa pisngi nito.

"Hindi ko na alam Caloy." Umiling itong tinabig ang kamay ko bago tumayo.

"Oh come on Bernard, alam ng lahat na awa lang ang nararamdaman mo sa kanya__"

"Shut the fvck up Angela!"

"Ituloy mo Angela, ano pa bang hindi ko alam!" Galit na sumigaw si Inday na nag uusig ang tingin sa akin.

"Mahal ko, iuuwi na kita, sa bahay tayo mag uusap please." Nanghihina na akong napahimas sa batok ko.

"Hindi bat nakiusap sayo si manang pati na rin ang mga kaibigan mo na tulungan si Inday hindi ba Bernard? Na masyado nang maraming pinagdaanan ang babaeng iyan sa kamay ng kinakasama ng Nanay nya. At aksidenteng nabuntis mo lang ang babaeng yan kaya pinakasalan mo na rin para hindi maranasan ng magiging Anak mo ang maging Bastardo kagaya mo, hindi ba babe?."
Masama kong tiningnan ang walang pakundangan ni Angela.

"Enough Angela!"
I swear pagsisisihan nito ang araw na ito sa oras na may hindi magandang mangyari sa pagsasama namin ng asawa ko.

"Alam mo na ang nakaraan ko bago pa man tayo ikasal Caloy?" Puno ng hinanakit ang tinig nito.

Wala akong nagawa kundi ang tumango. "Magpapaliwanag ako Inday." Akma ko itong yayakapin pero umiwas ito.

Pinahid nito ang luha at nagsimulang tunguhin ang pinto.
"Wag mo akong susundan Caloy, gusto kong mapag isa."

"No! Lumapit ako dito at niyakap ito.
"Please mahal, ikaw lang ang mahal ko, believe me."

"Caloy kung importante pa sayo ang batang nasa sinapupunan ko, hahayaan mo muna ako." Napa bitiw ako dito at tiningnan ang seryoso nitong mukha habang tumutulo ang masaganang luha sa pisngi nito.

"Babe let her go." Kumapit si Angela sa braso ko kaya madaling nakahakbang palayo sa akin si Inday.

Galit kong hinarap si Angela at hinawakan ito sa magkabilang balikat.
Gusto ko itong saktan at ilabas lahat ng galit ko.

"Wala ka talagang kadala dala Angela? What the fvck is this all about?! Anong sinabi mo sa asawa ko ha?" Niyugyog ko ito ng marahas.

"Sa akin ka lang Bernard at hindi ko hahayaan na maagaw ka ng iba. Ilove you babe please come back to me." Nagsimula itong maghubad sa harapan ko.
Kung siguro ako yun Bernard noon na puno ng galit ay marahil pinatulan ko ito, pero ngayon ay wala akong maramdaman kundi pagkadisgusto.

"Kahit kailan wala akong babalikan kundi sya lang, dahil simula noon hanggang ngayon ay sya lang ang nagmamay ari ng Puso ko and you will pay for messing with me and my wife Angela." Itinulak ko itong nanghihinang napasalampak sa sahig bago ko talikuran.

_______
Belinda's (Inday) POV

Mabilis akong naglakad palayo sa silid na iyon. Pinili kong dumaan sa fire exit dahil alam kong susundan ako ni Caloy.
Susunod nga ba talaga sya? O baka pinagtatawanan na nila ako ngayon sa mga katangahan ko.
Baka nga nagse sex na sila ngayon hindi ba? Kagaya ng mga nasa pictures.
Kaya nga ganon ang hitsura ni Angela hindi ba?

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon