NEW CHAPTER TWO

12 9 0
                                    

DISCLAIMER: Errors ahead. This is a work of fiction. Kung may kamukha, kahawig or ka parehas man ang laman ng aking likha sa totoong buhay ay maaaring hindi ito sinasadya o galing lamang sa aking makitid na pag iisip.

CHAPTER TWO (2):

"Sinusundan mo ba 'ko?" Kapal din netong babaeng to eh. 'Di ako yung tipong maghahabol sa kanya at magpapaka stalker.

"Asa ka miss. Nakaharang kasi 'yang sasakyan mo, lalabas ako."sabi ko sabay turo sa kotse ko na nasa unahan ng kotse niya. Parang nahiya naman siya at napayuko nalang. "Miss ano ba?! Aslisin mo ba 'tong kotse mo o aatrasan ko nalang?" at bumalik naman siya sa ayos tsaka tinanggal yung kotse niya kaya bumalik na ako sa kotse ko tsaka sumakay. Pagkalabas ko naman do'n ay hindi ko na nakita yung kotse niya. Siraulong babae!

Nagdrive na ko pauwi habang nagpapatugtog ng kung ano ano. Naisipan kong tawagan na si Crater para masundo na niya si Heith. Sasama kaya si Fryd? Sabagay, lagi namang magkasama yung dalawa, si Heith atsaka si Fryd. Minsan nga nagdududa na 'ko sa dalawang 'yun kung sila na eh.

*CALLING CRATER....

Ano kayang ginagawa neto? Ang tagal sagutin.

[Hello?] sa wakas, sinagot din ng mokong. Teka, ba't parang maingay?

"Hoy nasan ka?!" bulyaw ko dito. Naka connect naman yung phone ko sa kotse kaya tuloy pa din ako sa pagdadrive.

I heard him cussed on the other line. "Hoy mokong nasan ka ba? Ba't ayaw mong sumagot? Yung pintura mo nasa'kin na ipapaligo ko 'to sa'yo!"

[Hey, chill lang. Papunta na 'ko sa inyo.]siraulo talaga 'to, chill eh ang ingay ingay do'n kung nasan man siya. Parang nasa bar ang loko.

"Daanan mo daw si Heith sa kanila. Pupunta din siya isabay mo na."

[Ba't ako? Hindi ba sila magkasama ni Fryd?]

"Dalian mo na kaylangan pag dating ko sa bahay nando'n na kayo. Sige na may dadaanan pa 'ko." sabay baba ng tawag para 'di na siya makapagreklamo.

Dumaan muna 'ko saglit sa SB at para bumili ng Frappe saka umuwi.

---BAHAY---

"I'm home!"sigaw ko at dumiretso na sa kwarto ko.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Grabe 'tong araw na 'to. Wala naman akong ginawa pero parang napagod ako. Naalala ko na naman yung babae kanina. Napaka sungit niya kala mo naman napaka ganda eh may itsura lag naman. Ang kapal pa ng muka na isiping sinusundan ko siya, muka ba 'kong stalker? Sabagay, libre mangarap kaso kawawa naman siya hanggang pangarap na lang niyang sundan ko siya dahil kahit kelan HINDI AKO MAGHAHABOL NG BABAE! Kung ayaw niya saken mas ayaw ko sa kanya. Pero hangar rin ako kasi kung ibang babae 'yun baka nagtitili na ssiya sa kilig nung pinansin ko siya. 'Di manlang ba siya naakit sa gwa–

*TOK TOK TOK...

"Austhine! May bisita ka, bumaba ka muna." sabi ni manang mula sa labas. Baka sila Crater na 'yon makalabas na nga.

Bumaba ako papuntang kusina dahil alam kong nando'n na sila. Pagpasok ko palang 'di na 'ko nagulat ng Makita ko sila. Si Crater nakataas ang paa, si Heith nasa may ref at si Fryd na busy sa pagkain ng cake. Feel na feel nila ang pigiging at home hays...

"Manang anong ulam niyo?" tanong ni Crater kay manang na nagluluto. Kagaya niyan.

"Sinigang iho, bagay 'to lalo na't malamig ang panahon. Pati na rin dyan sa puso mong kasing lamig ng yelo hahaha." banat ni manang.

"Manang naman eh! Marunong ka na ng mga ganyan ah. Sino nagturo sa inyo niyan at bubugbugin ko lang. Maka sabi ka ng ganyan manang ah!" nakangusong saad nito.

"Hala siya, sige. Bugbugin mo ang sarili mo hahaha."

"Intayin niyo 'kong magka girlfriend manang! Sa inyo ko unanang ipapakilala!"

"Ay hindi ka ba bading? Ang akala ko kaya wala ka pang girlfriend ngayon dahil lalaki din ang hanap mo hahaha. Sige, aantayin ko iyan."

"Austhine anong pinakain mo kay manang, 'di naman siya ganyan dati ah. Hindi naman ata si manang 'yan eh." ang loko sa'kin pa nagsumbong. Sarap ilublob ng ulo sa kalderong niluluutuan ni manang eh.

'Di ko nalang siya pinansin at dumiretso sa tabi ni Heith na kakaupo lang din dahil nakahanap na ng pagkain sa ref. May hawak hawak siyang garapon ng nutella at isang balot na tinapay. At ang magaling, kukutsara siya ng nutella at isusubo tsaka palang kakagat sa tinapay. Ba't ang siraulo ng mga kaiigan ko?

"Hano ngang plamo mo?" tanong nito habang punong puno ang bibig. Napangiwi ako dito tsaka tumayo para kumuha ng tubig. Kumuha rin ako ng dalawang baso tsaka bumalik sa pwesto ko. Pinagsalin ko na si Heith ng tubig dahil pulang pula na ang muka nito at parang nabubulunan na.

"Oh! napakasiba kasi eh."binigay ko sa kanya ang tubig pero hindi niya ito kinuha sa halip ang kinuha niya ay 'yung pitsel ng tubig. Napaka siraulo talaga.

"Ang baboy mo naman! Ba't dyan ka uminom? Inaabutan ka na nga ng nasa baso eh!"

*BURPPPP...

"Hays, thank you Papa God sa pagkain."dedma nito sakin sabay himas ng tiyan.

"Oh nandyan pala kayo." sabi ni mommy na kakapasok lang sa kusina. "Kumain na ba kayo?"

"'Di pa nga po tita eh." nakasimangot na reklamo ni Heith na ikinagulat ko. 'Di kumain eh muntik na nga siyang mamatay kanina?

"Ganun ba? Sige sumabay nalang kayo saming mannaghalian."

"Naku tita! wag na po nakakahiya eh." at sa wakas nagsalita rin ang prito.

"Wag na kayong mahiya Fryd, parang iba pa kayo samin." nakangiti namang sagot ni mommy. Sinuklian naman ni Fryd ng ngiti. Pansin ko lang kay Fryd lagi siyang nakangiti tsaka nagsasalita pag nandyan si mommy, crush kaya niya si mommy? Naku mahirap na ayokong magkaroon ng step father lalo na kung tropa ko pa. Teka, eh hindi naman papayag si papa na maghiwalay sila ni mommy eh.

"Sige na nga tita, mapilipit kayo eh." Sabat naman ni Crater.

"Hoy Crater 500 ko? Yung mga pintura mo nandon sa sasakyan ko bukas 'yon ikaw na kumuha pero bayaran mo muna 'ko" sabi ko sabay lahad ng kamay sa harap niya.

Ngumiti naman ito na parang ewan."Pre, nashort kasi ako kanina nung inutusan ako ni mommy eh baka pwedeng bukas nalang? Promise pre bukas 550." sabi nito sabay puppy eyes. Tangina?!

"Bakla ka ba?! Hindi bagay sayo tigiltigilan mo." singhal ko dito.

"Sige iho kung kelan mo nalang gustong bayaran akong bahala dyan kay Austhine." nakangiti namang saad ni mommy.

"Ano?!"gulat kong tanong."Pero mommy allowance ko 'yon, kulang na tuloy yung pera ko."

"Naku oo nga po tita. Bukas talaga pre."panggagatong kunwari ni Crater.

"No Crater!Bibigyan nalang kita ng pandagdag." at dahil do'n napangiti ng malawak si mokong.

"Thank you talaga tita. Kaya napakaganda niyo eh."apmbobola niya sabay kindat kay mommy. 'Di nalang ako umimik dahil alam kong magagalit lang si mommy sakin.

Nag ayos na ng table si manang at umupo na kami ng maayos para makakain na. Walang nagsasalita habang kumakain dahil lahat sila ay puno ang bibig. Ang sarap talaga nito.The best si manang!

"Austhine makakauwi daw ba si tito?Saan tayo magcecelebrate?" magkasunod na tanong ni Heith habang kumakain ng coffee jelly.

"Oo nga pala, 'yun nga pala yung sasabihin ko sayo anak. 'Di daw makakauwi ang papa mo next week dahil naextend yung business trip nila, but the ggod news is next next week is free ang papa mo so nagdecide kami na no'n nalang magcelebrate. Alam ko namnag maiintindihan mo eh.'Di ba Austhine, anak?Don't worry one week tayong magcecelebrate."nakangiting paliwanag ni mommy.

Ngumiti nalang ako ng pilit at..."Opo naman ok lang. Tsaka one week nating makakasama si papa after bihira lang 'yon." kahit hindi naman talaga ok. Buti nalang isa lang sa kanila ni papa ang workaholic.

Pero sana talaga makauwi si papa... sana...

TO BE CONTINUE...

DON'T FORGET TO VOTE , THANKS!!

Curse From The Brilliance of The LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon