Chapter 42: Auction
Samiel: I'll fetch you, Ella ; )
Ako: Okay!
It's almost lunch time, pero kakain na lang siguro kami sa labas ni Sam. Sa tingin ko kasi ay mahala ang favor na hihingin niya.
I'm wearing a long sleeve croptop and a fitted jeans. I just let my short hair down, hindi ko na nilagyan ng clip o ano.
Bumaba na ako at naabutan silang nasa sala at nag-uusap. Nang nakita nila ako ay hinagod nila ng tingin ang aking kabuuan.
"Where are you going?" tanong ni Papa.
"I'll just meet Sam, Papa. He has a favor and I don't know what it is so..." Nagkibit balikat ko.
"Hayaan mo na si Ari, Pa. Nagpaalam na 'yan kagabi, susunduin naman siya," si Kuya na nakapandekuwatro sa sofa.
"May gagawin ka pa ba mamaya pagkatapos mong makipagkita, apo?"
"Uhm, I don't know pa po. Why?"
"May lakad sana tayo... but don't worry it's not that important."
Tumango na lamang ako.
Nakarating kami ni Sam sa VG Mall, instead na sa coffee shop kami ay sa isang Filipino restaurant na lang kami para tanghalian na rin. It's my first time to go out with Sam, so far it isn't awkward the way I expected it to be.
Nag-order na kami ng chicken buffet at rice. Nasa pinakagilid at pinakadulo kami naupo ni Sam.
"There will be a party in Venice Palace. Not just an ordinary party, but it will include an auction," panimula niya.
"Tapos?"
"Uhm, I want you to be my partner to represent my family's construction company kung pauunlakan mo nga lang... actually, my parents will be there kasama rin ako and I'm thinking of inviting you."
Tumango ako. "Pwede ba 'yan?" Nakakahiya naman kung sumama ako tapos puro mayayaman ang naroon, nakaka-OP lalo na at hindi naman ako invited, nasama lang kasi partner ni Sam.
"Yes, hindi naman talaga kailangan ng may partner, pero ayaw ko namang mag-isa lang sa table," nakangising aniya.
Nanliit ang mata ko. At naalala ko naman si Trisha kung siya ang sasama kay Sam magkakalapit pa sila, 'di ba?
"Bakit ako?"
"Wala nang iba."
"How about Trisha?"
Tumikhim siya. "Busy raw siya at hindi talaga niya ako masasamahan, iyon ang sabi."
Napangiwi ako. Ano'ng problema ng babaeng iyon? Pagkakataon niya na 'to tinanggihan pa. Baka naman talaga may importante ring gagawin?
"Sige, but... how about Jace? Hindi ba siya sasama?" maingat kong tanong.
Napaismid siya. "My parents asked him earlier if he's free tonight kaso ang sagot niya busy siya kaya 'yon hindi na namin ni-discuss ang tungkol sa party at ako na lang ang isasama."
Napasinghap ako. "Busy saan?"
Ngumisi naman siya at nagkibit balikat.
Nag-usap pa kami ni Sam tungkol sa party na dadaluhan, wala namang dress code kaya hindi ko na rin kailangang mamroblema. Hindi ko tuloy matanggal sa isip kung bakit hindi sasama si Jace, e, wala naman na yata siyang gagawin mamaya.
Mamayang gabi gaganapin ang party kaya siguro ako na lang ang mag-adjust at pumunta kay Jace mamaya sa university nila mamayang hapon. I just wanna check on him, alright?
YOU ARE READING
Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)
Fiksi RemajaAfter transferring to Clark High School, Anella Victoriane Reistre was able to start a new, significant life. She didn't know that studying there would be precious, for her dull life would change into something colorful. Meeting people she never tho...