C H A P T E R: 3

40 2 0
                                    

Maaga kaming nagising dahil wala sila Mama at Tito Albert.Bumalik daw sila kagabi sa France sabi nila Kuya,pumunta lang daw siya dito para makita sila Kuya.



Andito kami ngayon sa classroom nila Kenneth,hinihintay pa namin yung Math teacher namin dahil may importanteng sasabihan daw ito.



"Grr.Antagal naman ni Ma'am Kendra"rinig kong sabi ni Jeric sabay kamot nito sa batok.Almost 2 hours na kaming naghihintay dito sa pero wala parin ang Math teacher namin.



"Hindi kana nasanay"natatawang sabi ni Kenneth.Si Ma'am Kendra ay laging late,minsan absent pero maraming assignment at activities na iniiwan para sa amin.Minsan iniisip ko,bakit hindi nya nalang ipagawa lahat ng laman ng libro namin?para tapos na.



"Tumahimik nga kayong dalawa"suway ko sakanila ng makita kong papalapit samin si Katelyn.



"Hi Ayesha,pwede favor?Pakibigay naman ito kay Marcus,oh!"napatingin ako sa hawak nya,isa itong sobre at alam kong naglalaman ito ng sulat.



Si Katelyn Valdez,sya ang ultimate number 1 fan ni Kuya Marcus.Actually maganda naman si Katelyn kaso nasosobrahan sa make-up.Alam kong matagal ng may gusto si Katelyn kay Kuya Marcus,boto naman ako sakanila mabait naman si Katelyn minsan.



"Oh,sige"sabi ko dito sabay kuha ng sobre sa kamay nya.



Ngumiti sya sakin atsaka ako tinalikuran,matagal ng nagbibigay sakin si Katelyn ng sulat para kay Kuya Marcus,lagi ko namang binibigay pero nakikita ko tinatapon din ni Kuya Marcus yung mga sulat.



"Bat mo tinanggap yan?"tanong ni Jeric sabay kuha ng sobre sa kamay ko.Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa ginawa nya.



"Alam mo,Jeric!Imbes na maki-elam ka,ligawan mo nalang kaya yung pinsan ko"sabi ko dito sabay kindat.Umiling-iling sya habang nakangiti.



"Choosy mo,tol!Si Mara naman ang liligawan mo hindi yung ate nya na si Ashley"nagkatinginan kaming dalawa ni Jeric at sabay na tumingin kay Kenneth.



Magkapatid si Mara at Ashley.Si Mara nasa America ka din kasama si Ashley.May contact kami sa isat-isa pero hindi ko alam kung kailan ulit sila babalik dito sa pinas.



"Talagang hindi si, Ashley!Duz,may Kenneth na yon,noh!"natatawang sabi ni Jeric.Kaagad na binatukan ni Kenneth si Jeric dahil sa sinabi nya.



"Uso comeback,Ken"sabi ko dito sabay kindat.Sabay kaming napatawa ni Jeric dahil sa reaksyon ni Kenneth.Pikunin talaga to,basta ex nya ang pinag-uusapan.



Napatigil kami sa pagtawa ng biglang pumasok si Ma'am Kendra.Marami itong dalang envelop at mga bondpaper,dahil dakilang plastic si Devon ang aming class president tinulungan nya ito.



"Good Morning Class, I'm Sorry If I'm late!"nakangiting sabi nito samin.Tumayo kaming lahat at bumati rin sakanya pabalik.Matapos naming bumati kaagad din kaming umupo.



"Gusto ko lang sabihin na magkakaroon tayo ng activity,by partners iyon.Ako ang magsasabi kung sino ang makakasama nyo"sabi ni ma'am samin.



Inumpisahan nya ng mamili ng mga kasama namin,tig dadalawa lang ang magksama.Maraming girls ang nagreklamo,dahil hindi daw nila naka partner ni Kenneth o kaya si Jeric.



"Madrigal and Valdez"halos lumuwa ang mata ni Kenneth dahil si Katelyn ang pakakapareha nya.Tumingin sya samin na parang nagmamaka-awa.Nginitian ko lang sya.



"Last!Salvador and Manalo"nagkatinginan kami ni Kenneth at sabay na nag appear.Tumingin kami kay Jeric at sabay na bumelat.



"Ang activity na ito ay ipapasa nya bago mag third semester.Simple lang ang gagawin nyo,gumawa lang kayo ng video clip about love"napatabingi ang ulo ko dahil sa sinabi ni Ma'am Kendra.Video clip?Math ba to?Usapan Math,hindi Filipino?



Maraming nag hiyawan dahil sa sinabi ni Ma'am.Nagkatinginan kami ni Kenneth at sabay na umiling.Napatingin naman kami kay Jeric na ngayon ay sayang-saya dahil sa nalaman nya.



"Ang Video clip na iyon ay dapat magtatagal ng 3 minuto"dagdag ni Ma'am Kendra.Seryoso talaga?



Matapos iyong sabihin ni Ma'am Kendra,umalis na sya.Tumayo narin ang mga classmate namin at lumabas na.Lumabas narin kaming tatlo!



"Argh.Bat ganon ang activity natin?"inis na tanong ko sakanila.Ngumiti lang sila sakin,ahmm.hindi ba naiinis tong dalawang to?



Habang naglalakad kami nakasalubong namin sila Kuya.Tumingin sila sakin na nagtataka.



"Oh!anong nangyari sayo?"tanong ni Kuya Allen.Inirapan ko lang sya dahil sa inis.Ang Math ay Math lang,walang Filipino at English at higit sa lahat hindi pwedeng gawing Science.



"Hahaha.Si Ma'am Kendra!nag pagawa ng activity,tapos ang activity namin video clip ang partner nya si Kenneth gagawa sila ng love story,Ayieeeee!"sabi ni Jeric sabay tusok sa tagiliran ko.Tinabig ko ang kamay nya dahil sa inis.



"Wala namang problema doon,support naman ako eh"sabi naman ni Kuya Alex na may halong kakaibang ngiti.



"Tch."napatingin naman kami kay Kuya Marcus ng bigla itong mag bungisngis.



"Bro,ayaw mo non.Malapit na mag ka boyfriend ang bunso natin"sabi ni Kuya Allen kay Kuya Marcus.Kinurot ko sa tagiliran si Kuya Allen dahil sa sinabi nya.



"Alam mo ang iisue nyo eh,tropa ko to!okay!"bangot na sabi ko sakanila.



"Ayieeee!ang tropa nauuwi sa lover"kinikilig na sabi ni Jeric.Sarap talaga batukan to.Si Kenneth nakikinig lang sa usapan namin.



"I'm not supporting them"malamig na sabi ni Kuya Marcus sabay lakad papalayo samin.Tumingin ako sakanya habang papalayo sya.Ano bang problema mo sakin Kuya Marcus?



(VOTE AND COMMENTS 👌🎉🎈)

STAY WITH ME (Series 1)Where stories live. Discover now