Zelle POV
Naramdaman kong umalis sa likod ko si silvran kaya naman umupo ako at hinawakan ang lapida ng taong mahal ko "Moo,bakit mo naman ginawa yon?" sambit ko hindi ko na napigilan pa ang luha na kanina ko pang gustong ilabas.
Sobrang hirap tanggapin, masakit mag paalam sa taong naging parte na ng buhay mo lalo na sa taong natutunan mo nang mahalin. Hindi ko na kaya hirap na hirap nako anu pa bang paghihirap ang dapat ko pang maranasan.
Tumingin ako sa langit "Binigyan mo nga ako ng makakapagpasaya sa akin pero binawi mo rin naman agad? Bakit po? Ano bang gusto mong mangyari sakin? Maging malungkot habang buhay? Sana hindi niyo na lang ako binuhay" hindi ko na mapigilan pa ang bugso ng nararamdaman ko sana panaginip na lang ang lahat ng ito.
Yumuko ako at muling tinignan ang lapida ng taong mahal ko. "Bakit mo naman ako iniwan agad hindi mo man lang ako hinayaan na alagaan ka hanggang sa huli ng iyong buhay mas masakit erion yung ginawa mo.... na hindi mo pinaalam sakin ang lahat dapat napasaya pa natin ang isa't isa kahit sa huling pagkakataon. The Memories, you are gone but thank you for all these soft,sweet things you have left behind..in my home,in my head and also in my heart."
Hindi ko alintana ang init ng araw kung masakit sa balat ang init wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Nakatingin lang ako sa lapida ni erion ambilis naman ng pagkakataon ipinagkait kaagad ang kasiyahan ko. Patuloy parin sa pag agos ang luha ko sanay akong mag isa pero noong dumating si erion naramdaman kong mas masarap pala kapag may kasama pero kailangan ko na sigurong sanayin ang sarili ko na wala nang mag papasaya sa akin at habang buhay na akong mag iisa.
Kumilimlim ang langit pati langit nagagalit na sakin bring it on!!!!
"Bakit ka nagtitiis mag isa kung pwede naman kitang samahan?" nagulat ako sa nag salita akala ko uulan na hindi pala pinayungan lang pala ako.
Hindi ko siya pinansin nakatayo lang siya sa tabi ko habang pinapayungan ako.
"condolence nga pala pasensya na kung naging makulit ako" sambit niya
Tumingin ako sa kanya akala ko si silvran "Bakit ka nandito?" inis kong sabi hindi niya ba alam na gusto kong mapag isa iniwan nga ako ni silvran tapos sya naman pumalit tska anong ginagawa niya dito
"hindi ko na hahayaan pa na mag isa ka" anas niya kaya tumayo ako at hinarap siya.
"Ano bang alam mo? Gusto kong mapag isa hindi ko kailangan ng kasama sanay ako mag isa naiintindihan mo ba yon?" inis kong sabi kay sandwich
"Kahit magalit ka pa sakin hindi kita hahayaan na mag isa susundan kita kung saan ka man pumunta wag ka lang mag-iisa"mahinahon niyang sinabi
Nawalan na ako ng lakas para makapagsalita nanghihina ako sumasakit narin ulo ko sa kakaisip kaya wala akong oras makipagbangayan pa sa kanya wala siyang alam kaya sana tumahimik na lang sya wag nag siyang dumagdag pa. Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo pero di ko ito pinansin mas gugustuhin ko pang mag kasakit na lang kaysa mawala ang mga taong mahahalaga sakin.
----------
Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko na nandito ako sa kwarto ko parang pagod na pagod yung buong katawan ko masakit narin mata ko sa kakaiyak.
"Gising ka na pala" nakangiting sabi ni sandwich
"Anong nangyari sakin?" mahinahon kong sabi kasi kanina lang nandon ako sa sementeryo.
"Nahimatay ka... sa tirik ba naman ng init tapos nandon ka nagbibilad" inis niyang sabi "buti na lang nasalo kita" dagdag niya pa
"si silvran?" tanong ko biglang nag bago ang timpla ng mukha niya.
"Hayaan mo na yon malaki na yon kayang kaya niya na sarili niya" anas ni sandwich at nag cross arms.
Kinuha ko cellphone ko at idinial ang number ni silvran nang agawin bigla ni sandwich ang cellphone.
"Ano ba?" sigaw ko sa kanya
"Wag mo na siyang alalahanin nandito naman ako" anas ni sandwich na ngayon ay hindi na matimpla yung mukha.
Bumukas ang pinto "Zelle,ayos ka lang ba?" lumapit sakin ng may pag aalala si silvran at hinawakan ang mukha ko.
Tumango lang ako sa kanya naiilang ako dahil sa malapit ang mukha niya sa mukha ko.
bigla siyang tininulak ni sandwich palayo sakin "kailangan ba talagang kamustahin siya at ilapit yang pag mumukha mo?" inis nitong sabi.
"Pasensya na kuya" nahihiyang sabi naman ni silvran
"ANONG KUYA? DI HAMAK NA MAS MATANDA YANG PAGMUMUKHA MO KAYSA SAKIN" pasigaw na sabi ni sandwich kay silvran "At para sabihin ko sayo HINDI AKO PINSAN NI BARIL" dagdag na sabi pa ni sandwich
"Baril? Takang tanong ni silvran dito "Si zelle ba tinutukoy mo pasensya na talaga kasi akala ko pinsan ka niya" sambit naman ni silvran.
Magsasalita pa sana si sandwich nang magsalita ako.
"Sorry silvran pero hindi ko siya kapatid o pinsan,pakiusap umalis na muna kayo" pagpapaliwanag ko.
Ngumiti siya sakin saka sinabing "Kumain ka na muna ilang oras ka nang natutulog dinalhan na kita ng pagkain" iaabot niya sakin ang isang trey ng agawin naman nito ni sandwich.
"Ako na ang mag papakain sa kanya,lumabas kana don" sabi ni sandwich
"Hindi, ako na" sabi naman ni silvran
"Ako na" sabi nilang dalawa na nag aagawan ng trey
"pwede ba hindi ako lumpo para subuan niyo o pakainin kaya ko ang sarili ko,umalis na kayo" sigaw ko sa kanilang dalawa tumigil sila sa agawan nila ng trey at tumingin sakin gusto kong mapag isa ayokong may mga tao sa paligid ko. "get out to my room" madiin kong sabi.
"Pero...." aangal pa sana si sandwich ng tignan ko siya ng masama.
"hindi niyo ba ako maintindihan gusto kong mapag-isa, iwan niyo na ako at mag siuwi na kayo" sigaw ko pang uli sa kanila.
Nilagay ni sandwich ang trey sa kama ko at padabog na lumabas ng room ko. Tinignan ko naman si silvran na ngayong nakatingin parin sa akin.
"Thank you nga pala sa pagsama sakin kay erion" mahina kong sabi "Si kantasia?" tanong ko sa kanya kahit na ganon ang nangyari samin ni kantasia ay nag aalala parin ako don.
Hindi niya ako sinagot kundi nakatingin lang siya sakin"Without a plan you're going to stay where you are,it's time to make a move" kunot noong sabi ni silvran at naglakad palabas ng room ko "umuwi siya sa kanila she give you a time"pahabol na sabi ni silvran saka sinara ang pinto ng kwarto ko.
Napanganga ako sa sinabi niya "It's time to make a move?" How?
(Hello readers! Don't forget to votes and comments💜)
BINABASA MO ANG
Be You Do You For You
Fiksi Remaja✨ How do you know when you are inlove? when it hurts but you still want to stay. I learn how the game of life . And now, i'll go with the flow even it's hurting the whole me. Let it hurt, Let it bleed, Let it heal and Let it go.✨ Start date: August...