BDF 21 "Let go"

1 0 0
                                    

Madaling araw na pero di parin ako makatulog paano ako gagawa ng hakbang para mamuhay ng masaya kung lahat naman ng kasiyahan ko ay kukuhain o iiwan naman ako natatakot na akong maging masaya ulet. May pumatak nanaman muli na luha sa mga mata ko hanggang kailangan ba ako iiyak dahil sa kalungkutan pwede bang umiyak naman ako sa kasiyahan? Sinubsob ko ang ulo ko sa unan at doon umiyak.

Ilang oras pa ang lumipas at huminto narin ang mata ko sa pagluha humarap ako sa salamin kitang kita ko ang pamamaga ng mga mata ko kawawang mga mata pagod na pagod sa pag iyak. Nakaramdam din ako ng gutom kaya pinagpasyahan kong bumaba para makakain.


Habang pababa ako ng hagdan di ko maiwasan mag isip na sa malaking bahay na ito ay puro katahimikan at kalungkutan lang ang bumabalot. Simula nang makilala ko si erion ay lagi niya na akong pinupuntahan at sinasamahan dito sa bahay ...sa sofa na lagi kaming nanunuod ng masasaya at mga funny movie ayaw niya kasing malungkot ako kaya di kami nanunuod ng ibang movie, ang tenga niya na lagi kong hinahawakan para lang makatulog siya ng mahimbing at ang guest room kung saan siya natutulog never pa kaming nagsama sa isang kwarto sobrang gentleman ni erion sa akin.

Pinunasan ko ang tumulong luha sa pisnge ko lahat ng mga alaala ay mananatili na lang sa puso at isip ko hindi na namin magagawa pa ang mga bagay na iyon kahit kailan.

Naramdaman kong may yumakap mula sa likod ko kaya napapikit ako"mahal na mahal kita" at muling bumuhos ang luha ko sa narinig ko. Hinarap ko ito hindi ako pwedeng magkamali si erion yung yumakap at nagsabi ng bagay na iyon.

"ERIOOOONNN PLEASE COMEBACK TO ME" sigaw ko at humagulgol ng iyak. "Mahal na mahal din kita,erion" humihikbi kong sabi.

"Variel" dinig ko tawag sakin

"Ba-kit ka pa na-ndi-to?" taka kong tanong sa kanya "Diba sabi ko naman sa inyo iwan niyo na ako" habang tinutulak tulak ko siya palabas ng bahay ngunit pinipigilan niya ako.

"Variel please gusto kong nasa tabi mo lang ako nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo kahit na magalit ka pa sakin hinding hindi na kita hahayaan pang mag isa" nakatingin siya sa mga mata ko habang sinasabi ang mga salita na iyon.

Humagulgol ako ng iyak at niyakap niya ako ganyang ganyan din ang sinabi sakin noon ni erion pero iniwan niya parin ako.

Kumalas ako sa yakap niya "Tigilan mo ko, umalis ka na sandir ayoko nang marinig pa ang mga sasabihin mo" tinulak ko ulit siya.

"Do you want to be happy?" napatigil ako sa pag tulak sa kanya at tinignan siya sa mga mata "Let go of what's gone,be grateful for what remains and look forward to what is coming" hindi ganon kadali i let go ang wala na lalo na at hindi parin matatanggal sa puso at isip ko ang sakit ng dulot nito mahal ko pa si erion kahit na wala na siya.

"Oo, hindi magiging madali ang paglimot mo sa kanya,kung patuloy mong aalalahanin kung paano ka niya pinasaya" hinawakan niya ang kamay ko "kakayanin mo ang lahat vaeril tutulungan kita, tutulungan ka namin nandito lang kami kung sa tingin mo lahat ng tao na mahahalaga sa iyo ay nawawala, nawala ba kaming mga kaibigan mo? Hindi ba kami mahalaga sayo?" napaisip ako sa sinabi ni sandwich tama siya nandyan nga sila lalo na si kantasia hindi nila ako iniwan simula noong bata pa kami mahalaga sila sakin pero pinag tatabuyan ko sila kaya ako nag iisa.

Hinalikan ako ni sandwich sa noo at niyakap.

Sa ginawang yon ni sandwich ay medyo gumaan ang pakiramdam ko kaya niyakap ko rin siya, ngayong napagtanto ko na may mga kaibigan akong nandyan parati sa tabi ko hinding hindi ako iniiwan kahit na pinagtatabuyan ko pa sila lalo na si kantasia kahit na hindi kami nagkakaunawaan ay lagi siyang nandyan sa tabi ko kaya kailangan kong bumawi sa kanya.

Hinila ako ni sandwich sa kitchen at pinaupo.

"sshhh! Wag ka nang umiyak lulutuan na lang kita ng favorite mo" pinunasan niya ang luha sa pisnge ko "Tignan mo sarili mo sa salamin para ka nang nag drodroga sa sobrang pula niyang mata mo" pabiro niyang sabi kaya napangiti ako

Kumuha siya ng mga ingredients at nagsimula nang magluto. Ilang minuto lang ay agad niyang natapos ang niluto niya kaya naman hinain niya na ito sa harap ko.

"Special recipe for my baril, Bilo bilo" sabi ni sandwich na nagkunwaring chefboy chonggo ang loko."Kain na alam kong sa amoy pa lang ng luto ko takam na takam ka na" pagmamayabang niyang sabi.

Napangiti ako sa inasta niya buong kitchen bunganga niya lang ang nag papaingay pero mas okay narin yon kahit papaano gumaan talaga pakiramdam ko dahil sa kanya.

"Ikaw nagugutom ka na ba?" tanong ko sa kanya baka kasi hindi pa siya kumakain

Tumingin siya sakin ng nakakaloko"kung nagugutom ako at kaylangan ko ng isang taong makakapagpabusog sa akin. Pwede ba kitang lapitan...." Unti unti siyang lumapit sakin hindi ko alam kung trip niya lang ako dahil para siyang nang aakit sa ginagawa niya may pakagat labi pa.

"O-o na-ma-n ta-ra di-to sa-bay na ta-yo ku-ma-in"kinakabahan kong sabi tatayo na sana ako para hainan din siya ng bilo bilo pero hinatak at kinulong niya ako sa dalawa niyang braso.

"At sabihing...."dagdag pa niya at mas lalo siyang lumapit. Ito nanaman ang puso ko bumibilis nanaman yung tibok walang ibig sabihin nito kinakabahan lang tlaga ako."Pakagat naman kahit sa labi man lang"seryosong saad niya tsaka siya bumaba ng tingin sa labi ko.

Napanganga ako sa gulat sa sinabi niya magsasalita pa ako ngunit sinunggaban na niya ako ng halik hindi pwede ito kaya sinusubukan ko siyang itulak ngunit mas malakas siya kaya wala akong nagawa. Unti unti kong naramdaman na sumasabay na ako sa halik niya pangalawang beses na ito na hinalikan niya ako hindi ito tulad ng una niyang halik sakin kundi parang sabik na sabik siya sa labi ko at tinotoo ni sandwich ang sinabi niya, kinakagat kagat niya ang labi ko pero sa paraang hindi ako masasaktan.





(An: Anu say niyo? Hahahaha habang tinatype ko yang part na yan kinikilig ako sana all nagugutom wahhhhhh! Ang harot char! Votes na kayo at mag comments kung nagustuhan niyo yung story ko😍thank you po sa mga readers!💜)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Be You Do You For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon