"Astrid!Ano?tagal mo naman mag bihis.BGC lang tayo baka mag gown ka pa"
Sigaw ni Shin mula sa labas ng kwarto ko.Halos twenty minutes na kasi silang nag hihintay sa 'kin.Paano ba naman ang sabi ko i-text ako pag papunta na sila.E tinext nya ako nasa baba na daw sila ng condo.
"Ano ba ginagawa mo dyan?milagro?"rinig kong tanong ni Yna.
Binilisan ko nalang maligo dahil panigurado naiinip na sila sa 'kin.Nag suot lang ako ng black na brallete tapos high waisted na denim skirt.
Hindi na ako nag lagay ng make up dahil pagpapawisan din naman ako at matatanggal lang.Nag curl lang ako ng eyelash tapos konting ayos ng brows.Lip tint and cheek tint lang din.Pag labas ko ng kwarto ay naabutan ko silang apat na kumakain ng inorder nilang snacks.Ganoon ba talaga ako katagal kumilos?
"Sa wakas,natapos din ang pagong." pang aasar ni Rain.
"Akala naman namin nagpapaganda ka sa banyo.Sa loob ng isang oras parang wala namang nabago e." dagdag ni Eros kaya binato ko sya ng unan.
Narinig 'yon ng mga kaibigan namin kaya tawa sila ng tawa.Halos 'di na nga makahinga si Rain.Ang babaw talaga ng kaligayahan.
"Kaibigan ba talaga kita?Alam mo,dapat 'di ka na sumama e.Sisirain mo nanaman araw ko!"iritang sabi ko kay Eros.
Wala pang isang oras ay nakarating na kami agad sa BGC.Malapit lang din naman kasi yung condo ko dito.
Pagpasok namin sa bar,may mga ilang bumati kay Shin na kakilala nya don.Madalas kasi sya dito dahil mahilig 'to sa mga party kemerut na yan.Siguro nga mas madalas pa syang nasa inuman kaysa sumama sa'min sa mga retreat.
Dumiretso kami sa may gitnang table at nagsimula ng umorder ng mga inumin si Shin.Libre nya na daw kaming lahat at baka sabihin ay may favoritism.
Mayroong Mojito,Tequila,Margarita tapos Sunset Rum.Mukang mapapasabak nanaman.
Ilang oras na din kaming nandito at umiinom kaya medyo tipsy na 'ko.Hindi naman kasi ako malakas uminom,'di gaya ng mga kaibigan ko.
Si Ash nga ay nandoon na sa gitna habang sayaw ng sayaw.Todo cheer naman si Yna.Matindi na tama ng alcohol sakanila.Kaunti pa ay magagaya na 'ko sakanila.
Wala na akong kasama sa table dahil may mga kausap na at kasayaw ang mga magagaling kong kaibigan.Ininom ko nalang mag isa yung mga alak na natitira dito.
Ngayon pa lang ako malalasing ng ganito.Hayaan ko na dahil minsan lang din naman ako sumama sakanila sa inuman.
"Hey?" sabi nung lalaking tumabi sa'kin.Hindi ko na maaninag ng maayos yung mukha nya dahil nahihilo na 'ko.
Ngumiti na lang ako at nag hi sakanya.Tumagal din siguro ng kinse minutos yung paguusap namin.Nasusuka na 'ko kaya nag paalam ako sakanya saka ako dumiretso sa cr.
Naisuka ko na't lahat pero hilong hilo pa din ako.Ang sakit sa ulo.
Hindi ko alam kung saan hahanapin sila Shin.Diretso lang ako sa paglalakad habang kinakapa ko ang phone ko sa bag ko.Sobrang sakit na talaga ng ulo ko.'Di ko na kaya.
Pababa na 'ko ng hagdan ng matumba ako.Mabuti nalang ay nasalo ako nung lalaking nasa gilid ng hagdan.Hindi ko sya kilala at hindi ko rin maaninag dahil sa dilim at hilo.
"Miss?Are you okay?"ngumiti na lang ako dahil nakakaramdam nanaman ako ng pangangasim ng sikmura.Masusuka nanaman yata ako.
"Hey!Miss?Nasaan ba mga kasama mo?San kita pwedeng dalhin?Saan ka ba nakatira?"
Sunod sunod nyang tanong pero wala akong nasagot kahit isa.Pinikit ko nalang yung mata ko dahil sa sakit ng ulo.
YOU ARE READING
Inside the wall
Ficțiune adolescențiSabi nila na may mga bagay na kahit gusto mo ay kailangan mo ng bitawan. Pero para sa akin,hindi. Bakit ka bibitaw kung alam mong mahal mo pa?Bakit?Kasi pagod ka na? Then rest. Tapos laban na ulit.Wag mong sayangin yung pag-ibig na mayroon kayo dahi...