Kabanata 20

220 4 0
                                    


Bago siya pumasok ay inihatid niya ako sa condo sa Makati. May instant driver na ako.


Hinalikan ko siya sa pisngi at bumaba na. Nakita ko naman ang pagpula ng pisngi niya. Ang cute. Halik pa lang sa pisngi 'yan ah, paano kaya 'pag ano na.


Nag aral na lang ulit ako dahil mag isa na naman ako sa condo. Sa sala ako nanatili dahil baka makatulog ako kapag sa kwarto ako nag aral.


Lumipas ang ilang oras ay may narinig akong nagdoorbell. Napatingin ako sa oras dahil 2PM pa lang at mamaya pa ang uwian ni Greyson.


Binukas ko ang pinto at nakitang si Greyson iyon at may dala siyang supot ng Jollibee. Nagtataka akong napatingin dahil maaga pa at nandito na siya.


Ineexpect ko ay around dinner pa siya makakarating.


"Nagcutting ka?" Tanong ko at tinignan siya nang masama.


"No, free cut." Sagot niya at pinapasok ko naman siya sa loob at nakitang nilibot niya ang paningin sa loob ng condo.


"Huwag kang mag alala, wala akong inuwing lalaki rito. Loyal ako sa'yo." Biro ko pa at lumapit sa kanya para dalhin sa dinning room.


"Your place looks nice." Sabi niya at inilibot pa rin ang tingin sa condo.


"Hindi naman sa akin 'to, kay Serene 'to. Wala akong pangbili ng condo 'no." Sambit ko pa at marahang sinuklay ang buhok dahil medyo magulo.


"Where are your parents?" Tanong niya.


Napalunok ako at mukhang mahihirapan akong sabihin.


"Si Mama, namatay sa Cancer, si Papa naman ay nakulong dahil sa business. Mag isa na lang ako ngayon, si Serene na lang at yung magulang niya ang pamilya ko." Tipid na sagot ko at ngumiti para maiwasan ang topic.


"I'm sorry to hear that." Sagot niya.


Napatingin ako sa kanya at mukhang naguilty siya na tinanong pa ako about sa personal life ko.


"Okay lang." Tipid na sagot ko.


Kinain na namin ang dala niyang Jollibee dahil sakto ay hindi pa ako kumakain. Huling kain ko ay noong nasa bahay niya kami kaninang almusal. Past two na at hindi ko man lang naisip kumain.


Ganyan talaga ako minsan, nakakalimutan kong kumain, buti nga at hindi pa ako nababaliw dahil sa kakaaral nang hindi kumakain. May mga cases daw na ganoon, pananakot sa akin ni Kairos.


Ano pa ba ang magagawa ko, kahit kumain ako habang nag aaral, baliw pa rin naman ako. Baliw rito sa kasabay kong kumain. Yum. Natawa na lang ako sa naiisip at nagpatuloy na lang na kumain.


Pagkatapos kumain ay nakita kong may inilabas siyang gamot at ininom. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. May sakit ba siya?

Surrendering Dreams (Amor Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon