Kabanata 25

212 3 1
                                    


Natapos ang exam week at masayang-masaya ako. Kaunti na lang, second year na ako.


Hindi na masyadong namamaga ang balakang ko at maayos na akong nakakalakad.


"Where will you spend your break?" Tanong ni Greyson sa tabi ko.


Mayroon kasi kaming break na almost one month dahil tapos na ang first semester.


"Anywhere basta kasama ka." Biro ko pa at kumapit sa braso niya.


"Let's go to the beach. Where do you want? Maldives? Hawaii? Bali?" Tanong niya na para bang niyayaya lang ako sa katabing tindahan.


"Wala akong passport." Sagot ko pa at saka alam ko naman siya ang sasagot, ayaw kong magmukhang pera para magdemand ng mahal.


"How about Palawan? Boracay? Siargao?" Tanong niya pa.


"Alam mo ikaw, ang gastos mo." Sabi ko sa kanya.


"But, it's our first out-of-town trip." Sabi niya habang nakasimangot.


Mukha siyang batang hindi binigyan ng candy at nagdadrama ngayon.


"Sa Subic na lang para malapit. Next time na tayo mag out-of-town or country." Sabi ko at ngumiti.



Tumango na lang siya na para bang bata na pinagsabihan ng magulang.


Dumating ang araw ng Subic trip namin at sinundo niya ako sa condo habang inaayos ko pa ang damit ko. Nag baon ako ng maraming two piece at beach wear. Isang maleta dala ko dahil isang linggo kami roon.



Sabay kaming bumaba at siya ang nagdala ng gamit ko. Nakita ko na 'yung van ang dala niya at may driver sa loob.



"Hi manong!" Bati ko sa driver at binati naman ako pabalik. Inakyat niya sa van ang gamit ko dahil nandito na ang kay Grey.


"Oh akala ko ikaw ang magda-drive?" Tanong ko kay Greyson dahil nagtataka ako kung bakit nandito si manong


Pinaupo niya ako sa pinakalikod ng van at tumabi naman siya sa akin.


"I just want to be with you." Sabi niya na ikinapula ko. Kilig ka, gorl?


"Magkasama na nga tayo. Ano pa bang gusto mo?" Tanong ko habang natatawa.


"More." Mahinang sambit niya.


Anong more? Napalunok ako. Parang exciting 'yung more na sinasabi niya.


Dahil medyo traffic ay napatagal kami. Medyo boring kaya naisipan kong gumawa ng kalokohan.

Surrendering Dreams (Amor Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon