Kabanata 27

184 2 0
                                    


"Tanya?" Napalingon ako bigla. "Oh Tanya, it's you hija! Are you with Oli? Tinanggihan niya ako nang niyaya ko siya pa-Tagaytay." Malungkot pa na sabi niya. Yes, it's Oliver's mother. Holy shit.


"No po, tita. I'm not with Oli. I'm with a-uhm, a friend." Sambit ko nalang dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Alangan naman sabihin ko MU, study buddy, classmate? That would be awkward.


"Ah ganoon ba? Sige, hija at mauuna na ako. Ikaw na lang bahala sa anak ko, napakapasaway. Tell him to go home on weekends." Sambit niya pa at bineso ako bago nagpaalam.


Pagkagaling ko sa CR ay dumiretso na ako sa pwesto namin at nakitang nadoon na si Greyson.


"Where did you go?" Tanong niya at mukhang nagtataka.


"CR." Maikling sagot ko at umupo na. Nagsimula na kaming kumain.


Inorderan niya ako ng Signature hot chocolate at four cheese flat bread. Natakam ako bigla. Buti naman at hindi kape ang inorder niya dahil sixty percent kape, thirty-five percent alcohol and five percent water na ang buong katawan ko.


Nang matapos kami ay nag check-in na kami sa Taal Vista hotel para maiwan na ang gamit at namasyal sa hotel. Napakaganda ng view dito at perfect na perfect pang picture.


Nagphotoshoot lang kami bago bumalik sa room para magpahinga. Nakatulog ako at nagising ng Lunch time.


Nakita ko namang nakatwalya lang siya at mukhang kakaligo lang. Wow, abs. Sinundan ko siya ng tingin at medyo napalulunok pa ako. Tubig please!


"What do you want to eat?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.


Ano ba Greyson? Common sense naman oh. Tinatanong pa ba 'yan?


"You." Sabi ko pa na ikinatawa niya.


"No, real food I mean." Sabi niya habang nakangisi. Ay sayang.


"Gusto ko ng Bulalo at hmm ewan." Sambit ko. Naramdaman ko ang pag tunog ng tiyan ko nang maisip ang kumukulong Bulalo.


Nagpunta kami sa Ridge Park dahil doon daw ang best bulalo, hindi ako maniniwala hangga't hindi ko natitikman hihi.


Umorder siya ng bulalo at crispy pata and I must say it's indeed the best. Mas nagustuhan ko ang Crispy Pata dahil sobrang lutong niya. Must try.


Nagmumukha na akong blogger. Next, we went to Picnic Grove. Isa ring magandang picture-an. We rode the Zipline, ayaw ko pa nga ngunit napilit ako ni Greyson.


"TANGINA AYOKO NA MAMA!" Sigaw ko habang nasa Zipline. Malay ko ba kung biglang mapigtas.


Kung mamamatay agad ako edi sana hindi na ako nag-Law, nahirapan pa ako.


Nakita kong hinawakan ni Greyson ang kamay ko ngunit pagkababa namin ay tawa siya nang tawa. Nakita niyang natakot ako tapos tatawa pa siya.

Surrendering Dreams (Amor Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon