May dalawang magkasintahan..
Sina Sapphire at Daniel..
Mahal nila ang isa't isa.. Mag lilimang taon na sila sa November 19..
Araw-araw ay masaya sila bihira sila mag-away.. Nagagawan nila agad ng solusyon ang problemang hinaharap nila..
Para sa kanilang mga kaibigan sila ay ang tinakda sa isa't isa.. Madalas silang asarin ng kanilang mga guro noong 4th yr Highschool sila dahil sa sobra silang malapit sa isa't isa.. Daig pa nila ang ang magasawa kung magturingan.. Madalas silang nasa Mall lagi silang nade-date.. Maraming naiinggit sakanila..
Isang Gabi...
Niyaya ni Carl si Daniel upang maghang out dahil sa nabusted siya.. Nagpaalam naman agad si Daniel kay Sapphire..At pinayagan din naman ito ng kanyang kasintahan..
Pumunta sila Daniel sa Disco nagpakasaya silang dalawa ng kanyang kaibigan, dinamayan niya ang malungkot niyang kaibigan.. Ginawa niya ang lahat upang sumaya ang kanyang kaibigan.. Sayaw sila ng Sayaw... At nang mapagod sila, sila ay umupo sa kanilang table.. Nang biglang may lumapit sakanilang dalawang babae.. Kinausap sila ng mga babae..
" Anong pangalan mo?" tanong ng babae kay Carl.
"Ako? Ako si Carl Mendez" sagot nito sa babae.
"Eh ikaw? Anong pangalan mo?" tanong ng isang babae kay Daniel.
"Ako naman si Daniel Corpuz." ani niya.
" Pwede ba namin kayong samahan? Wala kasi kaming kasama eh." Sabi ng babae
"Sige Ba! Nalulungkot din kasi ako, magpakasaya tayong apat!" Masiglang sagot ni Carl..
Muling sumayaw ang apat.. At nagpakasaya sila.. Inom dito, sayaw doon.. Hanggang sa malasing si Daniel at ang isang babae.. Umupo ang dalawa sa kanilang table.. At parang may init na naramdaman ang dalawa.. Naglapit ang kanilang mukha at hanggang sa dumapo na ang labi ni Daniel sa babae.. Hindi napigilan ng dalawa ang kanilang naramdaman.. Hanggang sa niyaya ni Daniel ang babae sa isang motel.. At doon ay may nangyari sakanila..
Sa kabila ng nangyayari sa dalawa..
Si Sapphire ay nagaalala na..Hindi kasi siya tinetext ni Daniel..Hindi niya alam kung nakauwi na ba ito o hindi pa..Text siya ng text dito..At tawag ng tawag ngunit hindi sumasagot si Daniel..Tumawag na rin siya sa mama ni Daniel ngunit hindi ito sinasagot marahil ay tulog na tulog na ito dahil malalim na ang gabi.. Nakatulog siya sa kakaisip sa kanyang boyfriend..
Nang tignan ni Daniel ang kanyang cellphone 40 missed calls at 65 messages from her girlfiend.. Nang basahin niya ang isa sa mga message ng mahal niya..
From: Princessa ko <3
"Honey! Nasaan ka na?Nakauwi ka na ba? Bakit hindi ka magtext?Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko.. Ayos ka lang ba? Uwi ka na..Anong oras na hon ehh.. Ingat ka! Mahal na Mahal kita! :* Huwag mo sanang gawin ang hindi ko gusto.."
Nang mabasa niya ang text na ito ay bigla siyang nakonsensya.. Dali dali siyang umuwi at tinext ang kanyang girlfriend..
Kina Umagahan...
Tinawagan niya ang kanyang mahal at sinabing magkita sila sa mall.. at doon siya nagconfess kay Sapphire.. Umiyak at nasampal niya si Daniel sa harap ng maraming tao at biglang umalis.. Ngunit tinanggap naman ni Daniel ang sakit na naramdaman niya..he deserves that naman.. Hinabol niya si Sapphireat nagsorry..
"Alam kong mahirap tanggapin ang sorry ko.. Mahal kita. alam mo yan..yung nangyari sa amin nung babae ay hindi ko ginusto..Hindi ko namalayan na nagawa na namin ang bagay na iyon..Patawarin mo sana ako aking mahal.." sabi ni Daniel.
Walang imik si Sapphire dire-diretso lang ang kanyang lakad habang umiiyak..
Sa Kuwarto ni Sapphire...
Walang ginawa si Sapphire kundi umiyak..Hindi na siya kumain ng kanyang tanghalian.. Parang gumuho ang mundo ni Sapphire dahil sa nagawa ng kanyang minamahal.. Hindi niya kayang isipin na nagawa saknya iyon ni Daniel.. Ilang beses niyang pinag isipan kung papatawarin niya pa ba si Daniel .. At inisip niya ang mga masasayang araw nila ni Daniel at naisip niya ung quotes na pinabasa sakanya dati ng kanyang kaibigan..
"Kung may isang daang dahilan ako para iwan ka..
maghahanap ako ng isang dahilan para hindi ka bitawan."
At naisip niya na isang beses lang nakagawa ng mali si Daniel kung kaya't papatawarin niya ito..At bukas din naman ay Anniversarry nila.. Tinext niya si Daniel..
" Gumawa ka ng surprise bukas para sa ating Anniversarry kapag nagustuhan ko.. papatawarin kita.." text nito kay Daniel.
Ngunit walang reply si Daniel sa message nyang iyon.. Inisip niya tuloy na hindi na siya iniintindi ni Daniel..kung kaya't umiyak nanaman siya..
Kinabukasan( November 19) Anniversarry Nila
Mag gagabi na nang magising si Sapphire..Wala na siyang balak bumangon sa kanyang kama.. Nang biglang may kumatok sa pinto ng kanyang kuwarto..Mga barkada niya..
Binati siya ng "Happy Anniversarry".. ang saya saya ng mga kaibigan niya nung binati siya.. Ngunit hindi man lang sila pinansin ni Sapphire..Nakatalukbong lang siya ng kumot..
"Friend, tumayo ka na jan..maligo kana at magbihis..ung bonggang damit aahh.. aalis tayo...magcecelebrate tayo..:) " sabi ng bakla niyang kaibigan.
"Wala akong gana.. Kayo nalang." Sagot nito.
"Alam mo maganda at masaya dun sa pupuntahan natin..mageenjoy ka talaga." sabi ni Carl.
"Sige na nga! mapilit kayo!" pasigaw na sabi nito. habang papunta sa CR..
Nang matapos siyang magayos ng sarili niya.. ay agad agad silang umalis..Walang alam si Sapphire na nakiusap si Daniel sa mga kaibigan nila na kumbinsihin siyang pumunta sa favorite restaurant nila..
Restaurant...
"Inaasar niyo talaga ako ehh noh?Bakit dito tayo pumunta? tanong ni Sapphire.
"Basta dumiretso kana friend, mauna ka na.. hanapan mo kami ng upuan.." sabi ng bakla.
"ok..ano pa ba magagawa ko diba wala?" sabi nito.
Hindi alam ni Sapphire na naghihintay sa loob si Daniel..Set up na pla ang mga tao sa loob..
Pagkapasok ni Sapphire sa Restaurant..ay isa isang umalis ang mga tao sa loob.. at doon niya nakita si Daniel na may hawak na favorite flower niya White Roses..Lumapit si Daniel sakanya.. at sinabing...
"Mahal ko, patawarin mo ako sa nagawa kong kasalanan saiyo. Pinapangako ko na hinding hindi na mauulit iyon, mahal kita.. hindi ko na muling magagawa iyon..sana mapatawad mo ako." nagsusumamong sabi niya.
"Daniel, mahal ko.. sorry sa inasal ko kahapon.. napagisip isip ko na mahal tlga kita..paki usap ko lang saiyo..huwag mo nalang ulitin..kasi hindi ko na kakayanin" sagot ni Sapphire.
.Sabay yakap kay Daniel..Napatulong muli ang luha ni Sapphire..ngunit hindi na dahil sa nasaktan siya kundi sa masaya siya na muling nagbalik sakanya ang kanyang minamahal..
Tumugtog ang kanilang theme song na Wings of a Dream ni JayR.. at nagsayaw silang dalawa....
------END-------
Yaaaay! sorry po kung pangit yung story.. first time po kasi ee..pa vote and comment nalang po kayo..Thank you po! :)
BINABASA MO ANG
Extra Ordinary Night
Short StoryFirst Time lang po kasi magsulat ee..Hope you like it po! :) Vote and comment po pls..:)