“Do not fall inlove with me … If you do, you’ll get hurt. ”
“Vina!” sigaw ni Fatima, the class president of our class. “Mag-cucutting ka na naman?” tanong niya sa akin.
Hindi ako sumagot at pinapatuloy ko lang ang pinanggagawa ko.
Third Person’s POV
“Vina” sigaw ni Fatima kay Vina.” Mapapagalitan ka na naman ni Ms. Flores niyan.” Pangu-ngulit ni Fatima kay Vina.
“Isusumbong talaga kita sa Student Council ngayon din!” nag-babantang sabi ni Fatima pero hindi pa rin natinag si Vina sa kanyang kinaroroonan.
“Fine! Ganyan pala ang gusto mo eh!” at tsaka nag-mamadaling pumunta si Fatima sa Student Council Room.
Inirapan na lang ni Vina si Fatima ng umalis na siya. Ang boring naman! Sabi sa isip ni Vina. Binaba niya ang binabasang libro na ang pamagat ng iyon ay Fallen na sinulat ni Lauren Kate. Nasa rooftop siya ngayon at nag-papahangin siya doon kahit may babalang karatola na nakasabit sa pinto na don’t enter.
Tiningnan niya ang kalangitan at may bigla siyang naramdaman na kirot sa kanyang dibdib We’re the same but different qualities-pinilig niya ang ulo para hindi na niya ma-alala pa ang taong nag-bigay ng sakit sa kanya ng husto na hanggang ngayon ay hindi pa din niya kayang ikalimot ang taong nag-bigay ng masamang alala sa kanya.
We love each other but we can’t be together. What’s the meaning of loving each other if the two of you can’t end up to be together? Napa-tigil si Vina sa pag-iisip niya ng biglang bumukas ang pinto at inuluwa ang isang lalaking na ayaw na ayaw niya.
“Vina Morales” ma awtoridad ang pag-kabigkas ng lalake sa pangalan ni Vina. Inirapan lang ni Vina ang lalake.
“Why are you here? Bakit hindi ka pumasok? Alam mo ba ang patakaran sa paaralang ito Vina?” matigas na sabi ng lalake kay Vina. She just rolled her eyes.
“Ano ba ang paki-alam mo Xander? Buhay ko to at walang karapatan ang paaralan para diktahan ang gusto ko.” Inis na sabi ni Vina sa lalake.
“Ako lamang ang nag-iisang Presidente ng Student Council at responsibilidad ko ang mga estudyante na bigyan sila ng motibo na pumasok sa mga klase nila at responsibilidad din kita Vina.” Inis na sabi ni Xander kay Vina.
“Pabayaan mo na nga lang ako.!” Sigaw ni Vina kay Xander dahil na-pupuno na siya sa kakulitan neto.
“Hindi ka ba talaga makikinig sa akin?” na-iiritang tanong niya kay Vina. Tumango naman si Vina ng marami at tsaka niya nginisihan ang lalake.
“Pwes , I’m sorry pero kailangan kong gawin to.” Nabigla si Vina ng bigla siyang binuhat ni Xander na parang sako.
“What the hell!” sigaw ni Vina. “Ibaba mo ako Xander! Ngayon din!”
“Hindi mo ako sinunod kaya hindi din kita susundin.” Naka-ngising sabi niya kay Vina.
“Saan mo ako dadalhin hayop ka?!” inis na sigaw niya kay Xander habang sinusuntok-suntok niya ang matitipunong likod ni Xander.
“Sa SC Room.” Sagot niya sa tanong ni Vina.
“Ano na naman ang gagawin ko don?!” inis na singhal niya kay Xander.
“Relax babe, Malalaman mo din yan mamaya.” Sabay wink niiya kay Vina.
“Ano?!” gulat na tanong ni Vina sa mga tao sa loob ng Student Council Room. “Bakit ko naman gagagwin yon?! Psh! Hindi pwede busy ako” sabay iwas niya ng tingin sa mga tao na nasa loob ng SC Room.
“Anong busy ka? Wala ka ngang ginawa kundi mag-tambay lang doon sa roof-top at sabi mo wala kang free time? Niloloko mo ba kami?” ma-arteng sabi ng sekretarya ng SC, siya ay si Levania. Ang asawa ni Satanas. :D
Inirapan lang ni Vina si Levania. “Bahala kayo diyan basta hinding-hindi ko gagawin niyan. Period!” matigas na sabi ni Vina sa kanila
“Aba! Xander ho! Napaka ng babaeng to.” Sumbong ni Levania sa Presidente ng SC. Vina just rolled her eyes at her.
“Vina!” saway ni Xander sa kanya pero naka-ngiti naman. Kumunot naman ang noo ni Vina ng makita niyang naka-ngiti si Xander.
“Anong nginiti-ngiti mo diyan?” mataray na tanong ni Vina kay Xander na naka kunot ang noo niya.
“Bakit ? Bawal bang ngumiti?” sabi ni Xander at lalong lumapad ang ngiti niya ng makita ang pag-lalong pag-ka kunot ng noo ni Vina.
“Tsk. Maka-alis na nga!” Hahakbang na sana si Vina ng may humigit sa kanya.
“Where are you going?” ma-awtoridad na tanong ni Xander kay Vina.
“Ano naman ang paki-alam mo kung saan ako pupunta ha?.” taray na tanong ni Vina. Napaka-kulet ng lalakeng to. Isa na lang at masasapak ko na talaga tong Presidenteng ito. Sabi sa isip ni Vina.
Hindi nag-salita si Xander pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ni Vina. “Ano ba?! Bitawan mo nga ang kamay ko!” sigaw ni Vina kay Xander. Ang mga taga SC naman ay nanunuod lamang sa kanila. Hindi nila alam ang gagawin kong sasali ba sila sa away ng dalawang tao na nasa harap nila o tatahimik na lang at panoorin na lang sila na nag-aaway.
“Xande—“ hindi natapos ang sasabihin ni Vina ng makita niya ang mukha ni Xander na dumilim ang mukha. Gwapo ng nilalang neto pero masyadong makulet -______- parang batang kumilos. sa isip ni Vina
“ I as a president in this school request you to go to the classes and listen willingly to the discussion of the teachers and being a Personal Assistant in Student Council. I want you to be always present in SC Office Room.” Biglang salita ni Xander na ikinagulat ni Vina naman.
WHAT THE HECK IS HE SAYING?! Inis na sabi ni Vina sa isip niya.
A/N: -________________________________-. Malapait na ang Exam. Physics, Chem, Calculus TTOTT. A.P. TTOTT. Ma awa kayo sa utak ko.