'Okay Class Dismissed.'
Pagkalabas na pagkalabas ng prof namin kinuha ko agad yung bag ko at lumabas din at nagtatakbo papunta sa Garden.
'Aaah! Fresh air! bakit ba amoy digmaan sa room namin ngayon!?' Sabi ko sa sarili ko. Mukhang wala namang tao eh.
Naupo ako sandali sa damuhan at kinuha yung sandwich ko kanina na nakalimutan kong kainin.
*ssssh**ssssssh*
Napatingin ako dun sa weird na sound. Wala namang tao sa garden. Napatingin ako sa puno kasi may nakasabit na paa. Shet! Di kaya may nagbigti dito!?
Tumayo ako at tinignan yung paa na nakasabit sa puno ng mangga. Paa lang yung nakikita ko kasi ang daming dahon nung puno. Pang-lalaki yung sapatos so I assume na lalaki yung nagbigti---este nakasabit! Ano bang gagawin ko?!
'U-uhm...K-kuya! buhay ka pa ba!?! Kung buhay ka pa wag mo munang itutuloy yang balak mo! alam kong marami ka pang pangarap sa buhay! Gusto mo ng sandwich?!sayo na lang tong sakin! may kagat nga lang...Kuya?! yoohoo!? dyosko nagbigti na yata--------------
'Why the fuck are you so loud woman?!!?'
0.0 eh?
Injerness ah ang ganda ng boses niya!
'Buhay ka!!?' Tanong ko.
'Will I be able to speak if I wasn't!?'
'Oo nga no? Sorry naman...bumaba ka nga diyan! kinakabahan ako sayo eh!'
Tumalon naman siya. Pag-angat ng ulo niya parang nag-slow motion..lintek yan ang gwapo! Ang GWAPO! Ang GWAPO! Grabe di ako makapaniwalang someone could look this handsome! leche napapaenglish pa ko!
'Stop putting your nose on anybody's business, you'll get in trouble for that.'
Nawala naman bigla ang slowmotion. Umiling-iling ako.
'S-sorry..akala ko kasi nagbigti ka na or whatever..syempre kapag di ako nakialam at umalis lang ako at nagbigti ka nga tas may nakakita sakin edi suspek pa ko?'
Tuloy tuloy na sabi ko sabay hinga ng malalim.
'Stop assuming things..' Sabi niya at nilagay ang parehong kamay sa bulsa at naglakad na palayo.
'Ako nga pala si Chiyo! Anong panglan mo!?' Sigaw ko sa kanya. Ewan ko pero parang gusto ko siyang maging friend. Ang cool eh! Haha!
Iniintay kong sumagot siya pero wala....
.
.
.
.
.
.
.
.
wala pa rin..ang layo na niya. Narinig ba niya yung sigaw ko? Syempre sa lakas ba naman ng bibig ko.
Haay..nevermind na lang. If it's meant to be it's meant to be.Choz! Haha. Kinuha ko yung bag ko at nagsimula ng maglakad.
Napahinto ako kasi parang may nasaging makintab ang mata ko. Lumapit ako sa may puno sa binagsakan ni....huh...di ko nga pala alam pangalan niya..cool dude na lang. Lumapit ako sa binagsakan niya at may napulot akong singsing...silver na singsing...may nakasulat..Fated? fated as in nakatadhana?
Ang ganda naman nitong singsing na to..pero hindi pa rin to sakin..hahanapin ko na lang si cool dude bukas. Sayang..di ko kasi alam ang pangalan niya eh..tinanggal ko ang kwintas ko at ginawang pendant pansamantala ang singsing baka kasi mawala.
Cool nga si Cool dude burara naman.Makauwi na nga lang.
BINABASA MO ANG
Sarcastic Love
FanfictionEveryone says love hurts, but that is not true. Loneliness hurts.Rejection hurts.Losing someone hurts.Envy hurts.Everyone gets these things confused with love but in reality love is the only thing in this world that covers up all pain and makes s...