Chapter 10
Broken promises
Nagpatuloy ang program habang bumalik naman kaming dalawa ni Salih sa kaniya-kaniya naming table. JB also came minutes later. Nagtanguan lang din kami just to acknowledge each other's presence. We're not exactly friends but not exactly enemies. Neutral lang. We decided to keep it neutral.
After all, niligawan niya pa rin ako dati at binasted ko siya. Alam ko namang may kasalanan din ako kasi pinatagal ko pa ang panliligaw before actually breaking his heart. Evil? That's Chandelier Qillambao. Always is, always will be.
Well partly, parang may kasalanan din naman iyong amoy beer na lalaki kanina kung bakit ko nabasted 'yang si JB dati. Medyo naalala ko pa nga iyong pag-imbita-imbita niya sa akin sa ospital noon para mag-aral. Alam na alam siguro ng gago na crush na crush ko siya.
Napaamin ka kasi, eh.
Oops. We're not gonna go there. Nope. Never. Hindi na tayo babalik doon. Masaya na tayo sa buhay natin. Okay ako. Okay siya. Walang problema.
Pero seryoso nga, bakit niya ba tinanong sa akin kung naalala ko pa ba 'yong kasal namin dati? Aba'y syempre, oo. Sabi ko nga, he was the highlight of my high school career. Hindi madaling makalimutan ang ikasal ka sa ultimate high school crush mo sa marriage booth. Pero bakit niya pa ba pinaalala?
To check if he still has the same effect on me? Siguro. O baka nag-ooverthink lang naman ako.
I personally think siya itong dapat mapaalalahanan dahil ang kapal ng mukha niya. How dare he talk to me like that na parang walang nangyari dati. Well technically yes, ako ang nakabangga sa kaniya, pero I just hate how he talks casually to me.
Bitter? Bitter ex?
I don't want to come off as bitter. Maybe just a little bit hurt. But not bitter. Disappointed din siguro. Pinagsisisihan ko na tuloy na pumunta pa ako sa reunion na 'to.
"Hoy, nakatulala ka na naman diyan, Chan," siko ni Joyce sa akin. "Ano, nagkaro'n na ba kayo ng wholesome conversation niyang one and true ex mo?" dagdag niya pa.
Pinandilatan ko na lang siya ng mata. "Shh," saway ko. "Huwag niyo ngang idamay 'yong tao."
"Eh, ano pa ba kasing ibang dahilan para maging ganiyan 'yang mukha mo?" si Yllana naman. "Dahil ba kay JB? O ano, nagsisisi ka na na binasted mo iyan dati kasi super hunk na ngayon?"
Agad akong napailing. "Hindi 'no. Tumigil nga kayo."
Tumawa naman si Joyce. "Hay nako, Chandelier. Hindi ka pa rin nagbabago. Ang sarap mo pa rin tuksuhin."
Nakitawa na din si Yllana. "Sa true lang, mamsh."
Hindi ko na naiwasang mapairap sa tinuran nitong dalawa. Hindi pa rin talaga nagbabago at pinagkakaisahan pa rin ako.
"At this juncture, sisimulan na natin ang parlor games!" anunsyo ng emcee sa stage. "Walang KJ dapat dito. Every batch should participate and cooperate and of course dapat lahat may representative," she added.
Nagsimula na siyang magpaliwanag ng mechanics ng unang larong lalaruin. Sampu ang kailangan per batch kaya itong super active kong mga kaibigan, nagsitayuan na at kasalukuyan nang pumipila kasama pa ang ibang batchmates namin. Calamansi relay ang pangalan ng laro. Napapailing na lamang ako't natatawa sa mga kapalpakan nila.
"Hi."
Napakurap ako nang makita si JB na nakaupo sa pwesto ni Joyce kanina at katabi ko na pala siya.
"H-hi," bati ko nang makabawi na mula sa pagkagulat.
"Pwede ka bang tabihan?"
"May choice pa ba ako? Nakaupo ka na, eh," natatawang sagot ko.
BINABASA MO ANG
Field of Promises (SPSHS Series #1)
Teen FictionSa isang grand high school reunion, muling nagkatagpo ang landas ng dalawang taong minsang naging tahanan ang isa't isa. Sabi nila, first love never dies. Sabi naman ni Chandelier, first love doesn't have to be forever. Will love really be sweeter...