Prologue

16 1 0
                                    

"Ky..." pagtawag sakin ni Elisha. "Ayos ka lang Ky?I'm still here for you" dagdag pa nito

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako pero ayaw tumulo ng mga luha ko.
Namamanhind ang buong katawan ko,hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko maisip na nangyari na ang kinatatakutan ko.

"Kakai,kanina ka pa tulala diyan" banggit ni Kyr pagpasok sa kwarto ko habang dala dala ang isang tray ng pagkain na may kasamang tubig.

"Matatanggap din natin to Ky,ang lahat ng bagay ay may dahilan" umiiyak na sambit ni Elisha.

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Gusto kong ilabas ang tunay kong nararamdaman ngunit hindi ko alam kung sa papaanong paraan.

"Gusto mo bang puntahan?" Tanong ni Kyr. Agad akong umiling ng mabilis at dahan dahang naupo.

"Kukunin ko ang susi,mag ready na kayong dalawa" dagdag ni Kyr saka nag kumahog na ilapag ang tray sa study table ko

"Hindi na! Gabi na Kyr,magpahinga ka na sa kwarto mo...bukas nalang"  sigaw ko para mapigilan sya

"Sure ka?" Tanong niya

"Oo,ikaw din El,umuwi ka na"  sagot ko.

Maya maya pa ay ako nalang ang naiwan sa kwarto ko.

Wala akong maramdaman. Ayokong magbukas ng social media accounts ko dahil baka lalo akong maguluhan.

Natatakot ako...
Natatakot akong magisa.
Paano na ako gigising sa umaga ng ako nalang magisa?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seraphic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon