Simula
"Ela, halika mag bike tayo dali!" yaya ng isa batang lalaki sa batang babae na ngayon ay naglalaro magisa sa kanilang bakuran.
Nagliwanag naman ang mukha ng batang babae dahil nandiyan uli ang kanyang kaibigan.
Ngunit bigla syang nalungkot ng maalalang wala ang kanyang mommy."Ah... wala kasi si mommy, baka mapagalitan ako pag lumabas ako" .
Malungkot na ani ng batang babae sa kanyang kaibigan. "ah ganon ba? gusto mo bang samahan nalang kita d'yan?."
Naging maganda ang ngiti ng batang babae sa sinabi ng batang lalaki sa kanya.
"Sige! halika pasok ka dito." Magiliw na ani nito ,dumiresto naman ang batang lalaki Kung saan nagpalaro ang batang babae.
"Ela, pwede magtanong?." nahihiyang ani ng batang lalaki pagkaupo pa lamang nito kung saan nakalagay ang mga laruan ng batang babae. "Ano yon?" Inosenteng tanong ng batang babae sa kaibigan."Ah... Nasaan na yong binigay ko sayong bracelet?"
Nahihimigan sa batang lalaki ang kaniyang hiya sa pananalita, hindi agad nakasagot ang batang babae sa kanya " Ah yun ba? ano kasi eh---- )
Booooggsssshhhh
Napabalikwas ako ng bangon sa isang malakas na kalabog sa aking kwarto.
"Ano ba? Dika ba marunong kumatok?!" Inis na singhal ko sa kanya.
"Aba! Kung hindi pako papasok di'ka pa babangon? alam mo ba kung anong petsa na, ha!?" inis nya din na singhal sa'kin.
YOU ARE READING
Do more of what you love.
RandomAngelica Maxine is a student at Calter School in the 10th grade She is a good student and child, which is why she is passionate Maxine is a beautiful young woman with a luxurious life and a happy family Will the woman still be like that when she mee...