The Day I met You

95 4 0
                                    

 

Everyone is delightful for this day. Everyone is busy for the occasion they all have been waiting for. Hindi mapakali ang mga tao sa bahay nila. At bakit naman hindi, ang unica hija ng mag-asawang Salvador na malapit ng lumapas ang edad sa kalendaryo ay ikakasal na. Well, not the typical marriage na pinapangarap ng bawat babae. It was an arranged marriage though, but her parents were very delightful by it.

 

However, there is only one out there is not glad about the marriage thingy. None other than the soon-to-be-bride Maria Lourdes Salvador, Mara for short; twenty nine years of age, still single but not totally, no boyfriend since birth, never been kissed nor touched at lahat-lahat na. Kasalukuyang nagmumukmok ang dalaga sa kwarto nito. Kapwa takip ang dalawang tainga dahil naririndi ito sa mga ingay na likha mula sa ibaba ng kanilang mansyon pati na rin sa iba't-ibang bahagi ng hacienda. Tila ba buong Pilipinas ay nakikisaya sa darating na pagpapakasal niya which is next week.

 

Next week for Pete's sake! And she haven't met the guy she's about to marry. She heard he was four years younger than her. And she's effin' sure that the guy looks ewwie and nerdy. Weird and eye glassed geek, nakausling ngipin at lampayatot. God!!! I’ve been a good daughter to my parents, hindi ako lakawatsera, barkadista at lalong hindi ako pakawalang anak. I may not be perfect pero sana naman Lord, kung ipapakasal na nga lang ako ng mga magulang ko eh, huwag naman doon sa pangit. Sayang ang beauty ko.

 

Sagrado ang kasal, I know that. But I don’t want to be married. I want my life na walang magbabawal sa akin kung ano ang mga gusto ko. Gusto kong manatiling virgin for life. I want my freedom. At hindi ko kayang isugal iyon.

 

Kung magpapakasal man ako, sana bukal sa loob ko, na ayon sa kagustuhan ko. Pero alam kong malabong mangyari iyon dahil wala naman sa bucket list ko ang pagpapakasal. Minsan ay gusto kong magalit sa mga magulang ko dahil sa bagay na ito, pero dahil nga ay napakabait kong anak ay hindi ko magawa. Masyado ko silang mahal.

 

Pinilit kong matulog ulit. Pero parang ayaw na ng mata ko, maghapon na akong natulog at umaasang panaginip lang ang lahat. Sana ay meron akong kaibigan para pagbuhusan ng sama ng loob kaso nga, wala eh. Napagpasyahan ko na lang na bumangon at naghanap ng makakapal at mahabang linen. Ilang minuto ang lumipas ay sa wakas ay nakahanap na rin ako. Mataktika akong lumabas at tinungo ang veranda ng kwarto ko. Mahigpit kong tinali ang dulo ng tela sa railings at inihulog.

 

Huminga ako ng malalim. I lifted my left leg over the railings at humawak sa nakataling tela. Isinunod ko namang ang isa kong binti. Inayos ko muna ang pwesto ko at saka dumadaosdos pababa gamit ang telang iyon. Nang makababa na ako ay nagmamadali akong pumunta sa kwardra at kinuha si Pinky. My favorite horse na may hair na kulay pink. Kinulayan ko iyon para trademark. I love pink that’s why I named her Pinky. Walang sa sariling naupo ako at hinaplos-haplos ang binti ni Pinky.  She waved her tails na pra bang sinasabi nitong nagugustuhan ang ginagawa ko sa kanya. I smiled.

 

“Pinky, I don’t want to get married. I want to be free. But I love mommy and daddy.”

Humalinghing si Pinky. Muli ay napabuntung-hininga na lamang ako at ipinagpatuloy ang pakikipag-usap sa kanya kahit mukha akong nasisiraan na ng bait.

The Day I met YouWhere stories live. Discover now