CHAPTER 38 - It's Final
Kian's POV
"Sorry ijo, but my decision is final."
Para akong nanlumo sa sinabi ni tita. Ano na ang gagawin ko ngayon? Paano ko siya mapapapayag?
Bakit ganito kalupit ang mundo? Bakit kailangan pang maging ganito? Hindi ba pwedeng maging kami nalang ni Elle? Bawal bang maging masaya? Simple lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ko siya at mahalin niya ako.
"Tita—" wala namang mawawala sa'kin diba kung ipaglaban ko ang nararamdaman ko? May karapatan din naman akong magmahal.
"My decision is final. Wala kang magagawa."
"Mamá!" suway ni Maze.
Halos maiyak na ako dito. Pinipigilan ko lang. Hindi ko maintindihan. Sana bumalik nalang sa dati. Sana bumalik nalang sa panahon kung saan tanggap kami pareho ng mga pamilya namin. Sana bumalik sa dati na sobrang suporta sila sa'min ni Elle. Naalala ko pa nga eh, halos gusto na nila kaming ipakasal noon. Ano na ngayon? Bakit naging ganito? Bakit lahat nagbago dahil sa isa kong pagkakamali? Ganito na ba kabigat ang parusa na kailangan kong pasanin?
Matalim ang tingin ni tita sa'kin. Ba't sinasabi niyang hindi niya ako sinisisi sa nangyari? Tanggap ko naman eh. Tanggap ko naman kung magalit sila sa'kin. Aaminin ko, kasalanan ko naman talaga. Wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko. Pero hindi ko dapat yun panaigin, dahil ayokong makulong dun. Bakit? Sasaya ba ako kung ang pagkakamali sa nakaraan lang ang paiiralin ko? Kaya ko nga diba ipinaglalaban ang akin. Kaya hindi ko magawang isuko si Elle. Pinakatimbang ang pagmamahal ko sa kanya kaysa sa madilim na alaalang iniwan ng aksidenteng ako ang may kasalanan.
Yung sa'kin lang naman, bigyan lang ako ng isa pang pagkakataon. Hinding hindi ko sasayangin yun.
"Cuida de mi hija," sabi ni tita. Hindi ko alam kung anong sinabi niya. Hindi ako nakakaintindi ng espanyol. May ibang mga salita lang na alam ko. Pero mukhang nagulat si Elle.
"Mamá? Is—"
"Si," tumango si tita Xio habang nakangiti.
Tumingin ako kay Elle. Sinenyasan naman siya ni tita Xio na sabihin ang ibig sabihin ng sinabi niya.
"Mamá said take care of my daughter," malapad ang ngiting ani Elle.
Parang pinagpawisan yata ako. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba talaga ang sinabi ni tita?
Tumingin ako kay tita Xio.
"What's with the face Kian? Hindi ka ba masaya?" tita smiled.
"Po? Masaya po! Thank you po! Sobrang thank you po! Hindi ko po sasayangin to! Salamat po tita Xio!" mangiyak ngiyak kong pasasalamat.
Haaay naku! Akala ko tutol siya. Salamat naman!
Hindi ko maipaliwag ang saya ko. Basta sobrang masaya ako ngayon. Masayang masaya. Kung pwede lang ako magpakain sa buong mundo, ginawa ko na. Walang makakapantay sa sayang nararamdaman ko ngayon.
Thank you!
Yes!
"Akala ko po hindi niyo na ako matatanggap," pag-amin ko. Dati, parang totoong nanay ko na din si tita Xio. Lagi akong bumibisita sa bahay nila. Naku, sobrang maalagain si tita.
"How can you say that? Kian, you're always welcome to our family. Lagi mong tandaan yan. Alam naman namin na hindi mo din ginustong mangyari ang aksidenteng yun. Ang importante, natuto ka na sa nangyari. Oo aaminin ko, nung una ayokong magkabalikan kayo dahil ayokong masaktan ang anak ko. Pero mas pipiliin ko pa bang maging hadlang sa dalawang taong nagmamagalan? Ayoko namang ipaghiwalay kayong dalawa dahil lang dun. Alam ko namang gagawin mo ang lahat para kay Elle. You changed my mind. Nakita ko kung gaano kahalaga si Elle sa'yo. Kaya mo siyang ipaglaban sa lahat. At nangako ka ijo kaya aasahan ko yun. I will entrust my daughter to you again," nakangiting sabi ni tita Xio.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Tomboy
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa kasabihang "Pagbalik-baliktarin man ang mundo, kung ang dalawang tao ay nakatadhana para sa isa't isa, magtatagpo at magmamahalan sila?" Paano kung pinaglaruan sila ng tadhana? Pinagtagpo ngunit naging malabo. Pinagtagpo ngunit...