CHAPTER 01

25.6K 502 156
                                    

BABALA: Ang kwentong ito ay may deleted parts kaya kung ayaw ninyong mabitin ay huwag niyo nang ipagpatuloy ang pagbabasa. Nasa DREAME po ang complete version ng story na ito. Marami pa po akong COMPLETED at walang deleted parts na story dito sa Wattpad, iyon na lang po ang basahin ninyo... Maraming salamat!






NOTE: Ang concept po ng story na ito ay katulad ng movie na "My Valentines Girl (Gunaw Episode). Pero, siyempre, iibahin ko ang takbo ng story. Concept lang naman ang katulad, hindi ang buong story. Maraming salamat po. San ay mabigyan ko kayo ng ngiti sa kwentong ito ni DIAMANTINA-ANG TANGENG BABAE!

-----***-----

CHAPTER 01

-DIAMANTINA'S POV-

EARLY morning na naman! Haaay... Kailangan ko na namang gumising upang-

"Diamantinaaa!!!"

Grabe, ha. Kung makasigaw naman itong si Tita Purisima... wagas!

Well, alam ko na kung bakit tinatawag na naman niya ang aking beautiful name. Uutusan na naman niya ako. Ano kaya ang first task na gagawin ko today? Magluluto, maglalaba, maglilinis ng bahay o magpapakain ng baboy?

Well, my name is Diamantina Madlangtao just so you knew. 'Knew' kasi alam mo na. Past tense na 'yon kaya wag kayong ano diyan. Okey? Okey!

May sarili akong dictionary at grammaring. Walang pakialaman! Okey? Okey!

Siguro, kapag nalaman ng isang tao na 'Diamantina' ang name ko, iisipin nila na nanggaling iyon sa word na 'diamante' o 'diamond'. Pero hindi ganoon iyon! Para daw kasing diamond ang mukha ko - puro kantuhan. Imbes na dalawa lang ang aking panga ay apat yata. Ewan ko ba, parang binagsakan ng puwet ng kaldero ang aking face sa sobrang lapatd. Tapos, ang aking ilong ay parang sundalo sa giyera - palaging nakadapa!

Yes, oh, yes! Sabi nila that I am ugly and bobo. Pero hindi ko na lang iniintindi iyon. I'm used to it. Ikaw ba naman na sinasabihan ng panget ng twenty-five years, hindi ka pa masasanay?

Bahala sila. Basta ako, I believe in the saying: Beauty is in the eye of the beholder. And I am the beholder that's why I am beautiful!

Naks! Nosebleed that!

Ehem... Ehem...

And yes again, ulilang lubos na ako. Ang tatay ko, hindi ko na siya na-meet dahil nang malaman niyang nabuntis niya si nanay sa akin, iniwan na niya kami. Wala siyang balls! Mag-isa si nanay na nag-asikaso sa sarili niya habang dinadala niya ako. Kulang na nga lang ay siya na rin ang magpaanak sa sarili niya, eh. Sinabi iyan sa akin ng Tita Purisima ko na siyang tumatayong guardian ko ngayon. At ayon din sa kwento ni Tita ay twelve months nang buntis si nanay pero hindi pa rin ako inilalabas! Imagine that. Napilitan tuloy si nanay na magpa-cesarean. Sapilitan akong inilabas sa tiyan ng nanay ko kahit parang ayaw ko pa. Siguro, na-sense ko noong fetus pa lang ako na hindi magiging maganda ang buhay ko kapag ipinanganak na ako kaya ayaw ko pang lumabas.

At tama nga ako. I am right not left dahil hindi lang buhay ko ang hindi naging maganda kundi pati na rin ang mukha ko. Imagine that!

Namatay si nanay after niyang ma-cesarean!

*insert nakakaiyak na song here*

Ang walanghiyang doktor kasi, inuna pa ang coffee break kesa tahiin ang nakabukang tiyan ng nanay ko! Napasukan yata ng hangin! Ayun, patay!

Ang Tangeng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon