Sabi nila textmates lang daw ang mahahanap at makikilala sa text yan ang akala nila. Kasi pati taong mamahalin at makakasama mo buong buhay ay sa text matatagpuan.
Tulad nang sa text, ang love mayron ding ibat-ibang promo na pwedeng-pwede mo e avail. Mayroon UNLI-saya, UNLI-kilig, UNLI-selos, UNLI-inis, UNLI-away o di kaya COMBO [ UNLI-saya + 110 mins kilig calls with your sweetheart] ; [UNLI-kilig + 25 mb for chat and surf with your wifey and hubby ] lahat nang ito ay pwede mong enjoyin.
Iba talaga kapag UNLI no? ang saya kasi maraming nakilala, nakakachikahan pero tulad nang mga promo ng Smart, Globe, Talk n' text, Sun, Red Mobile(uso pa ba 'to? ) kapamilya mobile,..... VALID for one day Lang!!! E sa love? May expiration din kaya? Valid for 1 day lang bah? o 1 week? o 1 month?
Matapos ipadama ang lahat ng saya sa pag-ibig , mawawala agad? Maeexpire agad ? Ang sakit man isipin na matatapos ang lahat-lahat, mauuwi lang sa wala at sasabihing "you are no longer registered to this promo". Wala ka mang magawa, pero kailangang tanggapin.
Pero yung iba patuloy paring umaasa. Lahat gagawin-- NagpaPASALOAD kahit alam mong maeexpire rin sa huli. Susulitin parin ang bawat minutong kasama mo siya. At take note mayrong patong ng tatlong piso ang bawat pasaload. masakit man sa bulsa go nang go pa rin kasi alam mong sasaya ka sa mga oras na yun. Maramdaman man ang lahat nang saya, kilig, selos, galit tuwing unli ka, tandaan na may salitang EXPIRATION sa mundong ito,
Kaya Always remember to keep 1 peso (love) balance in your heart to stay UNLIMITED.