Oyy kamusta? Kaya pa ba?
Alam kong nahihirapan kana.
Lalo na nitong mga nagdaang buwan, masyado tayong sinubok.
Pansin ko ang pagbago ng mga mata mo, wala na yung ngiti neto.
Nawala na rin yung kinang na nakasanayan ko.
Sa mga nagdaang araw, muntik ka ng bumitaw.
Alam kong minsan, 'di mo na naiintindihan ang sarili mo.
Pakiramdam mo, pasan mo ang langit at lupa dyan sa balikat mo.
Pakiramdam mo, isa ka ng kaluluwa na paligoy-ligoy sa mundong 'to.
Alam kong ilang gabi ka na ring hindi makatulog.
Dahil sa kakaisip at sa kahihimutok.
Kakaisip sa mga bagay na kung ano ba talagang ang daang tatahakin mo.
Kakaisip kung ano ba talaga ang nakalaan para sayo.
Tama ba ang ginagawa mo?
Alam ko rin na ang puso mo'y may bigat na dinadala.
Alam kong sa mga gabing puyat ka, palihim kang humihikbi at lumuluha.
Alam kong gusto mong humingi ng tulong pero sa kadahilanang ayaw mong makadisturbo sa iba, sinasarili mo nalang ito.
Ilang tahimik na laban na ba ang pinagdadaanan mo?
Tahimik na nakikibaka.
Tahimik na ginagamot ang mga sugat na iyong natamo.
Alam kong hindi madali ang iyong mga laban pero salamat kase patuloy ka paring nagpapakatatag at sinusubukang lumaban.
Alam kong paminsan-minsan nagdadalawang isip ka na.
Nagdadalawang isip ka kung ikaw ba'y mahalaga ba talaga?
Minsan, nag-aalinlangan ka kung nararapat ka ba talagang mahalin.
Kase sa bawat sukli na binabalik mo sa mga tunay na nagmamahal sayo, palaging sakit at pagkabigo.
Iniisip mo kung tama pa ba ang mga ginagawa mo.
Sinusubukan mong gumawa ng tama para maramdaman mo naman na ipagmalaki ka ng mga mahal mo.
Alam kong sinisikap mo pero halos wala, palya pa rin.
Alam kong napaghihinaan ka na.
Yung tipong alam mo sa sarili mo na pasuko ka na.
Alam kong nababalutan ka na ng lungkot.
Alam kong nahihirapan ka na ng lubos.
Alam kong palagi mong sinasabi na sinusubukan mo namang maging positibo araw-araw.
Kahit na gabi-gabi nawawalan ka na ng gana na ipagpatuloy ang buhay na meron ka.
Gabi-gabing nilalabanan ang lungkot para 'di ka malunod.
Dahil sa mga kadahilanang na papaisip ka na, "Wala naman akong ginawang tama mabuti na sigurong mawala na 'ko."
Pero tignan mo kahit na nahihirapan ka nang lumaban patuloy ka paring nakatayo.
Nakatayo at pilit na nagpapakatatag.
Para sa kanila.
Para sa sarili mo.
Kahit walang nagtatanong kung ano ang totoo mong kalagayan.
Alam ko naman na hindi ka basta-bastang susuko at patuloy ka paring lalaban.
Lalaban ka parin sa buhay na 'to.
Kahit na minsan ang buhay na 'to ay puno na ng gulo.
Pipiliin mo pa ring bumangon para sa kanila.
Patuloy ka paring nagiging positibo kahit alam mo sa sarili mo na pasuko ka na.
Salamat.
Salamat kasi kahit pagod ka na patuloy ka paring lumalaban.
Salamat kase patuloy ka paring nagpapakatatag.
Salamat kase pinili mo paring bumangon at umasa araw-araw na magiging maayos din ang lahat.
Salamat kase hindi ka talaga sumusuko.
Salamat kase sinusubukan mo parin kahit hindi ka na sigurado.
Salamat kase patuloy ka paring nagiging matapang kahit madalas mundo'y minsan nanghihila pababa para maduwag ka.
Salamat kase naniniwala ka parin na pagkatapos ng ulan ay masisilayan mo pa rin ang pagsikat ng araw.
Kaya, kaya mo yan.
Kakayanin mo yan.
Kakayanin natin.
Salamat uli sa pananatili mo.
Basta lagi mong tatandaan na kung sakaling naramdaman mo na tinatalikuran ka na ng mundo, may iisang taong nandyan parin sayo.
Sa bawat hikbi mo nandun Siya.
Sa bawat pagtulo ng iyong mga luha nandyan Siya na handang ibigay ang panyo Niya.
Nandyan din Siya para pakinggan ka.
Darating din ang araw na magiging maayos din ang lahat.
Kaya magpakatatag ka.
Hanggang sa huli, hindi tayo susuko.
Kakayanin natin.
Kahit ano pang pagsubok ang darating,
Babangon tayo.
BINABASA MO ANG
Liham
Poetry"Pagod na ako." Nasabi mo na ba ang mga katagang yan? Nakakapagod din naman talaga minsan, dahil sa dami nating pinoproblema unti-unti ka ng nawawalan ng gana hanggang sa kahit wala ka namang ginagawa napapagod ka na. Nalilimutan mo na rin kung pan...