CHAPTER 50

3 1 0
                                    

Mae P.O.V

Kakagaling lang namin sa bahay,pinakiusapan muna namin si Ate Shi na kung pwede ay doon muna siya para bantayan si Scarllet dahil may pupuntahan kami,sinabe naman namin na party iyon kaya baka anong oras na kami makauwi.

Pumayag naman siya at tinawagan si Mommy Viana para mag paalam,pinayagan din siya,nasa kotse kami ngayun ni Ashton papunta sa Address na binigay saamin kung saan ang bahay ni Lanny.

Naka toxido naman si Ashton na kulay itim,ako naman naka dress na itim,kala mo may patay,dress ko hanggang tuhod naka black na high hills,nag liptint lang ako at nag pulbo,gabi naman ngayun at hindi ko laylangan mag paganda baka nga wala naman kami kakilala dun.

Ngayun palang sa kotse kinakabahan na ako,hindi ko alam kung dapat ba talagang pumunta kami dun,konting maling kilos namin ay malalagot kami.

Nag katinginan naman kami ni Ashton ng makarating kami dun,kahit siya parang may nararamdamang hindi maganda.

Tumango nalang ako sakanya at nauna nang lumabas ng kotse,agad din naman siyang lumabas at sumunod sakin.

Huminga ako ng malalim bago kami pumasok sa gate nila,halatang may kasiyahan na nagahanap sa loob dahil rinig na rinig sa labas at ang mga ibang ibang kulay ng ilaw ay tagos sa bintana nila,maganda ang bahay,sobrang laki..pero hindi kasing laki ng mansion nila Ashton.

Sabay kaming pumasok doon pinagbuksan naman kami ng guard nila sa gate,at tinawag yata si Lanny.

Ng makita kami ay lumiwanag naman ang muka niya,agad siyang lumapit at plastik? Na bumeso sakin,nakisabay nalang ako saknya at tipid na ngumiti.

Ganun din ang ginawa niya kay Ashton pero ang swryoso lang ang muka ni Ashton wala siyang natanggap na pag tugon nito sa pag bebeso niya.

"Im happy,dahil ligtas kayong nakapunta dito.." tuwang tuwa na ani niya,ayokong isipin na nama-mlastik siya pero yun yung nakikita ko saknya.

Maglalakad na sana ako ngunit nabaling ang tingin ko kung saan dumapo ang kamay ni Lanny,nakapulupot iyon sa braso ni Ashton,hindi ko alam pero sumikip ang dibdib ko sa nakita ko.

Nagkatitigan kami ni Ashton,seryoso lang ang muka niya walang realsyon,napatingin naman ako kay Lanny na inihiga ang ulo niya sa balikat ni Ashton,abot hanggang tenga ang ngiti at dinadama ang pagkakapulupot ng kamay nito at ang pagkakahiga ng ulo niya sa balikat,ako na mismon'g asawa niya hindi ko yan nagagawa ei,swerte niya.

"Lets go?" Nakangiting tanong ni Lanny kay Ashton,bakit siya lang?nandito pako oh,naku..ma a-out of place yata ako dito.

Tumango lang si Ashton naglakad na silang magkasabay ganun parin nakapulupot ang kamay niton'g Lanny.

Nasa likod lng nila ako nakasunod sakanila.

"Hi guyzz" biglang sigaw ni Lanny sa mga kasama niya sa party,ang daming tao..mjkang mayayaman lahat ang tatangkad tapos akala mo model sila ako lang yata dito yung maliit,nakayuko lang ako habang naglalakad na nakasunod sakanila.

Nakakailang yung mga lalaki kase sakin nakatingin hindi ako sanay sa ganto.

Huminto kami sa naka palibot na sofa,may mga nakaupo doon umiinom ng alak,hala ka..hindi ako nainom ng ganto,p-pano to?

"Lovely,sit here"napatingin ako kay Ashton ng biglang ituro niya ang bakanteng upuan na nasa tabi niya,nasa kanan niya naman si Lanny na nakakabit parin sa braso nito,ang sakit sa mata!

Umupo naman agad ako sa tabi niya.

"Guyz,meet my boyfriend"ani ni Lanny,natigilan naman ako at napatingin sakanya,b-boyfriend?

IM ON YOU<3 [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon