"Hello?" kabubukas lang niya ng cellphone niya ng biglang nagring iyon. Her brother Grayzon is calling.
"Finally!" napakunot ang noo niya ng makarinig ng panic sa boses nito.
"Kuya? Bakit?"
"U-umuwi ka na Nao, nasa panganib ang buhay nina mommy at ni daddy." Bahagya siyang natigilan sa sinabi nito. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman ng mga oras na iyon. "They need you now." Nasa boses na ng kapatid niya ang pagmamakaawa.
"They don't need me kuya you know that." Kahit na sabihin niya ang mga salitang iyon ay tila may bumikig sa lalamunan niya. Nasasaktan siya, kahit na walang pakialam ang mga magulang nito sa kanya ay nasasaktan siya kaya siguro hindi niya napigilan ang mga luhang dumaloy sa mga mata niya. Napansin niyang napahinto si Miggy ng makitang umiiyak siya, itinabi nito ang kotse but she motioned him to drive again because she is damn okay. Mabilis niyang pinahid ang mga luha sa mga mata niya.
"Please Naome puntahan mo ako sa hospital. I need you now hindi ko alam ang gagawin ko and you need to know, pinagtangkaan silang patayin ng mommy mo." Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.
"Nakakulong na siya h-hindi ba?" nanginginig na ang boses niya, she felt unsafe, she felt restless all of a sudden.
"Nakalabas siya, nakatakas siya Nao."
"No-." mahinang sambit niya kasabay ng mahinang paghikbi dulot ng takot. Natatakot siya na baka mahanap siya nito at saktan na naman.
"You will be safer here with be sis,"
"I won't be safe kahit saan ako magpunta basta nakalabas siya hindi ako magiging safe. Is she going to kill me?" malakas siyang napahikbi. "Bakit ba hindi niya ako matanggap anak naman niya ako hindi ba? Bakit ayaw niya sa akin? Bakit ayaw sa akin ng daddy mo? Bakit ayaw sa akin ng mommy mo? Bakit ayaw nilang lahat sa akin?" sunod-sunod na ang ginawa niyang pag-iyak. Tuluyan ng inihinto ni Miggy ang kotse at mabilis siyang niyakap nito, isinubsob niya ang mukha niya sa dibdib nito. "Bakit kailangan lang nila ako kapag nangangailangan na sila? Buong buhay ko kailangan ko sila pero bakit wala sila? Bakit ngayon?"
Kinuha ni Miggy ang cellphone sa kanya dahil nahihirapan na siyang huminga sa kanyang pag-iyak.
"Ako na ang bahala sa kanya. What? Hindi anak ng mommy mo si Nao kaya impossibleng magmatch ang dugo nila."
Sunod-sunod na ang pagsinok niya lalo pa at narinig niya ang sinabi ni Miggy. Kailangan ng dugo ang mommy ni Miggy?
"What's your blood type baby doll?"
"Type B negative." Sagot niya. Kumurap ito at saka binalingan ang kausap nito.
"We will be there, positive, they matched."
Pinatay na nito ang cellphone niya bago siya niyakap at hinalikan sa noo nito.
"Ayokong pumunta Miggy, I don't want to see them." Pakiusap niya dito.
"You need to face this Nao, once and for all let's clear everything. This is the right time to face them."
"Ay-."
"Please Nao do this for me I will be here for you."
Napabuntong-hininga nalang siya at saka tumango. Hinawakan lang ni Miggy ang kamay niya habang papunta sila sa hospital. Nanginginig ang mga palad niya, half of her wants to know if her brother's parents were okay and haf of her is still debating if she do really care after all they don't even care about her.
Nang nasa hospital na sila ay muntik na siyang tumakbo pero hinawakan siya ni Miggy ng mahigpit. Pag-akyat nila ay agad silang sinalubong ng kapatid niya at mahigpit siyang niyakap. Weird. Kakaiba ang yakap nito sa kanya and Grayzon is sobbing while hugging her tightly.
BINABASA MO ANG
Marked Series 8: Just Like That (COMPLETED)
Любовные романы"Just like that I fell for you, and just like that you failed to catch me." All Naome wants is to get away from her hell-Allyxander Miguel Ventura. Para itong asukal sa kanyang kape, nakaka-diabetes. Para itong adobo, nakaka-high blood. Para itong...