Isang beses lang tayo nabubuhay
Pero bakit noong naghiwalay tayo paulit-ulit akong namamatay?
Ang nanunuot nitong pagkirot na pumupunit sa bawat hibla ng laman ko ay walang humpay
Yung sakit na kahit anong pagmamakaawa ko na tama na, umaatake pa rin nang sabay-sabay
Nabubuhay na lang hangga't ang katawan ko ay hindi pa bumibigayNoong naghiwalay tayo, kinailangan kong isara ang pintuang iyong pinasukan
kung saan dapat nating iwanang lahat kung anuman ang sa atin ay namagitan
Dahil ang pagdating mo sa buhay ko ay isang banta sa kinabukasan
Ng mga batang walang muwang at hindi dapat madamay sa ating kamunduhan
Nakakahiyang tawaging ilaw ng tahanan
Kung ako pala ang magdadala sa pamilya ko ng kadilimanNoon, pangarap kong magkaroon ng bukas na maghihintay para sa ating dalawa
Yung walang huhusga, mga taong kahit di pa tayo nalilitis ay nagpapataw na sa atin ng parusa
Ikaw ang nagpuno sa lahat ng mga pagkukulang nya
Ikaw yung lalaking nakikita ko kahit may piring ang aking mga mataNoon, nandoon na ako sa puntong kaya ko nang ipagpalit lahat basta makasama ka
Handa na akong banggain anumang malakas na alon na hahampas sa paglalayag nating dalawa
Wala na kong pakialam gusto kong maging masaya!
Mahal mo ako, mahal kita
Yun lang... Yun lang sana sapat naAlam ko na hindi lahat ng gusto ng tao ay makabubuti sa kanya
Lalo na kung magiging dahilan ito para makasakit ng iba
Kahit gaano ka pa niya lubos na napapasaya
May butas pa ring naiiwan sa puso mo lalo na't alam mong hindi ka kailanman mapapasakanya[Pause]
Noong araw na 'yon, masaya tayo
Pero may hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib ko
Masaya tayo pero ramdam kong may nag-iba sa ikinikilos mo
Gusto kong itanong "Mahal may problema ba?" pero nandoon yung takot kong marinig ang sagot mo
"Sorry mahal" mga salitang nagpasabog sa puso ko
Sinundan ng pag-iyak at mahigpit mong yakap
Yakap na nagpapahiwatig na ang kinatatakutan nating pangyayari ay sya ng naganap"Si Mama at mga bata" ang sabi nya. "Alam na nila"
Alam ko kung ano ang ibig sabihin no'n
"Ano'ng gagawin natin? Tanong ko sa kanya.
Tanong na naniniwala na kaya pa nating manatiling magkasama
Hindi ito tanong na naghihintay na sa'yo manggaling na ang lahat ay tapusin na
Isa itong tanong na naghihintay na sabihin mo na may paraan paIsang mahigpit na yakap ang 'yong isinagot
Nabasa ko na sa mga mata mo na hanggang dito na lang tayo aabot
Ramdam ko yung sakit sa bawat paghinga mo
Ramdam ko yung hapdi sa bawat pagpatak ng luha mo
Ang sakit sakit na kailangang pahintuin ang naging mundo mo
Dahil may mga mundong titigil kapag ipinagpatuloy mong paikutin ang mundong ito sayoPag-uwi ko nang araw na 'yon
Sumalubong sa akin ang mga batang nag-iiyakan
Iyak ng mga anghel na nagmamakaawa sa kanilang ina na huwag silang iwan
Iyak na sumampal sa akin nang magising ako sa reyalidad na isang akong INAIna na dapat ay nagpoprotekta
Ina na dapat ay nagbibigay ng mabuting halimbawa
Ina na dapat ay nagsasakripisyo para sa pamilya
Ina na dapat ay nagpakatatag at naging tapat sa kanilang amaGusto kong patayin sa pagkamuhi ang sarili ko
Parusahan hangga't mabalatan
Ang puso kong nabalot ng pagiging ganid sa pansarili kong kasiyahan
Durog na durog at nagdurugo ako
Hindi ko kaya 'to, Diyos ko nagpapakumbaba at lumalapit po ako sa inyo
Panginoon patawarin mo po ang isang katulad ko🌺ՅԾՌɿԵԹ