Chapter Three

27 4 2
                                    

Hayop na babae yun. Kung maka-arte’ng kunwari girlfriend ko akala mo nasa taping lang.  Ang kapal ng apog! Humanda talaga siya sa akin pagnagtakbo uli landas namin.

“Boyfie pala ha.”

Mag hintay ka lang girlfie, makikita mong bagsik ni boyfie.

I curled my hands into fist and jumped out of bed, fixed myself at pumunta na sa school.

Halos wala akong tulog dahil sa nangyari kahapon at sa kagustuhan kong makita ang hinayupak na yun. “lintik lang ang walang gante.” Pumasok ako sa University Computer Center at naghanap ng maaring makatulong sa plano ko.

“Good morning, ma’am!” bati ko trying my best to keep a naïve look, ngumiti naman ang middle aged lady na nakasalubong ko at bumati rin. Magandang sinyales to, Jimenez. Gumagana ang strategy mo. Banatan mo na. “Ang gaganda po pala ng mga tao rito, ano? Mapadalas na ata ako rito.” sabi ko making her blush and giggle.

“Ikaw naman bata ka ang aga-aga pa bino-bola mo na ako.”

Umakma akong lalabas at nagsalita ulit “Sige, babalik nalang po ako mamayang gabi.” Humakbang pa ulit ako ng tanungin niya ako.

“Ha? Bakit naman?”

“Sabi niyo po kasi aga-aga pa’y bibo-bola ko kayo, kaya gabi nalang ako babalik baka sakaling maniwala na kayo.”

Tumawa siya at kinurot ang pisngi ko “Ikaw talaga, nakuha mo ako don ha. Sige, ano ba kailangan mo? Baka matulungan kita.” Yun oh! Yun lang ang hina-antay ko.

“Kailangan ko po kasi makita ang List of Female students enrolled this semester para sa Term Paper ko po. Okay lang po ba?” reason ko.

“Ah, ganun ba? Ngayon mo ba kailangan?” Tumango ako at nagpacute para maniwala siya “Oh, sige. Kita mo ba yung lalaki dun sa corner na naka-red?” tsk! Lalaki pa talaga, mahihirapan ata ako nito. Madali sana kung babae, bolahin mo lang kuha mo na, pero lalaki. Tae na. Nevertheless tumango pa rin ako. “Patulong ka sa kanya. Siya may copy ng kailangan mo.” Nagpasalamat ako at tumungo nasa lalaki at sinabi sa kanya ang dahilan ko.

“Aba, di yan pwebe.  Confidential ang nilalaman nito. Di basta-basta binibigay sa kung sino-sino.”

Puta! Sabi ko na nga ba. Napakamot tuloy ako.

“Ibigay mo na sa kanya.” napalingon ako kung saan nanggaling ang pamilyar na boses at nakita kong yun pala yun binola ko kanina. “Para sa Research yan. Tsaka mabait na bata yan.” Dagdag niya at nag-wink sa akin.

“Pero boss—” biglang tumunog ang tenga ko nang marinig kong tinawag nung lalaki na ‘Boss’ si ma’am. Ang galing! Timing na timing! Ang nasa taas na talaga ang tumutulong na mapadali ang plano ko. Tumango si ma’am bilang sagot at ngumiti “Maswerte ka bata Ngayon ko lang nakitang bumait yan si boss, bruha yan eh. At kung ako lang, di ko ibibigay sa iyo ito.” bulong nung lalaki.

Di ko na pinansin yung last statement nung lalaki at tiningnang nalang mabuti ang mga larawan ng bawat estudyante.

Isa at kalahating oras ang lumipas, tatlong block sections nalang natitira ngunit di ko pa rin makita ang putek na yun. Napapagod na akong echeck ang mga mukha ng mga babae.

Susuko na sana when a picture of a girl appeared right before my very eyes. That smirk. Ang ngising ang sarap punitin.

Di ako maaring magkamali. Siya talaga ito. “kahit sa picture, demonya pa rin siyang tingnan.” Komento ko.

“Ha?” tanong nung lalaki.

I shook my head and gave him my flashdrive para e-save niya doon ang list at nagpasalamat sa lahat lalo na kay ma’am.

Paglabas na paglabas ko sa CC, di ko mapigilang mapa-ngisi.

“BS  – METE, 21 years old, Aren C. Perez.”

Yun pala ang kompletong pangalan nung tukmol at Metallurgical Engineering student pa talaga. I smirked staring at her picture.Well then…

“See you soon, girlfie. Very soon.”


 FREAKachu~

Our Failed TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon