7 years later...
''Mamay! Mamay!'' Napabulagta ako nang marinig ko ang boses ng anak ko. Mabilis akong tumayo sa pagkakahiga.
Agad kong tinapik ang pisngi ng asawa ko.
''Lauro, Lauro'' tawag ko sa kanya.
''Hmm...?''
''Ang mga bata kumakatok'' sabi ko. Agad naman itong nagmulat at ngumiti.
Bumangon siya at hinalikan ako sa labi.
''Good Morning, Honey'' bati niya sa akin. Ngumiti ako at hinalikan din siya sa labi.
''Good morning din, bangon na at nandiyan na ang mga bata, papasok pa sila ngayon'' aniko at bumangon na sa pagkakahiga.
''Mamay! Papay! Open the door'' malumanay na sigaw ng isa ko pang anak.
''Oo na!'' aniko at inayos ang sarili ko. Nang maayos ko ang sarili ko ay lumapit na ako sa pinto at binuksan ito. Bumungad ang masayang mukha ni Issa at ang isa ko pang anak na si Hazel na matamlay.
Agad akong lumuhod sa harap ng anak ko na si Hazel. I checked her temperature using my palm. Wala namang lagnat. Hinawakan ko siya sa makabilang braso. ''Is there any problem anak? Ang tamlay mo'' nag-aalala kong sabi.
''Mamay! Ayaw niya lang sa school kaya siya ganyan, nasaan si Papay?'' si Issa naman.
Masiglang bata si Issa, nuong ipinanganak ko ang kambal ko ay pareho naman silang normal pero nitong nagtagal ay may napapansin ako kay Hazel na para bang malungkot siya na bata at matamlay.
''I'm here, anak'' Agad na lumingon si Issa sa kanyang kinalakihang ama at tumakbo papalapit dito. Mas malapit si Lauro kay Issa compare kay Hazel. Mas lapit kasi si Hazel sa akin.
Binalik ko ang atensyion ko sa anak ko. Hinaplos ko ang mukha niya. ''Anak, may problema ba? gusto mo bang tignan ka ni Papay mo?'' tanong ko.
Doctor parin hanggang ngayon si Lauro. Dito na kami nakatira na Santa Rosa, nagtagal din kami sa Puerto Galera pero nuong nalaman naming lumipad na si Sixto sa New York ay bumalik na kami sa siyudad.
Umiling lang siya. ''Okay lang po ako, nagkulang lang po yata ako sa tulog dahil po kay Issa, napaka ingay niya kagabi Mamay'' sumbong sa akin ni Hazel.
Mamaya talaga itong si Issa sa akin.
Pinaliguan ko at pinakain ko ang dalawang kong anak, pagkatapos ay hinatid ko sila sa school. Ako lang ang naghatid kasi kailangan na si Lauro sa Hospital.
Habang nagmamaneho ako ay pinagsasabihan ko ang anak kong si Issa. ''Issa, dapat ay hindi ka na nag-iingay kapag gabi, tignan mo iyang kapatid mo nagkulang sa tulog dahil sa sobrang ingay mo'' pangaral ko sa kanya.
I heard her sigh. ''Mamay, nakikipag-usap lang po ako sa kaibigan ko sa messenger, iyong video call'' sagot pa niya sa akin.
Nagsalubong ang kilay kong tumingin sa anak ko at ibinalik naman kaagad sa harap ng kalsada. ''Six years old kapang bata ka, kukunin ko ang gadget mo mamaya. Hindi maganda sa isang anim na taong gulang ang palaging nakatingin sa gadget''
''Pero Mamay---'' Aalma ulit sana siya pero pinutol ko na siya.
''Walang pero-pero sa akin, Issa. Makikita mo talaga ang hinahanap mo kapag sumuway ka sa akin'' aniko sa kanya.
Ayaw kong inii-spoiled ng masyado ang mga anak ko. Ang dalawang kapatid ko lang naman talaga ang nangii-spoiled sa mga anak ko isama mo pa si Papa at si Lauro. Wala akong kalaban-laban.
''Buti pa si Tata Gela, okay lang sa kanya'' Issa mumbled.
''Ako ang Mamay mo kaya dito ka makinig sa akin at huwag kang makinig sa Ate Gela mong broken hearted sa mahigit anim na taon'' sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sixto Axel Velasquez
Non-FictionTrigger Warning: Mental Abuse/Unethical/Infidelity/ Affair. Not for everyone!! The whole story revolves around cheating so please don't read this for your own sake if you are sensitive to stories that are all about cheating.