Kuya
Nakarating na kami sa mall at hindi pa din ako nagsasalita dahil pakiramdam ko ay pag nagsalita ako ay makukuha ko ang atensiyon ni Daryl, nasa likod kami kami nila lola at ni Hanz. Para hindi masyado halata ay nag earphone ako para di nila mapansin ang katahimikan ko. Nalibang na din ako ng set up ko kaya hindi ko na din namalayan na dumating na pala kami sa mall, wow ang lapit lang pala? Siguro hindi ko napansin kahapon dahil naka idlip ako sa byahe.
"Señora, nandito na po tayo" narinig kong sabi ni Daryl, kahit na naka earphone ako.
"Okay, sumama kana sa'min sa loob ijo," si lola na nauna nang bumaba.
Lumabas na din ako ng van at sinipat ang malaking mall sa harap namin, siguro mas malaki lang nang kunti yong mall na lagi naming pinupuntahan sa Davao, pero okay na ito.
"Sige señora, may bibilhin din po ako sa loob" si Daryl na tumabi sa'kin at natamaan pa ako ng siko niya, nag kunwari nalang akong hindi ko naramdaman dahil alam kong hinihintay niya ang reaksiyon ko dahil sa'kin siya nakatingin.
"La, pasok na tayo?" Sabi ko nalang kay lola.
"Sige tayo na dahil masyado nang mainit dito sa labas." Inalalayan ko si lola habang nasa likod sila Hanz and Daryl.
Nasa isang restaurant kami ngayon naghihintay ng order naming drinks, mamaya na daw kami kakain. I excuse my self to go to comfort room and check my self in the half size mirror, after I went to comfort room I go back and sit beside to lola. Wala pa namang ginagawa kaya naisipan kong mag paalam muna para bumili ng mga bibilhin ko.
"La, may pupuntahan lang po ako, babalik din po pag lauch time na" pag papaalam ko.
"Mag wawaldas na naman yan ng pera" bulong ng kapatid ko sa hangin pero narinig ko padin.
"So? It's my money by the way, wala kang pake" sagot ko sa kaniya, tumayo na ako at hinihintay ko ang sagot ni lola.
"Oh ayan na naman kayo ha, sige Zel bumalik ka pag kakain na tayo, dito ka na namin hintayin dahil dina ako masyado makapag lakad ng matagal" Si lola.
Aalis na sana ako nang biglang magsalita ulit si Lola, at hindi ko inaasahan ang huli niyang sasabihin.
"Zel isama mo na si Daryl, total may bibilhin din siya diba ijo ?" Tanong ni lola kay Daryl "At isapa di kapa masyadong pamilyar dito baka mapano ka"
Magdadahilan pa sana ako pero nakita kong tumayo na si Daryl at naglakad sa tabi ko.
"Sige po señora sasamahan ko nalang po muna si Hazel baka maligaw po" Ewan ko pero nong marinig ko kung paano niya tinawag ang pangalan ko ay kinilabutan ako. I really don't know pero it's my first time to got goosebumps hearing my name said by someone, is it normal? I think not.
"Tayo na?" Sabi niya at senenyasan na akong mauna, dahil sa gulat ay dina ako nakapag paalam ng maayos kila lola at di ko na rin narinig ng maayos ang sinabi ng kapatid ko.
Para akong nakalutang na naglalakad, knowing na nasa likod ko siya at nakatingin sa'kin or baka hindi? Ewan, sana nag o over think lang ako.
"Ahm Hazel... anong bibilhin mo? Mag go grocery ka ba?" Bigla akong napatigil dahil sa sinabi niya at agad na napatingin sa paligid, Oh my ghodddd! Muntik na akong mabangga sa ilang carton ng sardines sa harap ko, ganon na ba ako ka lutang? Hindi ko napansin na nasa grocery item na pala kami.
"Ah.... sorry. May bibilhin lang ako.... ahm....tama! bibili ako ng ramen, Oo.. ramen" pumipikit ko pang sabi kunting kunti nalang kukutusan ko na ang sarili ko sa harap niya dahil sa katangahan.
YOU ARE READING
My Sweetest Mistake (SKSU SERIES 1)
Novela JuvenilRich Hazel Cañaveral grew up in a wealthy family. A 19 y/old girl with a pretty face. In her last year in college, their parents decided to transfer her with her brother to the school name "Sultan Kudarat State University" A prestigious school in Su...