22

4K 161 25
                                    

22

"That was really intense."

Napatingin siya kay Doms habang pabalik na sila sa parking lot ng Euphoria kung saan nakagarahe ang kanilang mga sasakyan.

"It was!" Pagsang-ayon niya at napahawak sa kanyang dibdib, "I was not ready to see him again, Doms."

Humagikgik si Doms at pabirong binunggo ang kanyang balakang, "He never left his eyes on you, Fumi. Nakikita ko. Nakikipag-usap naman siya sa mga extra yummy din niyang friends pero kumukuha siya ng pagkakataon para makasulyap sa diyosa mong mukha."

Umiling na lang si Fumi, "Let's go home?" Lumapit siya kay Doms para hagkan sa pisngi at yakapin. "Thanks for tonight, Dominic."

Dominic hugged her back too, "Drive safely, Fumiko."

"You too."

Hanggang sa pagbiyahe ay di matanggal sa isip ni Fumi ang pangyayari kanina sa Euphoria, aminado siyang masaya siyang makita si Ivan pero naroon pa rin ang kaba na baka may nakapansin sa kanila.

"One hour, really?" Di mapakapaniwalang sambit niya nang maigarahe sa parking lot ng Towerex ang kanyang sasakyan. Halos magmanhid yata ang pang-upo ni Fumi dahil sa tagal niyang nagmamaneho.

Pagpasok niya sa lobby area ng Towerex ay sumalubong sa kanya ang masisiglang staff ng residential building. Di niya mapigilang matuwa dahil may nagpavideo selfie pa sa kanyang gwardiya at sinabing batiin ang kanyang anak dahil kaarawan daw bukas, malugod namang ginawa iyon ni Fumi.

"Good night po, Ma'am Fumi!"

Iwinagayway din ni Fumi ang kamay sa mabait na gwardiya.

Nakita niyang papasara na ang elevator kaya nagmamadali siyang tumakbo, "Wait!"

May isang kamay ang pumigil sa papasarang elevator, napangiti naman si Fumi nang lumuwag sa pagkakabukas ang elevator.

Pero laking gulat niya nang makita ang tatlong kalalakihang nandoon sa loob ng elevator.

Naghuhuramentado ang kanyang puso habang nakatitig sa lalaking pumigil na magsara ang elevator, isang lalaking asul ang mga mata.

"Hi!" The cheerful Caven at the back waved his hand. "Wow, ang gentleman talaga ni Ivan Marco. Nakakainlove. Di ba, Fumi?"

Pinigil ni Fumi na iangat ang kilay dahil nakafirst name basis kaagad si Caven sa kanya.

"Ahm, here." Napatingin siya kay Ivan na bahagyang tumabi para makadaan siya.

"Thank you." Kaagad siyang pumasok at tumabi sa may kanan habang si Ivan ay nasa kaliwa niya, tapos sina Zander at Caven ay nasa may dulo.

Pakiramdam ni Fumi ay parang sobrang bagal ng pag-akyat ng elevator sa mga oras na 'yun.

Napakislot si Fumi nang may kumalbit sa balikat niya at nakita iyon ni Ivan kaya sinamaan niya ng tingin si Caven, "Fraser, you're scaring her." His voice sounded threatening while giving him a daggering look.

Ngumisi lang si Caven habang si Zander ay napahalukipkip na lang at umiling sa kakulitan ni Caven. "Sorry. I just want to invite her."

Nangunot ang noo ni Ivan, "What are you planning huh?"

"Hah? Wala no! Baka lang gusto niya." Pumunta sa tapat niya si Caven. "We're going to continue drinking at my place, do you want to join us?"

Umiling si Fumi, "No, thank you." She smiled then looked back at that elevator's door.

HRS3: Offered a Hot Romance to the GentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon