23 (SPG)

4.2K 162 19
                                    

23 (SPG)

ALMOST TWO YEARS AGO ...

"Thank you. You will never regret meeting me here and giving me a chance to this talk." Cathy's smile became even wider and Fumi, being a Fumiko Centeno gave back her charming smile too.

Naupo si Fumi sa isang monoblock chair na nasa tapat ni Cathy, habang ang matangkad na abogado ay tumayo sa tabi ni Cathy.

"What is it that you want to say, Cathy?" Tumingala siya para tignan si Attorney Granada, "Your attorney told me it would give you a peace of mind."

Hindi pa rin nabubura ang ngiti sa mga labi ni Cathy at titig na titig kay Fumi, "It does."

Nang mapatitig si Fumi sa mga labi ni Cathy ay nakaramdam na siya ng kakaiba roon. Pakiramdam niya ay naging creepy na ang ngiting iyon ni Cathy.

Tumikhim si Fumi at pinilit maging kalmado, "What is it then?"

Nagtinginan sina Attorney Granada tapos ay tumango ang lalaking abogado. Humarap si Cathy sa kanya at nakangisi, "Magkakaroon ako ng peace of mind kung alam kong hindi ka magiging masaya sa doktor na kinakalantari mo ngayon."

Napalunok naman si Fumi, "Hindi ko alam ang sinasabi mo." Pagtatanggi niya kahit pa labis na ang kabang nararamdaman.

"Hindi rin naman siya magiging masaya sa isang tulad mo, Fumiko." May pandidiring pinasadahan siya ng tingin ni Cathy.

Tumayo na si Fumi, "Wala namang kwenta ang pag-uusap na 'to. I will go now." Pumunta sa may pintuan si Fumi pero laking pagtataka niya bakit hindi man lang kumikilos ang gwardiyang naroon. "Ahm, officer? Aalis na 'ho ako."

Wala siyang nakuhang sagot hanggang sa maramdaman niya ang presensya ni Attorney Granada sa kanyang likuran.

"You get back to your seat, Miss Centeno. My client is not yet done with you, do not disrespect her."

Kunot-noong nilingon niya ang abogado na seryoso ang titig, "Hindi ko na gustong makausap ang baliw mong kliyente." Napadaing si Fumi nang hablutin ng abogado ang kanyang braso at gigil na gigil siyang nakahawak roon, "Aray! Bitawan mo 'ko!" Nilingon ulit ni Fumi ang gwardya pero tila bingi at bulag siya sa nangyayari.

"Ah, babe. You're too rough, hindi ba dapat sa'kin ka lang ganyan?"

Umawang ang bibig ni Fumi at salitang pinupukulan ng titig ang dalawa, "Napakawalang hiya niyo, oras na makalabas ako rito isusumbong ko ang ginagawa ninyong 'to."

"Shut up." Madiing sabi ni Holden atsaka na siya hinila pabalik sa kinauupuan niya kanina. "You damn stay there. Aalis ka kapag sinabi ko nang aalis ka."

Humagikgik naman si Cathy at masamang tinitigan niya si Cathy. "I can't wait to see you miserable, just like what you did."

"Ano bang kasalanan ko sa'yo?" Hindi niya talaga maintindihan bakit tila obsess ang babaeng 'to na pasakitin siya sa buhay.

"Marami. Marami kang kasalanan sa'kin, pero kahit ganunpaman, magiging mabait ako sa'yo. This Christmas, I'll be giving you the greatest gift."

"No, thank you. Save it for yourself."

Humalakhak na tila isang baliw si Cathy, "We'll see. I'd still give it anyway."

Humalukipkip si Fumi, "What is it Cathy? Stop wasting my time."

"Hindi mo pala totoong magulang yung mga namatay mong magulang 'no?"

HRS3: Offered a Hot Romance to the GentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon