Three days, and I haven't seen every inch of Zari. Sa tatlong araw ay hindi ako napagod o sumukong hanapin sila Zar. Namimiss ko na ang anak ko, hindi ko pa nasasabi kila mommy na kinuha ni Zarius si Zari. Ayoko nang iparating sakanila dahil ayokong pag alalahin pa sila.
"Kumain ka muna," hindi ko nilingon si Dash. Kanina ay kauuwi lang namin galing Manila. We tried to search Zarius pero wala talaga. At hindi ko na alam ang lalapitan ko, even Stacy doesn't have any idea of Zarius' whereabouts.
"Vien kahapon ka pa hindi kumakain, pano mo magagawang makikita ang anak mo kung ginugutom mo ang sarili mo?" Malayo lamang ang tingin ko mula sa veranda tanaw ang bughaw na dagat. A lot of memories flashed back, sa dalampasigan unang nakalakad si Zari noon.
Naalala ko tumatakbo sya diyan, habol habol namin ni Dash.
Napatayo ako nang makita ko ang anak kong tumatakbo.
"Mama, catch me po!" Agad naman akong ngumiti.
"Zari wait for mama!" Lalakad na sana ako nang may humawak sa braso ko.
"Stop hallucinating things, Vien! Please kumain ka na kailangan mong magpalakas para bawiin ang anak mo." Kita ko ang galit sa mga mata ni Dash pilit kong binabawi ang braso ko.
"B-bitawan mo ako, Dash. Hindi mo ba nakikita? Naroon ang anak ko hinihintay nya ako!" Hindi sya lumingon sa tinuro ko.
"Tangina, Vien please umayos ka!" Dahil sa naging sigaw nya ay tila natauhan ako, nawala ang imahe ng anak ko na tumatakbo sa dalampasigan. Tumulo na naman ang mga luha ko, namimiss ko na ang anak ko. Napaupo ako dahil sa panginginig ng tuhod ko.
Naramdaman ko rin ang pag upo sa tabi ko ni Dash.
"Kumain ka na, please... We'll get Zari from him, hindi ako papayag na hindi natin mabawi si Zari. Hindi ko kaya nakikita kang ganyan, Vien. Please bring back your old self, para kay Zari. Sa tingin mo ba matutuwa si Zari kapag nakita ka nyang ganyan?" Muli na namang tumulo ang luha ko, umiling ako. Sinundan ko sya ng tingin nang tumayo sya, kinuha ang tray ng pagkain at nilagay sa harapan ko at muling umupo sa tabi ko.
Hinawakan nya ang braso ko at pinaharap sakanya, pinagmamasdan ko lamang sya na punasan ang mga luha sa mata ko. May kinuha syang towel sa mesa at pinunasan ang pawis sa noo ko.
Dahil sa sakit ng dala dala ko ngayon ay hindi ko pinansin ang ginawa nyang pag halik sa noo ko. Hindi ko alam pero ramdam ko ang magandang pakiramdam sa twing ganito si Dash, I feel secured all the time whenever Im with him.
Pinanood ko syang kunin ang bowl ng may lamang soup.
"Open your mouth." Utos nya nang tinapat nya sa bibig ko ang kutsara na may laman na soup. Wala na akong ibang nagawa kundi ang bumukas ang bibig at tanggapin ito.
Kagabi rin ay inalagaan nya ako, may sinat kasi ako. Hindi nya ako iniwan, nagalit pa nga sya kaninang umaga dahil nga pinilit ko na naman syang pumunta ng Manila para hanapin sila Zarius.
"We'll leave tomorrow morning, we'll find Zari again." Bigla nyang sabi kaya muli na naman akong nabuhayan ng loob.
"S-salamat ng marami Dashiel..." hindi sya sumagot at tinuloy na lang ang pag pakain sakin.
Pagtapos nya akong pakainin qy hinatid nya ako sa kuwarto para makapag pahinga ako. Sinunod ko nalang sya, dahil kitang kita ko na pagod na rin sya gaya ko.
Nagising ako na hinahanap na naman ang anak ko, kelan ko ba makikita ang anak ko? Pinunasan ko ang luha ko sa mga mata ko at tumayo na. Biglang may pumasok na ideya sa utak ko, tama! Kailangan kong balikan ang dati nilang bahay!
BINABASA MO ANG
The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)
RomanceLaraya Yslavien Villareal is an only daughter and living in her own fancy life. She's just a simple girl even though her family's own a lot of hotel and restaurants, she is also fond of kdramas and studies. She loves star gazing too, she would sneak...