"THIS company is paying you a lot of money and for what!?" Padabog na ibinagsak ni Jeremy ang mga folder na kapit nito "These? You call these reports progress?" Nakatiim-bagang na patuloy nito. Parang nasasakal na niluwagan nito ang necktie saka marahas na tumayo sa upuan. Bahagyang tinalikuran nito ang mga kaharap at bahagya ding ipinikit ang mga mata upang kalmahin marahil ang sarili. Pagkatapos ay lumingon itong muli at marahan na inilapat ang dalawang palad sa paikot na conference desk.
Walang sino man ang umiimik at wari'y lahat ng mga nandoon ay pigil ang paghinga. Maging si Patricia na nananatiling nakatayo sa kaniyang pwesto sa bandang likuran ng mga ito at pawang nag-oobserba lamang sa nangyayari ng mga sandaling iyon.
"I gave you enough time to settle these matters, haven't I? You even told me that everything is going well and now this?" Inilibot nito ang tingin sa lahat ng mga department heads na ka-meeting nito ng mga oras na iyon. Ang ilan ay nagpipilit umiwas ng tingin habang ang iba ay pawang nakayuko lamang.
"Paanong nangyari na hindi ako na-inform na biglang nag-back out sa contract signing ang landowner ng isang strawberry farm sa Baguio na matagal nating pinaghirapang suyuin?" Nang mamayani ang katahimikan ay nagulat na lamang si Patricia ng mas tumaas pa ang boses nito. Iyong tipong nauubusan na talaga ng pasensya. "Answer me, goddamnit!"
"S-sir kasi po last minute na po nagsabi na ayaw na pong ipagbili—"
"Kahit na! Sana sinabihan n'yo ako para ako mismo ang kumausap. Ano nalang ang sasabihin ng mga investor natin sa bagong project that we proposed to them about making a strawberry wine? How can we even have a winery if we don't have the farm?"
"E s-sir kasi po, the asking price is way over our proposed budget. Nagpilit po kasing magdagdag ng presyo 'yong may-ari ng farm, that's why the contract has been cancelled. We thought that you have been informed by the development and finance department about the changes and that you have declined the raise of the asking price. K-kaya po ganyan ang nangyari."
Halata ang galit sa mukha ni Jeremy ng dahan-dahan itong tumayo ng tuwid, dahan-dahan nitong inilagay ang mga kamay sa magkabilang gilid ng baywang nito saka medyo matagal bago muli nagsalita. Nanatili lang itong nakatingin sa hilera ng mga kasamahan nito sa mahabang mesa.
To Patricia's mind, it was the most intimidating moment in a meeting. As the silence grew longer, the atmosphere in the room became thicker, it was as if there was something caught in your throat and you can't breathe properly.
As she observes the facial expression of each employee, she deduced that most of them wanted to get the hell out of that room and go to somewhere safe.
Hindi niya masisisi ang mga ito dahil maging siya ay medyo kinakabahan din sa nakikitang galit sa guwapong mukha ng boss nila ngayon.
"Sino-sino ba ang members ng team na binuo ko? Hindi ba't kayo? Pagkatapos wala manlang ni isa sa inyo na nagbanggit sa akin na may gayan na palang usapan? And now you're pointing fingers to those people who don't really know our plan." Nagpakawala ito ng hininga saka naglakad patungo sa pinakamalapit na bahagi ng floor to ceiling na tainted glass na nakapalibot sa loob ng conference room. "I choose each and every one of you specifically for this project because I trusted that you would make a better judgment in difficult situations like this, but I guess I choose wrong. Makakaalis na kayo."
BINABASA MO ANG
Begin Again (ANAC book 2-on going)
Teen FictionJeremy Kifler is the epitome of rich, too handsome and very available bachelor. But he was also deeply scarred because the last time he fell in love, the girl ended up marrying her brother. Kaya nga ba ang dating mabait, maalalahanin at palangiting...