Aloha[2]
MANIWALA KA sa kadalubhasaan[3] ni Rudyard Kipling[4]!Hindi ako naniniwala sa kasabihan niyang:
“Ang Silangan ay Silangan
Ang Kanluran ay Kanluran;
Magkapatid silang kambal,
Magkalayo habang buhay.”[5]
Ayaw kong ipahalata sa kausap ko ang malaking pagkamangha sa pagpapasinungaling niya sa sumulat ng “The Ballad of East and West.”[6]Noon ay magkaibayo[7] kami sa isang mesa sa veranda[8] ng Waikiki Tavern[9] sa Honolulu[10] at nakikipagpaalam sa “paglubog ng araw” sa bantog na pasigan ng Waikiki.Tig-isa kaming tasa ng mainit na kapeng Haba[11] na isinasalit[12] namin ang paghigop sa pagtanaw sa malalapad na dalig[13] sa ibabaw ng malalaking alon.
Ang tanawing ito’y pangkaraniwan sa pasigan ng Waikiki, kung laki[14] ang dagat at nagngangalit[15] ang alon.Isang sport[16] ito ng mga taga-Haway[17] na sariling-sarili[18] lamang nila. Bawat isa ay maymga dalig na tatlong dipa[19] ang haba at kalahating dipa ang lapad na taluhaba[20] ang hugis. Sa ibabaw ng mga dalig na itong sumasalunga[21] sa ibabaw ng alon ay doon sila tumitindig na nakadipa ang dalawang kamayat kung minsan nama’y itinutukod ang kanilang ulo na unat na unat ang katawan na ang dalawang paa naman ang tuwid na tuwid na tila itinuturo sa langit. Ang “pangangabayong[22] ito sa alon ng mga taga-Haway” ang ipinagmamalaki sa akin ni Dan Merton, Amerikanong mamamahayag sa Honolulu noong ako’y maparaan doon.
Iyan ang dahilan kaya’t noong hapong yaon ay magkaharap kami sa veranda ng Waikiki Tavern. Palibhasa’y nagtapos sa Unibersidad ng Southern California[23] sa Los Angeles[24], at lipi[25] ng isang angkang[26] milyonaryo sa Hollywood[27], si Merton ay isang tunay na gentleman na wala kang sukat ipintas sa pakikihrap kanino man.
Nalalaman ni Dan Merton ang sakit[28]ng kanyang mga kalahi, at hindi lamang ng mga Amerikanong[29] katulad niya, kundi lahat ng kakulay nila ... ng lahat ng puti[30].
“Ako ay may ibang paniwala, kaibigan,” ang sabi niya sa akin bago nabuksan[31] ang kay Rudyard Kipling. “Ang palagay ng mga taga-Kanluran[32] ay binigyan sila ng maputing balat ng katalagahan[33] upang maging Kayumangging sumilang sa Kasilanganan[34].Ang kasaysayan ng sangkatauhan ay aking pinag-aralan.Ngunit kailanman ay hind nabanggit sa mga aklat kong napagaralan ang mga tagumpay sa panitikan ng isang Rabindranath Tagore[35] at ng mga tagumpay sa karunungan ng mga dalubhasang Hapones na kinukusa nilang itago. Balang araw ay naasahan kong isa namang Pilipino[36] ang maririnig nating magwawagi kung di sa pulitika ay sa kabuhayang pandaigdig. Makikita mo kaibigan![37]”
Kinakailangan kong tumungga ng kape at sundan ng hitit ng sigarilyo upang huwag mahalata ni Merton na ako’y pinanunuyuan ng laway[38] nang mabanggit niya ang ukol sa aking kalahi.Diyata’t[39] may isang Amerikano pang gaya nito na umaasang balang araw ay may isang Pilipinong magkakaroon ng isang katangiang pandaigdig[40]? Diyata?
Pasasalamatan ko sana si Merton sa kanyang mabuting hangad sa aking kalahi, datapuwa’t[41] doon nga nga nabanggit ang “pagkaligaw”[42] ni Rudyard Kipling sa pagkasulat ng kanyang kasabihang[43] ngayo’y palasak[44] na sa buong daigdig.