My Only Player

180 5 0
                                    

Nakapila ako ngayon sa labas ng gym ng University namin dahil may laban ng basketball mamaya. Nasa kauna-unahan pa ako ng pila at todo paypay dahil sa init. Gusto ko kasi talagang makanuod at makakuha ng upuan na malapit sa mga players.

BAKIT?

Star player kasi ang all time crush ko na si Sky Sy. Iniisip ko pa nga lang siya kinikilig na ako. Gumawa pa ako ng napaka laking banner na may nakalagay na

"I LOVE YOU SY! #8 FOREVER"

imbis na mag aral ako ay pinag puyatan ko tong gawin.

Sa tuwing makakasalubong ko siya sa University namin, hindi ko na pinapalampas ang pag kakataon para makapag pa-picture kasama siya. Sobrang dami ko na ngang album na napuno ng picture naming dalawa eh.

Kaya lang, sino nga ba ako para sakanya? Di hamak na isang die-hard fan na walang ginawa kundi mag papicture at mag papansin. Feeling ko nga namumukaan na niya ako eh. Kilala nga niya ako pero sa muka lang.

Ayos lang yon, tanggap ko naman na hanggang tingin lang ako sakanya. Langit siya, lupa ako ang drama naming dalawa.

Nag simula na yung game at todo cheer naman ako sakanya.  Nagagalit pa nga yung mga tao sa likod ko kasi ang laki daw masyado ng banner ko natatakpan ko na yung view nila. Tsk! KJ. Pero di ko nalang sila pinansin at nag patuloy lang sa pag cheer kay Baby Sky.

Natapos ang laro at alam ko naman na si Sky ang nag panalo. 24 points and 16 rebounds. DIBA ANG GALING NIYA? Lalapit na sana ako sakanya para makapag pa-picture ulit nang marinig ko ang sabi ng teammate niya sakanya.

"Oy pare, andyan nanaman yung obsessed sayo. Mag papapicture nanaman. HAHAHAHAH!"

Tawanan silang lahat pati nga siya kasama sa mga tumatawa eh. Pero alam niyo yung mas masakit? Ang  marinig ang mga masamang salita galing mismo sa bibig niya....

"Feeling ko nga gagayumahin niya ako para mapansin ko lang siya eh."

Hindi ko na kinaya yung mga naririnig ko kaya tumakbo na ako palabas ng gym, kusang nag patakan ang mga luha mula sa aking mata. Dahil to sa sakit ng nararamdaman ko. ANG SAKIT, ANG SAKIT SAKIT. Tanggap ko naman na hanggang tingin nalang ako sakanya eh, pero di ko inakalang ganoon ang tingin nila sakin.

Mag mula sa araw na to pinapangako ko sa sarili ko na hindi na ulit ako manunuod ng mga basketball game nila ever.

Tuwing makakasalubong ko siya sa hallway dirediretso lang ang lakad ko ng parang walang nakita. Siguro naman masaya na siya na wala yung babae na kulang nalang eh gayumahin siya. Hmpf.

Naglalakad ako ngayon papuntang library para mag aral at aware naman ako na may laro sila mamaya. Mag-aaral nalang ako kesa aksayahin ko yung oras ko kakapanuod at kaka-cheer sa mga walang kwentang players na yan. Bitter na kung bitter. Wala akong pake. Nasaktan ako eh.

Nag susulat lang ako ng mga notes ko ng may narinig akong nag chichismisan sa kabilang table.

Girl 1: Ano kayang nangyayare kay Sky?

Girl 2: Oo nga eh. Parang lutang.

Girl 3: Siya pa yung muntik mag patalo sa last game nila.

Girl 1: Wala kasing focus. Walang ginawa kundi tumingin sa audiences.

Girl 2: Ay napansin ko din yun girl! Parang may hinahanap.

Di na natapos yung usapan nila kasi sinaway sila ng  librarian. BUTI NAMAN. Dahil sakanila hindi ako makapag aral ng mabuti. Ang iingay, puro nalang Sky Sy  naririnig ko kahit saan ako pumunta.

*TING TING TING* tumunog ang speakers sa buong building namin.

"Announcement: Calling for the attention of Miss Candy Cruz from first year college of tourism, please proceed to the gymnasium now."

"I repeat, calling for the attention of Miss Candy Cruz from first year college of tourism please proceed to the gymnasium now."

WTF? Anong kailangan nila sakin? Bakit nila ako pinapapunta don? Dahil sa bigla ko, tumakbo na ako papuntang gym.

Pag dating ko half time. Lamang na lamang yung kalaban. May nag salita sa mic. Boses yun ni Sky.

"Amateur player palang ako pero may isang taong todo suporta sakin. Dati siya lang ang tanging nakakapansin sakin. Lahat ng laro ng team namin hindi siya pumalya sa panunuod. Siya ang naging motivation ko."

Ano naman kaya pinag sasabi nito?

"Ginagalingan ko talaga ang laro ko kasi gusto kong mag pasikat at alam kong manunuod siya. Akala siguro niya hindi ko siya napapansin pero lagi akong todo mag pabango at nag lalakad sa building nila kahit wala akong klase don para lang mapansin niya dahil alam kong lalapit siya sakin para mag pa-picture."

Nag tilian naman yung mga babae sa loob ng gym na to. Ang lalandi, hindi ko alam kung bakit pa ako pinatawag dito. Nag simula na akong mag lakad dahan dahan palabas pero naririnig ko padin yung sinasabi niya.

"Pero dahil sa isang lokohan naming mag teammates nawala ang lahat ng yon. Sorry na. Sorry na sa sinabi ko, kung alam mo lang sana na gustong gusto kita hindi na sana umabot sa ganito."

Napatigil ako sa pag lalakad.

"Please be my girl Candy Cruz."

Pumunta ako kung nasaan siya habang naluluha sa saya, nakita ko siya na naka ngiti ng sobra. Lumapit ako sakanya at bumulong.

"You're my only player."

My Only PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon