Kabanata 30

190 3 0
                                    


The next day I went to Greyson's company. I still have that fucking contract. Hindi na nga lang niya ako assistant dahil nasa under ako ng department ng Medina-Gomez partnership.


Mukhang sukang-suka na ata siya sa mukha ko at inilipat na lang ako. Mas mabuti 'yun dahil naiinis ako.


Palapit ako sa office ni Grey para ibigay kay Ate Lisa ang file na kailangan ng pirma niya nang biglang bumukas ang pinto.


"Tanya! Wow, nandito ka." Masayang sabi ni Carly. Ngumiti lang ako at binati siya pabalik.


Nakita ko naman na nakahawak siya sa braso ni Grey habang si Grey ay masama ang ibinigay na tingin sa akin. Anong problema nito?


"Maglulunch lang sana kami ni Grey, gusto mong sumama?" Nakangiting tanong niya at mukhang nangaasar pa.


"No thanks, marami pa akong trabaho." Sambit ko at nakita kong bumulong si Grey ngunit mukhang hindi narinig ni Carly dahil mahina lang 'yun. Sadyang malakas lang ang pandinig ko at nabasa ko sa buka ng bibig niya.


"Baka tinatrabaho?" Mahinang bulong niya. Mas gusto ko siyang maasar kaya sinakyan ko.


"Alam mo na Carly, bukod sa busy sa trabaho, may tatrabahuhin rin akong importante, sa tagong lugar." Sambit ko at nakita kong namula siya at tumawa. Nakita ko naman na mas lalong dumilim ang tingin ni Greyson.


The development nga naman, parang dati lang, hindi siya makatingin sa mata ko at sa sapatos ko lang siya nakatingin, ngayon ang sama na ng tingin.


"Sige mauna na ako, marami pa akong tatrabahuhin." Sabi ko at ngumiti ng matamis.


"Ikaw talaga, Tanya! Sige na, good luck with your work then?" Biro pa ni Carly at umalis na ako.


Nag asikaso ako ng mga legal concerns and other files bago kumain magisa. Sanay naman akong kumain. I don't need anyone. Chos!


May photoshoot akong inaasikaso dahil under siya ng Medina but endorsement under his company.


"Miss Tanya, paki-convince nga yung model, ayaw kasing sumunod. Naiinip na ang photographer pati na rin si Sir Gomez." Sabi ng assistant at mukhang nagpapanic.


Trabaho ko ba 'yan? Legal concerns ba 'yan? Sinunod ko pa rin dahil wala naman akong magagawa kung hindi sumunod.


"Nasaan ba?" Tanong ko. Ano kaya ang sasabihin ko? Kakasuhan ko siya kapag hindi sumunod?


"Nasa dressing room 5" sabi niya at dumiretso naman ako ro'n.


Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Nakita kong nasa sofa ang model at nakaupo habang gumagamit ng phone.


"Sir, your presence is really needed na po dahil aalis na ang photographer in a few if hindi pa kayo lumabas." Sabi ko at napatigil siya at napaharap.

Surrendering Dreams (Amor Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon