Pangarap Lang Kita ✳Prologue

24 2 0
                                    

Pangarap Lang Kita

Written by: DejesusKj

PROLOGUE:

"Hindi mo nga alam kung kilala ka ba niya eh.My god Aya, gising please!Mukha ka ng tanga eh!"

Yan ang tinuring kong napakasakit na narinig ko mula sa best friend kong si Gelo.

Pero wala akong pakialam sa sinasabi ng iba.Kaya kong gawin ang lahat makita ko lang ang iniidolo ko araw-araw.Kahit na magpaka-tanga ako,kakayanin ko.

Wala akong ibang ginawa araw-araw kundi ang tanawin mula sa malayo ang iniidolo ko.Minsan nga eh nagiging desperada na ako.Ganyan naman talaga kapag nagmahal ka diba?

Tuwing break,sinusundan ko siya.

Tuwing recess,nasa hindi kalayuang table lang ako at tinatanaw siya.

Tuwing uwian,palihim akong sumasabay.

Tuwing nakikita ko siya,parang buo na ang araw ko.

Tuwing ngumingiti siya,mas lalong nahuhulog ako sa kanya.

Hindi ko alam sa bawat segundo,minuto,oras,at araw na nagdaan kung ano na ba tong nararamdaman ko.

Basta isa lang ang alam ko,hindi ko kayang mabuhay ng hindi siya nakikita.

"Adrian Tan,...m-mahalin mo ko please!!"

"Naka-shabu ka ba miss?Pa-rehab ka muna at saka mo na ako kausapin.Ge"

Isa siyang bituin sa langit na pinapangarap kong abutin ngunit sadyang hindi ko kaya.

Prinsipe siya,taong-riles naman ako.

Ginto siya,stainless naman ako.

Mamahalin siya,mura naman ako.

Lee brand siya,samantalang kung anu-anong brand lang ako jan sa tabi-tabi.

LPG gas siya,uling lang ako.

High heel siya,flat heel lang ako.

Langit siya,at..... ..lupa naman ako...

Sa kabuuan,sadyang hindi kami bagay.

Ewan o pano ko siya pinangarap ng sobra-sobra kahit na hindi niya alam na may nilalang na tulad ko na nabubuhay sa mundo.

Kung sakaling magustuhan niya ako o magkatuluyan kami,sinasabi ko sa inyo na tumakbo na kayo...dahil sira na ang mundo pag nagkataon.

Isang apoy at ulan pag pinagsama, tanging ang ulan ang natitira.Siya ang ulan at ako ang apoy na hindi maaring magsama.

O magiging isang araw at buwan ba kami?

Ang araw at buwan na pwedeng magsama sa iisang langit sa tinatawag na eclipse.

Dear Idol,
I exist,too.
Love,Aya

***

Pangarap Lang Kita

©DejesusKj

All rights reserved.

Pangarap Lang KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon