How to Steal the Badboy FANFIC

60 2 1
                                    

Allyssa Schnydhere

Hi! Im Allyssa Schnydhere pero my friends call me Allay. Tapos pag trip kong maging totyaal Schnydhere ginagamit kong name. Hindi ko din alam kung saan galing yung name ko kasi never ko namang tinanong sa parents ko. Ansaya dba?

So, ayun nga, may friend ako sa facebook na nag-ngangalang Gabriel Dash Aldea. Marami siyang fans at isa na ko dun. Ang gwapo kaya niya and Ive heard, wala daw siyang girlfriend kasi head over heels siya kay Kelly na may mahal nang iba. Paano ko nalaman? well, ginastalk ko sila every day. Di ko alam kung taga saang lupalop ba sila sa galaxy pero Im pretty sure na mga ritskid sila. Based on their posts and language. charot.

Pagkagising ko kinaumagahan, magang maga mata ko. Ayan napapala ng mga taong nagbababad sa computer para lang magfacebook. Tinry ko ding tapusin kasi yung story na ginagawa ko pero tang ina tlaga di ko matapos tapos.

Late na ko sa school kaya naman nagmadali na kong magbihis at maligo. Nakuuu. di nanaman ako makakabreakfast nito. Bago ako pumasok, nagfacebook muna ako ng mga 5 minutes tapos may nakita akong post:

Gabriel Dash Aldea is traveling to Cagayan De Oro

Shyet na malagkit! ano to? 3 hours away lang ang CDO samin. Gusto ko sanang pumunta dun at wag nang pumasok pero wala naman kasing sense. Anlaki kaya ng place no! Charot.

Pumasok na ko sa mga klase ko. Pero grabe sobrang nakakaantok. Bigla kong naisipang lumabas nalang. In short, magskip ako ng classes. nakaattendance na naman ako ey. Ansaya kaya nun. Present ka pero absent ka. Gets niyo ko? :3

While I was walking, sa sobrang lamig ng paligid kasi andito ata si Elsa ng frozen at mala-lapresa ang peg namin pero wala namang strawberry ni Trisha, biglang may nakita akong approaching na HOT PAPA. Hindi siya familiar na mukha kasi lahat ng gwapo dito sa campus, kilala ko. Pero parang newbie tong isang to. Charot. Crush of the week na ituuuu.

Tumigil ako sa paglalakad kasi nakita ko siyang papalapit sa direksyon ko. Kapag mabango scent niya, susundan ko siya pero pag wala, kakalimutan ko na siya. Grabe naman mga desisyon ko sa buhay. Umalis ako sa klase ko para lang lumandi. Hahahaha malay mo, spark na ituu.

Malabo kasi mata ko kaya di ko as in makita yung mukha niya pero ang alam ko maganda body build niya kaya gwapo siya. Nakuu. dinadaan sa katawan ayan tayo ey. KATAWAN KO LANG ANG MINAHAL MO SAKIN ang magandang title ng story.

Omg...

This cant be happening....

Si....

GABRIEL DASH ALDEA? 

Napasigaw naman ako dun. Nashock ako okay? :c Di ko inexpect. Anlayo naman ng CDO sa MSU. Hello! At CDO yung post niya. nananaginip ba ko o kakambal lang niya to? Pero nilapitan niya ko at tinanong kung kilala ko ba daw siya. Sabi ko, oo kasi crush ko yung kapatid niya. sino nga yun? si Jale? June? July? Jugust? Jeptember? Charot. nakalimutan ko! Ey syempre siya naman crush ko hindi yung si James ba yun? Siya ata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meeting the Good BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon