Sky's POV
"Kyah! Omg! Parating na sila!"
"Ang a-astig nila noh!"
"Peyton!"
"Vandish!"
Inikot ko ang mata para iwasan ang mga nakakarindi nilang mga sigaw. Tsk! Bakit kailangan pa nilang sumigaw? Mga papansin talaga! Nakakabwesit.
Imbes na pansinin sila? Niyuko ko na lamang ang ulo ko. Pinagpatuloy ang paglalakad habang nasa loob ng bulsa ng pantaloon ko ang dalawang kamay. Wala akong pakialam sa mga babae na 'yon, nagpapansin lang naman ang alam. Wala ba silang klase? Bakit ang hilig-hilig nilang sumigaw araw-araw? Hindi ba sila napapagod?
Tangina! Mal d'orecchi!
Vandish and Peyton are both behind me, they are talking. They also doesn't care about the students shouting in front of us. Annoying pathetic bitches! Fvck.
Nang marating na namin ang classroom namin. Nauna akong pumasok, sinuot ko sa tenga ko ang headphones para hindi marinig ang mga sigawan nila, nakakabwesit kasi. Hanggang dito ba naman sisigaw parin. Walang kapaguran.
Padabog akong umupo sa upuan ko dahilan nang pag lingon ng babaeng katabi ko. Sobrang sama ng tingin niya sa akin pero akala niya naman matatakot ako. Inirapan ko siya, she's beautiful but who the hell I care? At teka bakit may tanginang katabi ako?!
Tinanggal ko ang headphones sa tenga, tinaas ko ang kamay para agawin ang atensyon ng teacher naming matanda.
"What is it, Santford?" Taas kilay niyang tanong. Palihim naman akong umirap, sarap ipatanggal sa eskwelahan.
"Anong ginagawa ng babaeng 'to sa tabi ko? How many times do I have to tell you old woman na ayoko na may katabi! Gusto mo ba talagang tanggalan kita ng trabaho?" inis na tanong ko sa ulyanin naming guro.
"Pase-"
"Pasensya? Kapag hindi pa 'to umalis sa tabi ko? Sisipain ko 'to, you choose!" timping sigaw ko dahilan nang pag tayo ng babaeng katabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi siya nasindak, sa halip ay malakas niya akong tinulak kaya't napasandal ako sa mesa. What the fvck!
"What the fvck are you doing huh?" galit na tanong ko at akma na sana siyang hahawakan sa kwelyo nang bigla niyang suntukin ang mata ko.
"Hindi ka hari rito, Santford, kaya 'wag kang mag mataas! Hayop ka ah! Manang-mana ka sa tatay mong mama-" of course I didn't let her finish her fvcking words. Mabilis kong hinawakan ang leeg niya, diniin ko siya sa pader habang ang mga wala naming kwentang mga kaklase nagkagulo na. How stupid!
"Baka nakakalimutan mo kung sinong binabangga mo? Gusto mo bang malaman kung paano ako pumatay ng tao, Rain?"
Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya. Naramdaman ko rin ang panginginig niya. That's it baby, you should feel afraid of me. Mapag-mataas akong tao OO, pero wala akong pakialam.
"Kaya kitang patayin sa isang pitik lang din, Rain Celeste Velasquez, I'm not scared of your father."
***
Third Person's POV
"Saan ka pupunta, Sky?" tanong ni Peyton sa kaniya nang makita nila itong tumayo bigla. Parang wala sa isip.
"Why?" tanong nito.
"May meeting daw mamaya sabi ni Zack,"
"Babalik din naman agad ako. May kailangan lang muna akong tapusin." sagot ni Sky 'saka lumabas ng opisina. Ni hindi man lang hinintay na sumagot ang kaibigan.
Bumuntong hininga si Peyton sabay iling ng kaniyang ulo. Hinding-hindi niya na talaga mapipigilan ang kaibigan sa gagawin nito. Alam nila kung anong nangyayari ngayon kay Sky, gusto nilang tumulong pero halatang ayaw ni Sky. Gusto kaso nito sarilihin ang problema.
"Where's Sky?"
Nabaling ang tingin ni Peyton sa pinto nang marinig ang boses ni Zack. May hawak itong bat sa kamay at may kaunting pasa sa mukha si Zack.
Kumunot naman ang noo ni Peyton. "What happened to your face? Bakit may dala kang bat?"
"May mission' pinagawa sa akin ang leader. Mabuti na lang ito lamang ang natamo ko. Tangina! Ang titigas ng bungo ng mga batang 'yon," sambit nito 'saka umupo at nilapag ang hawak na bat. Napangiwi naman si Peyton, mabuti pa ang kaibigan niya may mission habang siya naman ay wala pang natatanggap na imbitasyon mula sa leader.
"Bakit?"
"Such an eyesore."
"May mission ka pa bang gagawin?"
"Pang huli na 'to, kailangan ko rin kasi ng pera,"
"Kailan ka lilipat ng university?"
"Lilipat na ako bukas,"
"Are you sure about this?"
Nilingon ni Zack si Peyton 'saka dahan-dahang tumango. Alam niya kasing malapit ng maglaho ang lahat. Kayat habang maaga pa ay gagalaw na siya. Ayaw niya rin naman tumagal sa labas dahil sakit lang ng ulo ang bigay niyon sa kaniya. Kailangan niya rin mag-aral para maipasa sa kaniya ang mana ng kaniyang pamilya.
"Yeah. I really have to." sagot niya.
"But, how about Lana?"
"Kaya niya naman ang sarili niya sa Tinago. Malaki na 'yon,"
Tumawa si Peyton. "Spoiled-brat eh?"
"Tss..."
***
Ayan! Manang-mana sa tatay na walang kinatatakutan. By the way! Welcome to my world bbies! Hope you like this story. Tinapos ko talaga ang story dahil may mga bago pa akong stories. Labyah!
![](https://img.wattpad.com/cover/230815745-288-k853247.jpg)
BINABASA MO ANG
BS04: Hiding The Killer's Son (Under Editing)
ActionWalang kinatatakutan si Skie Vernon Santford. Simula noong iniwan siya ni Vena, nag-iba ang kaniyang ugali, hindi na ito ang taong naging parte ng kaniyang buhay. Harap-harapan siyang sinaktan. Muntikan pang mawala ang bata sa kaniyang sinapupunan...