"Kappu Poteto tayo" alok ni Yve, tumingin ako nang masama sakanya, "gaga, I'm broke" I informed her.
Ngumiwi siya at tinignan si Abcde na katabi kong naglalakad, "What?" Abcde sharply asked.
"Anubayan, dali na libre ko kayo" pag pupumilit ni Yve, ngumiti ako kay Yve "Dapat kanina mo pa sinabi" I laughed.
"Apaka buraot mo talaga no?" Ismid sakin ni Yve.
"Atleast busog"
Naglalakad kaming tatlo papuntang canteen nang school namin since its lunch and since maliit lang yung school and we got there in no time.
Tumingin ako kay Yve na bumibili nang turon, sinamahan lang talaga namin siya since I don't usually eat sa school para makatipid ako sa pera but Alec doesn't really like my idea.
I am not poor nor rich, sakto lang. Nakakakain at may bubong sa ulo but ofcourse tinuruan ako ni mommy na mag save if may gusto akong bilhin, kahit from my baon muna since wala pa akong trabaho.
But magastos ako so I usually spend my money to stationeries, clothes, and tints.
Pero pinaka magastos saming tatlo is si Yve, sobrang gastos na 1k nauubos sa isang araw into some non sense na mga bagay. Kaya minsan binabatukan nalang namin.
"Ate dalawang turon, mainit ba te?" tanong ni Yve kay ateng canteen-er.
Si abcde naman she usually hooks with the boys, every time we go to a new place boys would ask for her facebook, insta or number. Well maganda naman siya kaso lalaki ulo kapag sinabi ko kaya no thanks.
pero ang ayaw niya is yung pangalan niya, most people specially strangers prounounce her name as A-B-C-D-E. Alphabetically.
but its usually pronounced as Ab-si-dee, she hated her parents for that before pero nasanay nalang siya at hindi na ininda ang flaw nang kanyang pangalan. I find it very unique and nice kapag naprounounce nang tama.
"Jowa mo nasaan?" Tanong ni aella (abcde)
"Nasa school niya?"
"Gaga kala ko pupunta ngayon?"
"Ewan?"
Tumaas ang kilay ni abcde atsaka binaling nalang ang ulo kay yve.
"Ano tapos ka na?" Nakapamewang na tanong ni abcde kay yve, umiling si yve at itinuro yung isa pang stall sa canteen.
Umirap nalang si abcde at sumunod kay yve. Ang funny pa is kain nang kain si yve pero di naman tumataba, sana lahat nalang.
Pagkatapos namin sa canteen agad kaming pumunta nang classroom nang malaman namin ang tagal namin sa canteen para lang dumaldal.
"Eto kasi si Yve apakabagal kumain" reklamo ko habang naglalakad nang mabilis. Hindi kami makatakbo dahil may cctv and baka sitahin kami nang guidance counselor.
"Ayaw niyo yun atleast sama sama tayong mapapagalitan, yieee GOLAS" sagot ni yve
Golas ang tawag namin sa goals dahil sa typo, I chuckled nung maalala ko ang memory na yun.
"Gaga" sabi ni abcde
Napailing nalang ako at pumasok sa classroom nang hingal.
Mabuti nalang at hindi kami pinagalitan nang teacher.
Tinignan nang masama si yve dahil may dala dala siyang turon.
Napaismid nalang kami ni abcde at bumalik sa upuan habang si yve, ayun nastuck sa mga buraot na kaklase namin.
Matapos ang classes kinuha na namin ang mabibigat naming backpack, "bakit ba kasi walang locker dito, hindi tuloy natuturuan nang responsibilty ang students" reklamo ko
YOU ARE READING
Amidst The Venture (G-series: G)
Teen FictionMia enters a whole new life as she went to the big city, university, new people, new schedule, new place, new friends, new environment, and definitely new problems ahead. When Mia was caught between choosing two hearts or her future, she breaks up w...