"Hi baby goodmorning gising ka na mamahalin pa kita"
Nagising ako sa alarm ko na napakalakas."Hay nako ang ganda na ng panaginip ko e, akala ko talaga si baby Draven na". Reklamo ko habang nag-uunat.
This is my first day of school and I'm so excited to see my superduperultramadapakeng crush.
Siya si Draven Carl Montemayor, crush ko s'ya since JHS hanggang ngayong SHS na kami.
Nang malaman kong same school kami syempre tuwang tuwa ang lola nyo HAHAHAHA charot.
Ang kinalulungkot ko lang e di man lang nya ako matapunan ng kahit isang sulyap. Nako s'ya para siyang tumanggi sa grasya HAHAHAHA.
Ayaw nya ba mahawakan ang isang Kai'sa Grace Stewart? Yes that's my name, yung first name ko nakuha ng daddy ko sa favorite character n'ya sa League of Legends adik daw siya mag computer dati e. Yung Grace naman syempre grasya, o diba nasa pangalan ko na ang grasya.
Habang naglalakad ako papuntang school may biglang tumawag sa'ken "Kai" napalingon ako. Nakita ko ang kaibigan kong malakas ang amats.
Siya si Lance De Leon, kaibigan ko sya since elem.
"ano?" pasinghal kong sabi.
"noo" he replied.
"kahit kelan talaga hindi ka makausap ng maayos 'no?" sabi ko at nag diretso ako paglalakad.
Epala talaga lag--- "ARAY KO", sinapak nya lang naman ako.
"Ano bang problema mo? ang aga mo mambwiset ha" mataray kong sabi.
"E bakit ba antaray mo? ang aga mo magtaray ha" sabi nya na halos kagaya ng tono ng sa'ken. Epal talaga
"Kase nakita kita" inirapan ko s'ya at naglakad na lang.
"Intayin mo'ko Kai" sigaw n'ya.
Nang makarating kami sa school andaming tao tapos ang ingay pa, napabusangot ako sa inis.
Napalingon ako sa kaliwa at parang nawala lahat ng inis ko sa katawan, parang nagliwanag ang buong paligid at parang bumagal ang lahat.
"Ang pogi n'ya talaga" sabi ko habang nakatitig sa isang lalaki na nakasandal sa pader habang nagbabasa ng libro.
"Baka matunaw" may bumulong sa'ken. Nang tingnan ko nakita ko si Lance.
"Alam mo ang epal mo talaga" hinampas ko s'ya sa balikat.
"ARAY MAMATAY NA ATA AKO TULONG" sabi n'ya habang umaarte na sobrang nasasaktan.
"OA ampucha, ganti ko lang yan sa kanina" sabi ko.
"Ganti mo muka mo" he replied.
Inirapan ko s'ya at napatingin ulit sa aking superultramadapakeng crush. Nanlaki ang mga mata ko, totoo ba 'to? nakatingin s'ya sa'ken? OMG LORD BAKIT AMBAIT N'YO WAAAAHHHH!
"Draven" biglang may tumawag sa kanya, nagdatingan na pala ang mga tropa n'ya at natabunan na s'ya.
"Ano ba yan andaming epal" bulong ko sa sarili ko.
"Tara na nga Lance" inis kong sabi, ngunit walang sumagot.
Pagkatingin ko sa tabi ko e wala na palang tao. "Anak ng sisiw iniwan pa ako dito".
Naglakad na lang ako mag isa papuntang classroom namin. Nakita ko si Lance na anlakas lakas tumawa habang nakikipag kwentuhan, kaklase ko nga pala ulit 'tong hatdog na 'to.
Umupo na lang ako sa may malapit sa bintana, syempre kung sakaling dumaan sa corridor si Justin edi makikita ko s'ya, antalino ko diba? HAHAHAHAHA charot.
Pagtingin ko sa labas nakita ko s'ya, shit ang bilis naman tuparin ni lord ang kagustuhan ko.
"Carl" may malanding tumawag sa kanya. Kumapit ang stupid madapaker sa braso ni Draven.
Ang landi talaga nyang Aubrey na yan. Sa inis ko nahampas ko ng malakas ang arm ng upuan.
Biglang tumahimik ang paligid at napatingin ako sa mga kaklase ko, nakatingin silang lahat sa'ken na parang gulat na gulat.
"hihi" bigla kong ngiti sa kanila. "Epal naman nung lamok kinukuhanan ng dugo yung upuan" pagpapalusot ko habang hinahampas hampas ang upuan. Shit nakakahiya epal kase nung bitch na yun.
Buti na lang dumating na ang teacher namin at nag upuan na ang lahat.
"Goodmorning everyone" sabi ng teacher namin.
"Goooodmooorning ma'am" sabay sabay naming bati.
"I am Luciana Reyes" pagpapakilala n'ya. Mukang matandang dalaga antaray pa. "Okay class introduce yourself first". Nagsimula nang magpakilala ang isa't isa.
"Next" nakatingin s'ya sa'ken ako na pala potek lutang ako kakaisip HAHAHA.
"My name is Kai'sa Grace Stewart, 17 years old at naniniwala sa kasabihang kung kaya ng iba, ipagawa mo sa kanila" nagtawanan ang lahat maliban sa matandang dalaga na nakatitig sa'ken at parang gusto akong kainin.
"Sit down"she said.
"Next" tumayo ang loko loko kong kaibigan at kinindatan pa ang teacher namin. Tanga amputa HAHAHAHA.
"Hi my name is Lance Stephen De Leon, 17 years old at ako na ata ang pinaka pogi sa buong pinas" he said and nagpogi sign s'ya.
Ang kapal talaga ng muka pucha HAHAHA. Umupo na s'ya at hinarot yung katabi nyang babae na tuwang tuwa naman.
"Okay class, that's all for today" sabi ni Ms. Reyes at umalis na rin.
"Hoy Kai tara na" lumapit si Lance sa'ken.
"Saan naman tayo pupunta?" I said.
"Computer tayo hihi" ngumiti s'ya na parang tanga.
"Anak ng sisiw, first day na first day pag computer agad aatupagin mo?" sabi ko.
" E ano naman? Wala pa namang gagawin a, tsaka ambobo mo walang anak ang sisiw WAHAHAHAHA!"tumawa s'ya na parang tanga.
"Sige na nga basta ikaw ang magbabayad ng oras ko ha?" inakbayan ko siya.
"Pucha ang cheap mo naman" sabi n'ya at pinitik ang ilong ko.
"Aray ko, tara na lang kase" sabi ko.
Tumakbo s'ya bigla "pag naabutan mo'ko ililibre kita HAHAHA".
Hinahabol ko s'ya nang may bigla akong nabangga. Napatumba kaming dalawa.
"Aray ansaket" sabi ko habang hawak ko ang balakang ko. Tiningnan ko kung sino ang nabangga ko at laking gulat ko sa nakita ko.
OMG!! nabangga ko si Draven shit!! totoo ba 'to? nagdikit kame? aaahhhh.......
YOU ARE READING
I'm in love with a Gamer
RandomA girl named Kai'sa Grace Stewart is a senior high school student who fell in love with her co-gamer.