Nahalata ni Micah ang utay-utay na pagkabalisa at hindi komportableng Yna na kagyat nalamang sumama ang tingin habang minamasdan ang dalawang lalaking naghaharutan.
Sa pagsenyas ni Micah, naintindihan agad ni Keith at Pipe ang kaniyang pahiwatig kaya—
"Pero yung totoo niyan, I also like girls." nilusot ang gusot dahil hindi nila nais na hindi sila magkaintindihan sa unang pagkikita pa lamang.
Napawi ang pagkayamot ni Yna sa isinaad ni Keith dahil higit lamang na ayaw niya sa isang tao ay ang mapag-panggap.
Sa tanang-buhay niya, siya'y nilalayuan na ng mga tao sa oras na mabatid nila na siya ay naiirita ngunit nalilimitahan sa mga homosekwal lalo na sa mga bading. Subalit hindi ito homophobe o mga taong takot, ayaw at nangdi-diskrimina laban sa homosekwalidad.
Kaya laking gulat at galak na lamang ni Yna dahil sa kauna-unahang pagkakataon, mayroon na ring nakaintindi at nanatili sa kabila ng kaniyang kondisyon.
"I really feel talaga, pinagtagpo-tagpo tayo ng destiny!" pagbasag ni Micah sa natahimik na pagkukulitan, "Super lucky kayo saken 'cause magkakaroon kayo ng friend na may pretty face at sexyng body. So! Ako na bahala sa mga kaartihan niyo. Ano ba gusto niyo? Gucci? LV? Armani? Fendi? I got yah!" mukhang maarte lang talaga magsalita si Micah ngunit kung makikita mo lang ang mga kumpas ng kaniyang mga kamay, ekspresyon habang nagsasalita at kakalugan na pag-uugali nito, hindi mo siya kamumuhian bagkus matutuwa ka pa sa kaartihan niya. "Specially you, Yna. Putla mo friend!" napahawak nalang si Yna sa kaniyang pagmumukha na tila nagtataka pa kahit kitang-kita at halatang-halata ito sa pisikal na pag-aayos. Nasanay na rin kasi ito na simple lang at walang kaarte-arte at kakolo-kolorete sa katawan na hindi na karaniwan sa mga kababaihan lalo na sa panahon ngayon. May iilan man ngunit bilang na lamang at isa na siya roon.
"Basta pag kailangan niyo lang ng boys..." tinuro ni Keith si Yna at Micah ng maligalig, "or girls..." idinuro naman si Pipe, "Tawagan niyo lang si Mr. ugh-ah-ahh! I'm one call away." maringal niyang alok sa tatlo na kanilang ikinagulumihan kung anong maaaring itugon matapos ng mga kaniyang sinabing mangayupapang salita. Kung maiinis ba, dahil sa kahambugan o Matatawa dahil sa walang limit at napaka-tapat na bunganga.
"Sabi ng parents ko, swerte daw ako." pinagtawanan lang ng tatlo at tila hindi nila nais na maniwala sa iwinika ni Pipe, "Totoo man o hindi, gusto ko i-share sa inyo ang swerte ko." sa simpleng pagsasalita lang ni Pipe, tiyak na mararamdaman mo ang katapan sa bawat salitang kaniyang ibinibigkas at kusa ka na lamang mahahawa sa napaka-aliwalas at napaka-cute niyang ngiting dala.
"Lucky Charm ka friend?" pabirong saad ni Micah.
"Lucky Charm niyo." malambot at halatang lansak ang kaniyang ibinatid.
Napangiti ang tatlo dahil lubos nilang naramdaman ang katotohanan sa likod ng mga katagang sinambit ni Pipe.
Isa na lamang ang hindi pa nagsasalita kaya nilingunan ng lahat ang hindi makabasag-pinggan na Tsina.
Nabatid niya agad ang nais na ipahiwatig ng tatlo dahil na rin sa mataas ang IQ nito.
"I think..." ang tahimik na Yna ay nag-wika, "Thai, Korean, Filipino and Chinese..." isa-isa niyang tinuro ang tatlo ayon sa kanilang lahi, "might be a good combination." maigsi ngunit sapat na upang mawatasan nila ang nais niyang ipahatid.
Ngayong kapwa nila nais maging kaibigan ang isa't isa—
"Soulblings?" abot-tengang ngiting tanong ni Micah na ikinataka ng apat.
"Sou...soulblings?" hirang tanong ni Keith na sinabayan ng pagtango ng dalawa.
"Mygod! Ano pa bang inaasahan ko!" bagaman naiinis, hindi parin nito maiwasan ang tumawa dahil sa kamang-mangan ng tatlo sa mga salitang balbal na kaniyang ginagamit, "It's Soulmates + Siblings equals?" itinuro ang tatlo, tako upang sila ang sumagot.
"Soulblings." sabay-sabay na balisang sambit ng tatlo.
"Ahhh, ganon pala 'yon."
"Kaya pala."
"pinagsama pala siya." kani-kaniyang bulungan nina Kieth, Yna, at Pipe sa sarili."Oo! Ganon 'yon! Mga dumb-darumb-dumb kayo!" pangiti-ngiting higaw ni Micah.
"So..." nagdakmaan ng titig ang apat, "Soulblings?" inilapag ng Koreana ang kaniyang kamay sa gitna.
Kasunod noon, ipinatong naman ng tatlo ang kanilang mga palad sa isa't isa, "SOULBLINGS!" magkaisang pumalakat ang masisiyang boses ng bagong magkakaibigan at sabay hagis ng kamay sa ere.
"Let's go!" niyaya at inakbayan na ni Keith ang mga kaibigan upang sabay-sabay ng pumasok sa Akademya.
Subalit sa kanilang pagharap, bumulaga sa kanila ang umaalulon at naghuhukay na aso.
"Shit! Di'ba sabi nila dapat bawalan yung aso pag gumaganyan kasi may mamamatay daw?" naalala ni Keith ang pamahiing nabanggit sa kaniya ng kaniyang ina.
"Superstition lang mga yan, friend!" pangpakalma ni Keith sa nababahalang si Pipe, "Pamahiin lang yan. Hindi naman totoo yan. Tyaka sabi mo di ba, lucky charm ka namin kaya walang mangyayari as long as you're here!" tinapik ng tatlo ang balikat ng kabadong Pipe na siyang atay-atay na nagpakalma at nagpahinahon sa kaniyang loob.
"G na!" tumakbo na si Micah sa sobrang tuwa at excitement kaya kagyat niya na lamang hinablot ang kamay ni Yna na siyang dahilan nang paghila ng Tsina sa kamay ni Keith at tila naging mga batang tren ang magkakaibigan nang isinama niya pa sa hilahan si Pipe.
-End of Throwback-
Napangiti na lamang ang tatlo pagkatapos gunitain ang mga alaala at pangako na itinaga ni Pipe.
Ang magkakaibigan na nawawalan na ng pag-asa ay nabuhayan muli ng dugo.
Nagpatuloy na lamang ang magkakaibigan kasama si Ibe sa paghihintay na may positibong pag-iisip at walang basag na pag-asa.
Makalipas ang sampung oras na paghihintay, lumabas din sa wakas ang doktor sa O.R o Operating Room nang may pagod ngunit maaliwalas na wangis.
"He survived!"
Special Note:
It doesn't have to spend thousands of years to make real friends. Sometimes, learn to listen in your gut feels and trust destiny's gift.Pasadyang Tala:
Hindi na kailangan pang gumugol ng napakahabang panahon para lang makahanap ng totoong kaibigan. Kung maminsan, matuto kang makinig sa iyong kutob at magtiwala sa tadhana.
JEDZUUUHMATIC
BINABASA MO ANG
I Need Your I Love You (BL Story)
RomancePipe Barbadensis, a freshy student of GMU who thought that his life would be better and had a certain, implicit and brighter future ahead if he entered this University. Unluckily, how wrong he was. His life was serenely peaceful not until Ibe Galde...