Laura
Papaalis pa Lang ako Ng bahay nang may mamataan ako sa labas. Isang lalaking nakajacket at may itim itong pantalon. Parang katulad Ng suot Ng mga boys sa school. Paglabas ko Ng bahay,agad Naman itong lumapit sa akin.
"Maari ka bang makausap?" Tanong nito.
"Teka. Sino ka ba? Anong pag uusapan natin?"
"Wag ka nang maraming tanong. Sumama ka na Lang." Pilit nitong hinahatak Ang mga kamay ko.
"San mo ba ako dadalhin. Hindi Kita kilala!"
Tila Wala itong narinig. Nagpupumiglas ako mula sa pagkakahawak nya sa akin. Hindi ako makaalis dahil na Rin sa higpit Ng pagkakahawak nya.
"B-bitawan mo ako!"
"Manahimik ka na lang."
Nang sabihin nya iyon,isang malakas na suntok Ang tumama sa sikmura ko. Sa sobrang pamimilipit sa sakit,Hindi ko na magawang makalakad pa kaya't binuhat na ako nito. Ang buong paligid ko ay patuloy sa pag ikot at sa pag labo. Nanghihina ako at Hindi na makagalaw para manlaban. Hanggang sa unti unting nilamon Ng dilim ang buong paligid at nawalan na ako Ng Malay.
Nagising ako sa isang madilim at mainit na kapaligiran. Puro lamang punong kahoy Ang mga nakita ko. Wala akong ideya sa Kung ano Ang nangyari matapos akong nawala Ng malay. Tumayo ako kahit medyo nahihilo pa. Inilibot ko Ang aking Mata sa buong paligid. Pamilyar Ito sa akin. Parang nanggaling na ako dito noon. Ang mga puno,simoy Ng hangin at Ang katahimikan. Tama.. nanggaling na ako dito. Ito Yung kagubatang tinahak naming dalawa ni Paulo at Ang Lugar Kung saan kami nagkakilala.
Hindi pa ako Tapos magmasid nang may narinig akong mga yapak at parang papalapit Ito sa akin. Maya Maya pa,tumambad sa akin Ang lalaking dumukot sa akin kanina. Matangkad Ito,may kalakihan din Ang katawan at halos kamukha na nya si Paulo.
"S-sino ka? Bakit ako narito?" Nanginginig Ang boses Kong tinanong sya.
"Malamang Hindi mo ako kilala. Dahil nung araw na mismong makikilala mo ako,inagaw ka sa akin Ng taong labis na kinamumuhian ko."
"Teka. Anong ibig mong sabihin." Napaupo na Lang ako sa mga sanga dahil sa labis na pagkapagod ko.
"Ako si Federiz. Kapatid ko Ang lalaking kumuha sayo at nagdala sayo sa sinasabi nyang ligtas na Lugar."
"Kapatid mo sya? Ngunit bakit Hindi Kita nakita noon sa Libérte De Paraisó?"
"Gusto mong malaman Ang lahat?"
Nagdalawang isip pa ako Kung aalamin ko ba o Hindi Ang tungkol sa pagkatao nilang dalawa. Hindi rin nagtagal,napagpasyahan Kong Pumayag sa gusto nya.
"Dati kaming magkakampi sa lahat Ng bagay. Sya Yung naging karamay ko kapag may hinanakit ako. Sya Yung nandyan kapag walang Wala ako. Pero lahat Yun nagbago. Nalaman Kong lahat Ng nasa akin ay unti unti nang napupunta sa kanya. Pinaikot nya Lang ako sa pagiging mabuti nya. Dahil sa laki Ng galit ko sa kanya,pinaghiwalay kami Ng mundo. Bilang kabayaran sa kasalanan naming dalawa,kailangan naming humanap Ng Babaeng tapat at tunay na magmamahal sa amin upang kami ay tuluyan nang makalaya sa loob ng Ilang taon na pagkakakulong dito. Noong gabing may humahabol sa iyo,ako yon. Nais lamang kitang paglaruan sa una ngunit nang malaman Kong kinuha ka Ng kapatid ko,Ang lahat Ng galit ko sa kanya ay mas lalong lumala." Mahabang litanya nito.
"Ano bang pangalan nya?"
"Hindi ko maaring sabihin. Ang tanging makakapagpalaya sa kanya ay Ang kanyang pangalan. Dapat na alamin Ng Babaeng kanyang nahanap Ang pangalan nito upang sya ay tumawid na sa kabilang buhay at maipanganak sa Mundo Ng mga Tao. Kapag Hindi nangyari iyon sa pagpatak Ng unang Ulan sa kabilugan Ng buwan,Ang kanyang kaluluwa ay masusunog at tuluyan nang maglalaho." Sagot nya.
"Paano Naman Ang sayo?"
"Kailangan ko lamang humanap Ng Babaeng tapat na magmamahal sa akin. Yung babaeng handang sumama sa akin sa pagtawid ko sa kabilang buhay."
"Kaya ba binawi mo ako? Ngunit Hindi Kita matutulungan. Alam mong Hindi ikaw Ang ninanais ko Federiz."
"Alam ko. Kinuha lamang Kita upang magpakita sa akin Ang kapatid ko. Nais ko syang pagbayarin sa lahat Ng kasalanan nya kahit isang patawad Lang."
Tumango na lamang ako at saka niyakap sya. Wala akong ibang magagawa kundi iyon lamang dahil Alam Kong kahit konti,gagaan Ang pakiramdam nya. Hindi pa man nagtatagal Ang yakapan namin, isang malakas na hangin ang umihip sa buong paligid dahilan para tangayin ako at tumama Ang ulo ko sa sanga Ng mga puno.
(Errors Ahead)
————————
End of Chapter 6
-Damonisovich
YOU ARE READING
Parállilos Kósmos (PART 1)
Ficção Adolescente(Completed) Magkaiba man Ng mundong pinanggalingan,Ang tunay na nagmamahalan ay Hindi kailanman mahahadlangan maliban na lamang Kung kamatayan na mismo ang hahadlang. Parállilos Kósmos Written by: Damonisovich