Hugs
"Klare, ano niregalo sayo ni Dela fuentes?" Erin asked.
"Uhm..." She opened her gift. "Dress from plain and prints."
It was an elegant dress. Sinukat ni Klare ang damit sa kanyang sarili. Ilang sandali ay lumabas ang kapatid ko. Mga pinsan kong lalaki ay busy sa ginagawa nila.
"It looks elegant. Ang galing niyang pumili ng damit." Tinulungan ni Erin si Ate Chanel mag ayos ng kalat. Claudette looked at me. Nilagpasan ko na lang at nag text.
"Hindi siya pumasok dito?" Tanong ni Klare kay Josiah.
Umiling siya. "Hindi! Ayaw pumasok."
"Bakit?"
"She just came here just to see Josiah." I whispered. Napalingon siya. Inayos ko agad ang sarili ko. Ano ba pinagsasabi mo, Azi?
"We're not flirting, Azi. Really? Birthday pa ni Klare?" He nodded. "Hindi ako ang pinunta niya. She just want to give her gifts." He said.
"Oo nga naman! Bakit hindi siya pumasok at siya dapat ang mag bigay ng regalo kay Klare." Dagdag ni Damon na galing sa labas. Pumasok din si Elijah na may dala dala na clover.
"Mahiyain siya. Hindi siya makapasok dito." Palusot niya. Kumain na lang ako ng Pizza na tira nila Klare.
"Makapag jogging nga." Ngumingiting sabi ni Damon sa sala habang palihim na nag iinimun ang mga boys.
"Wow! Jogging? Tumigil tigil ka nga diyan! Ayaw mo naman sumama sa amin minsan kapag niyaya ka." Uminom ako.
Wala ang kapatid ko kaya walang magpapapigil sa akin. Straight akong uminom.
"Eto naman! Magj-jogging sa kama." Tumawa sila.
"Grabe! Ni di ka nga makaporma doon sa isang kaibigan ni Victoria." Tumawa si Elijah.
Inismaran siya ni Damon na hindi nakakibo sa sinabi ni Elijah. Need for speed ang nilalaro nila. Wala naman kaso ako sa mood makipaglaro.
"Kuya, push the other botton. Kaya hindi siguro gumagana." Dinig kong utos ni Charles na kapatid ni Klare kay Rafael.
"I'm trying!" Rafael said.
Tumawa si Josiah mula sa phone tsaka pinakita kay Elijah. They laugh together. Hindi ko alam kung ano yon kaya nakialam ako. They are talking to another girl. Hindi ko kilala kung sino pero familiar yung babae.
"Angela Castolio. Tiga Liceo." Ngumingiting sabi ni Josiah. Inabala ko na lang sarili ko sa cellphone kunwari pero yung atensyon ng utak ko ay nasa kanila.
"Stop it! Jos." Ngumingising sabi ni Elijah.
"Why? She's sexy and beautiful!" Puri ni Josiah. Akala ko ako lang ang hindi nakakapansin. Gulat ako nang agawan ni Klare si Josiah ng cellphone.
"Really? Jos?" Pinakita niya ulit ito sa mukha nila Elijah at Josiah. "Ang hilig niyong mag two timer!" Umiling siya tsaka binato ang cellphone.
"Bakit kasama ako? Hindi ba dapat si Josiah lang?" Iritado ni Elijah.
Inismaran lang siya ni Klare at nag walk out. Napamura si Elijah at napa iling. "Damay pa ko?"
"If you have a plan to cheat? Break up with her! You don't deserve her, Jos." Dugtong ni Klare na umakyat sa itaas.
Napalingon ako sa dalawa. Hindi ako kumikibo at hinahayaan sila mag salita. I looked at Jos. Nakaramdam ako ng pagkairita. Kapag may plano siyang saktan si Victoria. Baka hindi niya ko makilala.
BINABASA MO ANG
Healed scar (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 3)
FanfictionAzrael Montefalco Point of view. Ang daming kong sakripisyong hinarap para lang makuha siya. Ilang beses niya akong tinulak pero kahit kailan ay hindi ako sumuko. Kahit masakit sa damdamin ko ay hindi ako bumitaw. Naiintindihan ko ang lahat kung bak...