≡8

92 4 0
                                    

≡ ≡ ≡ ≡ ≡

Sa mismong araw ng birthday ni Chael grabe na ang kaba ko. Hindi na ako mapakali kahit ayos naman na lahat ng plano ko para sa surprise sa kan'ya. Nagpatulong lang ako kay Elle at hinihingi ang opinion n'ya sa gagawin ko. Okay lang naman daw sa kan'ya basta kung saan ako sasaya. At ang sabi ni Elle ay doon na lang kami magkita dahil manonood daw s'ya ng gig ng The Juans at nalaman ko rin na friend n'ya ang isa sa mga ito.


Noong alas dos na ng hapon ay handang handa na ako. Nakaayos na ako at hinihintay na lang sunduin ni Chael. Alas tres n'ya raw kasi ako susunduin kasi 4pm nga iyong gig nila.

Saktong alas tres ay tinawag na ako ni Ate Deli at nasa baba na raw si Chael. Sumulyap muna ako sa salamin at nagpabango bago bumaba.



Sa labas ng pinto ay doon nag aantay si Chael sa akin. Naka suot s'ya ng shirt na stripes at pinatungan ng black jacket at naka black jeans and boots din s'ya. Ang gwapo n'ya pala lalo na at ngayon ko lang s'ya nakitang hindi naka uniform.


"Bango natin ah?Ganda pa.Pinaghandaan talaga ako. Nakakatouch naman" sabi nya sabay hawak sa puso na kunwari na touch talaga s'ya.


"Baliw! Tara na nga. Ate Deli aalis na po kami"paalam ko

"Mag-ingat kayo. Ingatan mo iyang talaga ko" sabi pa ni Ate Deli kay Chael.

"Iingatan ko po talaga". sabi ni Chael at pagtapos ay umalis na kami. May dala-dalang sasakyan si Chael at pinagbuksan n'ya ako ng pinto sa passenger seat. Sabi n'ya sa papa n'ya raw iyon at pinayagan s'yang hiramin n'ya muna ito.


"Paano nga pala yung mga ka banda mo?" tanong ko habang nasa biyahe.


"Nauna na sila. Kadalasan ay yung sasakyan ni Carl ang ginagamit namin para sabay sabay kami at s'ya pa lang yung may sasakyan samin. Pero ngayon kasi sabi ko may kasama ako kaya hindi ako makakasabay sa kanila"

"Okay lang naman na sa kanila tayo sumabay "


"Magugulo yung mga 'yon at tiyak aasarin lang ako"


"Asus gusto mo lang ako ma solo e"

"Gustong gusto.Sino ba namang hindi" sagot nya sa'kin. Joke ko lang sana 'yon pero si Chael naman seryoso. Hays sabi na nga di talaga ko magaling sa pag jjoke.

Nang nasa venue na kami ay sa backstage kami dumiretso. Nagulat ako dahil andon din si Elle at kausap n'ya iyong mga ka member din ni Chael namumukhaan ko lang pero 'di ko kilala.Ay nga pala sabi n'ya kakilala nya ang isa sa mga ito pero 'di ko naman alam na close n'ya pala dahil andito s'ya sa back stage.



"Brad ito nga pala si Aliesa nililigawan ko. Aliesa ito mga kabanda ko si Carl," turo n'ya sa kulot. "Si Japs" turo n'ya sa mukhang tahimik at kaibigan din ni Elle. "Si Josh" turo n'ya sa medyo chubby pero pogi. "At ito naman si Rj," turo n'ya sa payat na may hawak na acoustic guitar.Sa pagkaka-alala ko ay s'ya yung nagpupumilit tumulong sa akin nung nabangga ako ni Chael. Ngayon ay ganon pa rin s'ya makatingin sa akin. Parang kakaiba at nung nakamayan ko na ang tatlo at kakamayan ko na sana yung Rj ay hindi nito tinanggap ang kamay ko.

Hatid (The Juans Series #1)Where stories live. Discover now