Chapter 18- Start

344 18 0
                                    

Tine's Pov

Nang umalis si Sarawat ay agad na din akong pumunta sa susunod kong klase, parang tanga ang puta. Hinalikan pa talaga yung pisngi ko, tsk!

Agad na nagsimula ang klase namin pag dating ko, kaso nga lang di ko maiwasang isipin yung sinabi nya kanina na ilelevel up daw namin yung acting skills namin pareho.

Ang kayang mga bagay yung gagawin namin kung ilelevel up namin yung acting skills na'to? Hayyss sumasakit na tuloy yung ulo ko.

Agad akong nagulat ng sumigaw bigla yung Prof namin,

"Mr. Tine Teepakorn! Kanina pa kita tinatawag! Ano bang nangyayari sayo? Ba't bigla kang naging bingi?" Sigaw nya.

"Sorry po Prof, may iniisip lang po ako. Ano nga po ulit yung tanong nyo?" Tanong ko sa kanya.

"Wag na, ibibigay ko nalang sa iba yung tanong. At dahil hindi ka nakikinig sa klase ko, you'll get detention mamaya." Sabi nya na nagpalungkot ng araw ko.

Shit detention na naman? Kung ano pa yung ayaw ko yun pa yung lagi kong nakukuha.

Matapos ang ilang minuto ay natapos din ang klase, sinabihan ako ng Prof namin na puntahan sya sa Office nya mamaya pagkatapos ng mga klase ko.

Isang klase nalang naman sana at uuwi na ako, kaso nagkadetention pa hahayssttt.

Matapos ang ilang oras ay natapos ko na rin yung panghuli kong klase, ngayon kailangan ko ng puntahan si Prof sa office nya para magpa detention.

Pagdating ko sa office nya ay parang galit parin sya sa'kin, kaya dahan dahab akong lumapit sa table nya.

"Prof andito na po-" hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng bigla syang sumingit.

"Say "I will never space out in your class again,  I promise" 3000 times infront of the grass outside my office." Sabi nya na nagpakabog ng puso ko.

"Pero Prof gabi na po, pano-" hindi ko ulit natapos yung sasabihin ko ng bigla na naman syang sumingit.

"I don't care! Bakit? Nung nagkaklase ako, hindi mo ba inisip na may nag didiscuss sa harap mo tapos ikaw ang layo na ng narating ng pagiisip mo? Go and do what i said, kung ayaw mong dagdagan ko pa yan!" Mahabang paliwanag nya, wala akong ibang nagawa kundi sundin nalang yung sinabi nya.

Nagsimula na akong magsalita sa harap ng damo, nakaka 10 palang ako pero nagdadry na yung lalamunan ko.

Napaisip na naman ako, sabi pa naman ni Sarawat kanina susunduin nya'ko. San na kaya nag punta yun?

Pinagpatuloy ko lang yung pagsasalita hanggang sa nakita kong lumabas na sa opisina nya yung prof na nag utos sa'kin nito.

Titigil na sana ako ng bigla syang nag salita.

"Ipagpatuloy mo yan, may CCTV sa harap mo. Makikita kita hanggang sa bahay" sabi nya habang naglalakad na sya pauwi.

Wala akong ibang ginawa kaya pinagpatuloy ko nalang, siguro nasa 120 nako nung magsimula ng mag si uwi yung ibang mga Prof. Halos wala ng tao sa school.

Nag alala din ako para kay Sarawat, baka kasi nasa building pa namin sya naghihintay. Di kasi nya alam na nagka detention ako.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita hanggang sa,

"Itigil mo na yan, mukha ka ng uto-uto!" Sigaw ng lalaking dahilan ng lahat ng 'to.

"Di ka pa ba umuwi? Bat andito ka pa?" Tanong ko sa kanya.

"Diba nga sabi ko, susunduin kita. Kaya eto, nandito parin ako." Sagot nya.

"Eh pano ka makakahintay ngayon? Eh hindi pa nga ako umaabot sa 200, tsaka 3000 times to ipaparecite ni Prof." Nag-aalalang sabi ko.

"Sus, magpahinga ka muna. Kain ka muna oh, binilhan kita ng lugaw sa kabilang banda." Sabi nya sabay abot ng lugaw.

"Di ako pwedeng tumigil noh, may CCTV sa harap ko. Nakikita parin ako ng Prof maski sa bahay nila." Paliwanag ko sa kanya, di ko pa tinatanggap yung lugaw na binili nya.

"Ang tanga mo rin pala minsan ano?" Sabi nya na nagpa init ng ulo ko.

"Anong pinagsasabi mo?!" Pasigaw na tanong ko sa kanya.

"Sinabi ba ng Prof mo na di ka pwedeng magpahinga? Sinabi nya ba na di ka pwedeng kumain? Hindi diba? Kasi kung sinabi nya yun at malipasan ka ng gutom, sya yung mananagot sayo kaya halika na at kainin mo na to habang mainit pa." Paliwanag nya na sa tingin ko ay tama naman.

Wala akong ibang nagawa dahil gutom din naman talaga ako, umupo ako sa tabi nya at kinain ko yung lugaw na binili nya para sa'kin.

Habang kumakain ako ay may tanong na biglang pumasok sa isip ko, kaya tinanong ko kaagad ito sa kanya.

"Ano bang mga gagawin natin kung ilelevel up natin yung acting skills natin as "Mag Boyfriend"?" Tanong ko.

"Sus tinanong mo pa, eh itong ginagawa ko? Di pa pala to naglelevel up?" Tanong nya.

"Huh?" Naguguluhang sagot ko.

"Binilhan kita ng lugaw, sinamahan kita dito, hihintayin kita dito, that's the things that I'm doing as your "Acting Boyfriend" right now." Sabi nya na nagpatibok na naman ng puso ko, as in sobrang lakas na. Baka marinig nya na sa sobrang lakas.

:)

@StudentAndrea

Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon