Chapter 3

30 8 0
                                    

"Happy New Year!!!!"

Bati ni Mama sa'kin habang kinakalampag niya ang mga takip ng kaldero. Saktong 12AM nang umakyat kami sa second floor ng bahay namin at pumunta sa may terrace. Tumingin ako sa bahay nila Lolo Ben. I felt sad for his loved ones. Icecelebrate nila ang New Year nang naka burol ang taong mahal nila. Hindi man lang nila magawang mag ingay dahil sa sitwasyon nila. Ang sakit naman isipin non.

"Ma, kawawa 'yung pamilya ni Lolo Ben, 'no? Habang tayo nagsasaya, sila naman hirap nilang tinatanggap na sasalubungin nila ang bagong taon na wala na si Lolo Ben." Seryosong sabi ko kay Mama. "Right, Elle. Kawawa 'yung mga anak niya." Sagot sa akin ni Mama. We watched the fireworks and pagkatapos non ay bumaba na kami para kumain.

"Ano ba naman 'yan, Adrielle! Bagong taon oh, kumain ka ng marami. Hindi naman dadagdag ng sampung kilo 'yang weight mo, e." Mom convinced me to forget about my diet kahit ngayon lang. Tumango naman ako. Kakasimula pa lang ng taon kaya ayoko muna siyang suwayin.

Every year, tatlo lang kaming sumasalubong ng bagong taon dito sa bahay. It's sad pero I'm used to it. Hindi na bago sa'kin na tahimik lang sa bahay 'pag New Year.

"Ako na maghuhugas dyan, pahinga ka na." Mom told me. "Are you sure, Ma?" Pagbibiro ko sa kanya. "Pasok ka na sa kwarto bago pa mag bago ang isip ko." Nagmadali akong tumakbo papunta sa kwarto. Humiga na ako at hindi na nag phone because it's almost 1am na.

"Hoy, Adrielle Blaire! Maligo ka na 9am daw 'yung libing." Pinauna na ako ni Mama sa banyo dahil matagal bago ako matapos. Nagdecide ako na sumama kila Mama makipag libing kay Lolo Ben. He became a part of my life na rin kase. Lumabas na ako ng banyo at namili na ng susuotin ko. I just wore a white oversized shirt partnered with high waisted ripped jeans naka tucked in kaya lalo akong nagmukhang matangkad and black converse for my shoes. Inayos ko na ang sarili ko at 'yung bag na dadalhin ko. I'll also bring my shades with me dahil panigurado mainit mamaya.

Nakarating na kami sa burol at saktong nagmimisa pa lang. Tumayo kami sa gilid habang hinintay matapos ang misa. Nang matapos ay pinagmano ako ni Mama kina Tita Elly at sa mga kapatid niya. Nagmano na rin ako kay Lola Ana, ang asawa ng namatay. Nagulat ako nang pagkabitaw niya sa'kin ay humagulgol ang iyak niya. Mabilis akong pumunta kay Mama at umupo sa tabi niya. Naiiyak tuloy ako sa mga sinasabi niya. Nakita ko rin ang mga anak niya na umiiyak.

"Bren, 'yung Nanay mo patahanin mo." Gulat akong napatingin sa nagsabi non at tinignan ang kinakausap niya. He's hugging Tita Elly now. Siya siguro 'yung panganay na anak ni Tita Elly. Nagulat ako nang biglang may dumaan sa harapan ko at umupo sa harap ko. Si Billy, tinignan niya ako pagka upo niya. Hindi naman siya masyadong malapit sa akin at hindi din malayo. Tumingin ako ulit sa kanya at nagtaka kung bakit hanggang ngayon ay nakatitig pa din siya sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin at nag phone na lang.

I'm watching some facebook stories nang nakita ko na naman ang pangalan ng taong nasa harapan ko ngayon. Tinignan ko siya saglit, he's using his phone now. Tumingin ulit ako sa phone ko para tignan ang fb story niya. Picture ng location ng burol ng Lolo niya 'Last Night' that was the caption of his fb story.

"Adrielle! Magmano ka raw sa Ninong mo!" Muntik ko ng mabitawan ang phone ko sa sobrang gulat. Grabe naman 'tong matandang 'to. Kulang na lang ay magising ang patay sa sigaw niya! Tumingin tuloy sa'kin lahat ng mga tao dito. Tumayo ako at nagmano kay Ninong Mark. Hindi ko naman kasi siya napansin kanina. Bago ako umupo ay tinignan ko ulit si Billy dahil ramdam kong nakatingin na naman siya sa akin. Mabilis siyang yumuko dahil nakita niyang tinignan ko siya. Umupo na ako at nag phone ulit habang hinihintay  naming lahat na mag 9am.

Later on, there was a familiar guy who came. "Magmano ka sakanila." Utos ng isang Kuya ni Billy sa girlfriend niya. The girl is chubby but she's so beautiful. Nagmano siya sa mga taong tinuturo sa kaniya, pati kay Mama nagmano. "Ano ba 'yan, si Billy lang ang walang dumating na girlfriend sa mga anak mo, ha?" Sabi nung babae kay Tita Elly. "Ewan ko ba kung kailan niya papakilala ang sakanya." Tita Elly answered the girl. I looked at Billy to see his reaction. What the! Why he's looking at me again? Ako ba ang ipapakilala niyang girlfriend? Oh just kidding. Malayo akong magustohan ng lalaking 'to. I'm pretty sure na maganda't sexy hanap neto. Besides, hindi ko rin naman siya gusto!

Sa sobrang tagal naming nakaupo ay may mga batang nagrambulan na dito. Sinundan ko ng tingin 'yung batang babae na umiiyak papunta siya sa pwesto nila Billy at mga pinsan niya. Imbes na 'yung bata ang tignan ko, napatingin ako kay Billy. He's using his phone and parang may kinukuhanan ng picture dito sa may bandang pwesto ko. Is he taking a picture of me!? Mabilis akong yumuko dahil nahiya ako. Ang weird naman neto, masyadong halata na pinipicturan ako. Para saan 'yon? "Elle, ano ba? Kanina ka pa hindi mapakali dyan." Bawal sa akin ni Mama dahil kanina pa ako galaw ng galaw. I feel uncomfortable here. Tinignan ko si Billy na tumatawa at nakatingin pa rin sa akin. Ba't feeling close 'to? Ni hindi ko pa nga nakausap o nakachat ang lalaking 'to. I looked away and I didn't smile at him. Suplada na kung suplada pero ang weird kase niya.

Dumating na 'yung mga nagtatrabaho sa funeral service para ligpitin 'yung mga gamit sa burol. It's almost 9am kaya pumunta na kami kay Papa na kanina pa naghihintay sa kotse. The cemetery was near but because of traffic, umabot kami ng isang oras papunta doon. Bumaba na kami at sinundan ko si Mama na papunta sa pwesto ng pamilya nung ililibing. I wore my shades dahil ang init! We're waiting for Lola Ana, sumakay yata siya sa ibang sasakyan kaya natagalan siya.

"Mahal na mahal kita, Ben. Salamat sa mga ala-alang habang buhay kong babaunin." Naiyak ako sa sinabi ni Lola Ana. Nakatingin lang ako sa kanila habang umiiyak sila. Napatingin ako kay Billy na nasa tabi ni Tita Elly, nakasuot din ng shades. He's looking at me again! Ako ba nililibing dito!? Hindi naman, ah! Parang matutunaw ako sa tingin niya. Kung crush ko lang siguro 'to, kanina pa ako namatay sa kilig kaso hindi e.

Natapos na ang libing kaya babalik na kami sa kotse. "Ma, ayun nga 'yung sasakyan. Hindi naman 'yan e." Pangungulit ko kay Mama dahil maling sasakyan ang tinuturo niya. "Bahala ka, pupunta na ako doon." Naglakad ako palayo sa kanya dahil sigurado ako na 'yun nga ang sasakyan namin. Sinundan na ako ni Mama at naniwala na. Habang pabalik ako sa kotse ay nakita ko na naman si Billy sa daan. He's talking to his brother. He looked at me when he felt na I'm looking to him. Mabilis akong umiwas ng tingin at patuloy na naglakad. Bago ko buksan 'yung pinto ng kotse ay tumingin ako ulit kay Billy. Nakatingin pa rin siya sa akin at tinanggal ang shades na suot niya.

"Elle, pasok na!" Sigaw sa akin ni Papa kaya pumasok na ako sa kotse. Babalik pa kami sa bahay ni Lolo Ben para magpagpag bago kami magpunta sa Mall. Mabilis na lang ang biyahe pabalik dahil wala nang traffic.

Kadarating lang namin sa mall at dito na kami kakain ng lunch. Charger lang talaga ang plano naming bilhin dito dahil sira 'yung cord ng charger ko. Nagtingin tingin kami ni Mama sa mga store ng mga damit and shoes. I decided to buy a sandals and a new clothes para may remembrance ako sa mga perang naipon ko nung pasko. Agad kaming natapos sa mga binibili namin kaya uuwi na raw kami sabi ni Mama. Nagpabili muna ako ng Buko Juice sa kanya bago kami bumalik sa sasakyan.

Natulog lang ako buong biyahe kaya paggising ko nasa tapat na pala kami ng village. Nag ayos muna ako at bumaba na. Hindi kami binaba ni Papa sa mismong tapat ng bahay namin dahil hindi makapasok ang sasakyan doon. As usual, maglalakad muna kami bago makarating sa bahay.

"Hala! Ma, ang daming tao oh." Gulat na sabi ko kay Mama bago kami dumaan sa bahay ni Lolo Ben. Kakalibing niya lang kanina pero may mga nag iinuman na. Biglang pumasok sa isip ko si Billy, what if he's here? What now, Elle!? You should not care to that person, he's just weird kaya lagi ka niyang tinitignan. Sa sobrang dami ng mga tao ay nakayuko lang akong dumaan sa harap ng bahay na 'yon.

"Elle, ang bilis mo naman! Hintayin mo ako!" Napalingon ako kay Mama nang malaman kong naiwan ko pala siya dahil kinausap pa siya ng mga kapatid ni Tita Elly. Kasabay ng paglingon ko ang paglabas ni Billy sa terrace ng bahay ng Lolo niya. Andito pa pala siya. Mabilis akong umiwas ng tingin nang mapansin kong nakita na niya ako. Tumalikod na lang ako habang hinihintay si Mama.

"Ma, ang bagal mo namang maglakad." Reklamo ko kay Mama nung sabay na kaming maglakad pauwi sa bahay. Iniisip ko pa rin kung bakit puro tingin sa akin si Billy. Wala naman akong chance doon, magaganda gusto non. Wala din akong balak makipag usap sa kanya dahil alam sobrang close ng fam namin. Ayokong umabot sa point na malaman ng pamilya ko na nakakausap ko siya. Pwede naman crush mo lang 'yung taong 'yon kapag nakikita mo siya 'di ba?

Nakapahinga na ako ngayon at handa nang matulog. I have to admit to myself that I have a crush on Billy everytime I see him. It means hindi araw-araw, bawat nakikita ko lang siya. I don't have a plan na makipag chat sa kanya. Wala akong planong ipaalam sa kanya and lastly, I don't want to talk to him.

"Goodnight, crush. Uncrush na muna kita ngayon dahil 'di kita nakikita. You're just my happy crush. Mukhang mapanakit ka rin kasi haha."






Maybe in a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon