Months had passed at nagpapasalamat ako na unti unti ko nang natatanggap ang nakatadhana sakin. Siguro nga everything happens for a reason talaga, may mga bagay na pinahiram lang sayo sandali pero hindi naman talaga iyo.
May mga bagay na binigay ang Diyos sa una hindi mo matanggap pero unti unti mo nalang mamahalin yung bagay na iyon. Lalo pa akong masaya ngayon dahil binalik na ni Zar sakin si Zari, madalas din syang bumibisita samin laging kasama si Sherina.
They really look perfect together, masaya akong sya yung kasama ni Zarius ngayon. Sakanya ko nakikita lahat yung mga bagay na hindi ko kayang punan noon.
"Mama, si Dada he's so madaya!" Kumunot naman ang noo sa naging sigaw ng anak ko mula sa sala, I was busy cooking our lunch.
Hininaan ko muna ang stove bago lumabas ng kitchen at para puntahan sila na nag lalaro ng jackstone sa sahig. Nakikita ko nga sa hitsura ni Dash na hindi sya natutuwa sa nilalaro.
"Mama!!!" Mabiliw na tumayo si Zari at pinuntahan ako. Tiningnan ko naman sya,
"What is it, baby?" Nakayakap sya sakin ngayon sa bewang.
"Mama si Dada he's so madaya!" Sumbong nya. Tumingin naman ako kay Dash na nakakunot ang noo, tinaasan ko naman sya ng kilay.
"What? I didn't do anything wrong. Do you think I know this game?" He said sarcasticall kaya hindi ko maiwasan mapasimangot.
"Lagi mo kasing inaasar si Zari." Tapos ay umirap ako.
"That's true mama!" Umiling na lang ako.
About Zari, dahil bata pa si Zari ngayon ay tanggap nya ang gantong setup namin ng papa nya. Alam kong makakaapekto ito sakanya kapag lumaki na sya, kaya naman hinahanda ko na ang sarili kung sakali mang mangyari iyon. Pero wag naman sana.
Everyday, I'd try to explain at pinapaintindi ang sitwasyon na mayroon sya. Ayoko masaktan ang anak ko, pero anong magagawa ko diba? Wala na kaming nararamdaman ni Zar sa isat isa.
"Pinagtutulungan nyo ko mag ina ha." Tumayo si Dash at nilapitan kami.
"Go away Dada!" Natawa naman kami nang itulak tulak ni Zari si Dash. Pero hindi nag papatinag si Dash sa halip ay niyakap pa ako.
"Ano ba, stop hugging mama!" Mas matangkad sakin si Dash kaya nayayakap nya ako ng buo, natawa na lang ako. Mas lalo pang nag alburuto ang anak ko nang halikan ako sa pisngi ni Dash.
"Mama, bow your head po! I'll put alcohol in your cheeks! That's virus!" Naiiling na lang ako sa aso't pusa na kasama ko. Sa araw araw na gawa ng Diyos, walang araw na hindi nag away ang dalawang ito.
"Hon c'mon, defend me!" Nagtago sa likod ko si Dash at doon ako niyakap pa.
"Dash naman ang hilig hilig mag paiyak!" Lumingon ako sakanya para pagalitan sya pero ang walang hiya! Ninakawan ako ng halik sa labi! Nanlaki ang mata ko at kinurot sya sa tagiliran. Talaga naman!
"Mama you have virus in your lips too!"
Madalas ko na rin nakikitang nakangiti o tumatawa si Dash pero pag kami nga lang ang magkasama. Sa labaw ay masungit sya ewan ko ba sa isang to!
Iniwan ko na sila na bahalang nag aasaran dahil kailangan kong balikan ang niluluto ko.
Nang hinahalo ko na ang adobo ay may naramdaman akong pumulupot na braso sa bewang ko at ang paglagay nya ng baba sa balikat ko.
"What are you cooking, misis?" Bulong nya. Mas lalo pa akong sumandal sakanya at inangat ang isa kong kamay para mahaplos ang buhok nya.
"Gutom ka na, mister?" Naramdaman ko ang pag tango nya.

BINABASA MO ANG
The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)
RomanceLaraya Yslavien Villareal is an only daughter and living in her own fancy life. She's just a simple girl even though her family's own a lot of hotel and restaurants, she is also fond of kdramas and studies. She loves star gazing too, she would sneak...